Four

2.4K 56 0
                                    

HINDI malaman ni Ella kung ano ang gagawin niya ng mga oras na iyon. The room where Chloe was in was full of love. Naroroon kasi si Shenald at si Chase. At parehas na inaasikaso ang mga babaeng kanilang tinatangi.

Weset. Nang iinis yata talaga ang mga ito.

“Buti dito n’yo naisipang itakbo si Nicky,” anang ni Shenald na nakahiga rin sa tabi Chloe na panay na naman ang hikab.
“Hindi naman 'to kalayuan,” anang ni Mitch. “ito kaya ang pangalawang pinakamalapit na ospital mula sa istasyon.”

“Great thinking, babe,” bulong naman ni Chase rito. “pero grabe naman ang pagkataranta n'yo. Pati ako napasugod dito.”

“Naku, kung alam mo lang kung gaano mataranta 'yan si Mitch. Alig.” aniya.

“You can say that again, Ella.” Napapiling na saad ni Shenald. “Pag ‘yan ang natataranta, buong bahay ang binubulabog at natataranta.”

“Eh, ano ka na lang?” turo sa kanya ni Mitch. “Nagiging seryoso ka bigla. Daig mo pa ang kasungitan ko pagnatataranta ka.”

Inungusan lang niya ito. Doon yata lumalabas ang tunay niyang edad. Nawawala ang pagiging childish niya. “Pakialam mo,” aniya na lang sa kaibigan.

Nagkatawanan na lang sila roon. Nang umungot ng antok si Chloe ay natahimik silang lahat. Iyon yata ang nakuha ni Chloe, sleeping sickness at hindi morning sickness. Pero mas maganda na daw iyon, kaysa nagduduwal ito.

At dahil sa pananahimik na iyon ay mas lalong naging prominente ang pagiging alone niya. Tahimik kasing nakatabi si Shenald sa tabi ni Chloe na tila nakatulog na rin dahil galing pa ito sa duty nito kagabi pa.

Tahimik namang nakaupo sa tabi ni Ella sa sofa sina Mitch at Chase. Mukhang may balak ding matulog dahil kontento na ang mga itong magkayakap.

At alone na talaga ako.

Bahagya siyang tumikhim para palisin ang lungkot na naramdaman. “Labas muna ako, Mitch. Nagugutom ako, eh.” Kalabit niya sa katabi na tinanguan lang naman siya.

Tila naman nakahinga siya ng maluwag nang makalabas siya ng kuwarto. Para kasing bigla siyang nagka-allergy sa loob dahil sa sobrang sweetness ng mga taong naroroon.

Allegic nga ba o naiinggit? Singit ng tinig na iyon na nakapag-paungol sa kanya.

Hindi naman na niya kailangan pang i-analyze ang sinabi ng tinig na iyon dahil alam na niya ang sagot. Naiinggit siya. Hindi pwedeng maging allergic siya sa pag-ibig dahil iyon nga ang gusto niya.

Naiinggit siya dahil siya na lang ang hindi nakakakuha ng bagay na inaayawan ni Mitch noon at pinaka-aantay ni Chloe.

Then a light bulb lighted in her head. Bakit nga ba hindi niya gawin ang ginawa nina Mitch. Aayawan niya ang boys and everything at mag-aantay na lang.

Pero hindi pa man nagtatagal ang sampung segundo sa pag-iisip na gawin iyon ay suko na siya. She can’t. Ngayon ngang agresibo na siya ay hindi nagtatagal ang mga nobyo niya, paano pa kaya kung gawin niya ang naisip kanina.

You’re hopeless, Ella.

Nanlumo na lang tuloy siyang napatayo. Pero hindi pa man siya nakakatayo ng maayos ng mabungo siya ng kung sino at muling mapa-upo.

“Ano ba ‘yan!” yamot niyang saad.

“I’m sorry, miss,” anang ng baritonong tinig. “okay ka lang ba? Hindi ko napansin na tatayo ka pala kaya nabangga kita.”

“Ano ba kasing ginagawa…” hindi na niya natapos ang sasabihin ng sa pag-angat ng mukha niya ay mabungaran niya ang mukhang saglit niyang kinalimutan.

Pero ngayong muli silang pinagtagpo, makakalimutan ba niya ang maamong mata nito na tila nanoot sa kaluluwa niya noong kasal ni Chloe?

Hindi! Never!
“Carl?” aniya rito nang bahagya siyang makahuma sa pagkabigla mula sa pagkakita rito.

Saglit na kumunot ang noo bago siya pinakatitigan. Naramdaman din niya ang bahagyang paghagod ng hinlalaki nito na nakaalalay sa braso niya. Noon lang niya iyon napansin. Marahil ay inilalayan siya nito ng mapaupo siyang muli.

Pero ang pagkumpirma nito sa tanong niya ang tila sakit na dapat naramdaman niya kung sakaling sa lapag siya bumagsak ng mabangga siya nito kanina.

“Am I supposed to know you?”

[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon