Chapter #7: The Crazy Maica

3.3K 61 0
                                    

Chapter no. 7

Kent’s POV

It’s 3:00 PM and I’m here at my office thinking about Isha..

Ano kayang ginagawa niya ngayon? MWF lang kasi ang klase ko sa kanila.

Nag-make up class na ako sa kanila yesterday so wala muna silang Profeth subject today.

Kung pwede nga lang everyday nalang klase ko sa kanila eh. Para lagi ko siyang nakikita!

Tawagan ko kaya?

Pwedeeee…

*calling ISHA*

“Hi.. how are you?”-sabi ko agad pagkasagot ng call

“Who’s this?”

“It’s Proff. Kent!”

“Ah.. Sir kayo po pala! Paano niyo po nakuha ang no. ko?”

“Kinuha ko sa phone mo nung naiwan mo sa bar ko.”

“Ahh.. eh.. bakit po kayo napatawag?”

“Ahhh kasi..”

Teka, ano bang sasabihin ko?

“Kasi ano eh..”

“Ano po?”

“Ah ehh.. pwede kaba tonight?”-tama, tama yun nga dapat sasabihin ko..

“Tonight? Ah.. for what po?”

“Dinner.. let’s have dinner..”

Isha’s POV

“Dinner.. let’s have dinner..”

Dinner? Seryoso ba to? Niyayaya niya akong mag-dinner??

Oh my god! Anong sasabihin ko?

“Ah Sir kasi, may gagawin pa po ako eh!”-ano to? Nagpapakipot ako? Hindi ah..

“Anong gagawin mo?”

“Ah.. mago-grocery po!”-charot..

“Samahan na kita!”

“Ah hindi na po.. kasi po kasama ko mga friends ko eh! Tama, kasama ko sila! Thankyou nalang”

“Edi pagkatapos niyo mag-grocery tska tayo mag-dinner.. hindi pa naman gabi diba?”- Sh*t ang kulit naman neto..

“Hmm. Okay!”-papayag din pala ako eh. Pinahaba ko pa ang usapan! Hahaha.

*fast forward*

8:25 PM na. Wala parin siyang text. Ano to? Pinaglololoko lang ako? Ang ganda lang ng bihis ko tapos paghihintayin ako?

Ayoko siyang itext or tawagan at baka isipin niya na atat na atat akong makita siya..

*dingggg donnnggg*
Biglang tumunog ang doorbell..

Sino kaya to?

Sumilip ako sa door-scope..

Si Sir Kent na pala.. at talagang sinundo pa ako ha? Konti nalang talaga at kikiligin na ako sa lalaking to ha?

Kinuha ko na muna ang bag ko tska nag spray ng perfume bago ko binuksan..

Pagbukas ko. Tulala siya.

“Sir?”-tanong ko agad..

“You’re beautiful..”-sagot naman niya.

“Thanks!”-napa smile naman ako.

“Let’s go..?”-tumango lang ako tska kami sabay na bumaba ng condo at sumakay sa car niya..

@Restaurant

“Ano order mo?”-tanong niya sakin habang nakatingin sa menu.

“Ahhh wait ha..”-habang ako naman sa isa pang menu.

“Lemon Iced Tea with Nata and Pudding will do”-dagdag ko.

“Ah sige po maam!”-sagot naman ng waiter habang sinusulat ang order ko.

“Yun lang? Desserts? Anything?”-Sir Kent

“No, It’s okay! Thankyou”- sagot ko naman

“Ah sige eto sakin! Creamy Carbonara with Monster Meatballs, Grilled Beef with Itallian Sauce and Lemon Iced Tea also.”

“Noted! Hmm. Any occasions Sir? Kasi po kung anniversary niyo po we’re giving a free sweet table at the VIP Room and a 20% discount sa orders niyo po.”

Tulala kaming dalawa..

“Ah.. we’re not couple, we’re just friends!”- sagot ko naman agad.

“Ow! I’m sorry po.”-waiter

“No it’s okay!”-Sir Kent

“Excuse me po!”-sabi naman nung waiter.

Nagkatinginan kami ni Sir Kent. Bigla kaming natawa nung umalis ang waiter..

“So.. How’s your day?”

“Okay naman..”-sagot ko

Kent’s POV

“Salamat at pumayag kang makipag-kita sa’kin..”-sabi ko

“Bawi ko na din to sayo for helping me to fix my car at sa pag-alaga mo sakin yesterday!”

Sh*t. Bakit ba ang ganda ng babaeng to? Smile palang talagang mai-inlove kana.

“So, nandito kalang pala!”

Napalingon ako ng may isang babaeng lumapit sa amin.

“Maica? Anong ginagawa mo dito at pano mo nalamang nandito ako?”

“Hindi na mahalaga yun, ang mahalaga ay nakita kita at ang babae mo! Infairness, mahilig kana pala sa mas bata ngayon.”

“Pwede ba umalis kana. Sinisira mong gabi ko eh!”

Naka-yuko lang si Isha at ayaw magsalita..

“We have to talk Kent. Hindi ako papayag na gaganituhin mo na lang ako! And this? Your flavor of the month?.. duh! Naghanap ka lang din ng iba yung cheap pa.”

Tumayo si Isha..

“Aah. Kent, I have to go..”-mahina niyang sabi

“No Isha, stay here pls!”-pero pinigilan ko siya.

“Wow ha! Kent ano to? Bastusan? I’m you’re girlfriend.”-Maica

“Maica shut up. I told you umalis kana!”-pasigaw ko

“Excuse me..”-aalis na sana si Isha ng bigla siyang hilain ni Maica sa braso

“Hindi ka pwedeng umalis. Magtu-tuos pa tayo babae ka.”-Maica

Pero biglang lumingon si Isha at binigyan ng napakalakas na sampal si Maica.

“Don’t you ever touch me again at baka mahawaan pa ako ng pagka-desperada mo!! Ako cheap? B*tch, You don’t know me. Kaya kong bilhin lahat kahit pa yang inaapakan mo!”-Isha

Tulala nalang si Maica..

“Wooah! That’s my girl..”-sabi ko agad sa sarili ko.

Umalis na si Isha at sinundan ko naman siya agad..

“Wait, Isha.. I’m sorry!”

“Sorry? Kulang ang sorry mo dahil sa kahihiyang natanggap ko this night!”

“Look, Maica is not my girl. Matagal ko na siyang nilubayan, siya lang itong sunod ng sunod sakin eh and I don’t want her to ruin our date”

“Then she did. You know, I don’t really care if you and Maica had a relationship. Ni hindi ko nga alam kung bakit pa ako nakipag-kita sayo eh! And date? Date ba to sayo? Well maybe this is the worst date I’ve ever had.”

“Isha. Please I’m so sorry!”

“Taxi.. taxi”-pumara siya ng taxi tska umalis.

Sh*t! Bwisit na Maica to. Sinira pa date namin eh!

Isha’s POV

I’m laying at my bed right now. Hell night! Nakakainis yung nangyari kanina.

Arrgh! That Maica? She gets into my nerves. Tinawag pa akong cheap? Eh siya nga tong mukhang losyang na nanay ng 5 bata na iniwan ng asawa! She had no idea how expensive I am para tawagin niya akong cheap.

Tama nga lang naman na hindi ako bumigay sa Kent na yan. Eh itsura palang mukhang playboy na eh!

*ringgggg ringggg*
Incoming call: SIR KENT

Tumatawag siya.. sasagutin ko ba?

No way. Isa lang din naman ang sasabihin niya eh. “Sorry”.. sorry mong mukha mo!!

*1 message received*

SIR KENT: “Goodnight! I’m sorry!”

Bahala ka sa buhay mo. Matutulog na ako!

I GOT YOU MR. PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon