Twenty-three

1.7K 47 0
                                    

"WHAT HAPPENED to you?"

Napaangat nang tingin si Angeal nang marinig niya ang tanong na iyon ni Shenald. Hindi na niya namalayan na pumasok na pala ito sa clinic niya. He was still bothered by what Ella said the other night. And her face that was bugging his mind every day and every night.

Tumatak kasi sa isip niya ang sinabi nitong inihahambing niya ito kay Lavander. Kung paanong nalaman nito iyon ay iisa lang ang alam niyang magbibigay rito ng impormasyon, si Shenald.

Pero kahit na ginawa iyon ng kaibigan ay di niya makuhang magalit dito. Siguro ay mas okay nang sinabi nito kay Ella iyon. Iyon rin naman talaga ang gusto niyang mangyari.

"We broke up," iwas tingin niya rito.

Narinig niya ang buntong hininga ni Shenald kaya naman napabalik ang tingin niya rito. He saw sadness in his eyes when he sat in the chair in front of his table.

"Hiwalay na pala kayo. Bakit malungkot ka?" anito kapagkuwan. "Hindi ba dapat masaya ka dahil wala na s'ya sa landas mo? Tahimik na ulit ang mundo mo."

Tama ito. He should be happy. But instead, he felt empty. Parang biglang nagkulang ang buhay niya ng mawala ang presensya ni Ella sa tabi niya.

"She loves you, you know?"

Saglit siyang napatitig sa kabigan. "Yeah, she told me."

"Then why?"

Bakit nga ba? "I..I told her I don't love her."

Natahimik roon ang kabigan niya kaya muling dumako ang paningin niya rito. Tila naman pinagsakluban ito ng langit at lupa.

"Bakit parang ikaw ang nalungkot, hindi ba dapat s'ya?" anito sa kanya. "I just can't understand you," napailing pang saad nito. "you told her you don't love her kahit na ganyan ang hitsura mo? You look miserable without her. Huwag mong sabihing dahil kaugali niya si Lavander? Come on, Angeal, it's been what? Ten years? Hindi ka pa ba nakakaget over?"

"Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi ikaw ang nasa posiyon ko noon?"

"The hell?!" napasigaw na nitong saad. "Kahit na nasa posisyon mo ako at galit ako kay Lavander, I wont take it out to someone who would make me feel loved! Binuyo lang kita na maging girlfriend mo si Ella para maramdaman mo na kahit na ganoon ang ugali niya ay capable siyang magmahal. Hindi lahat ng babae ay tulad ni Lavander, Angeal.

"Alam kong pinaglaruan ka ni Lavander. Literal pa nga, 'di ba? You told me that at galit din ako sa mga tulad niya but that didn't stop me for being a friend to Ella. She's a good woman, Carl. Kung ako sa 'yo, simulan mo nang balikan ang nakaraan mo. Ayusin ang nakaraan mo. Kung hindi mo aayusin 'yan, baka bukas makalawa, wala na si Ella sa 'yo." After saying that, Shenald darted out of the room.

Naiwan naman siyang nakatulala sa pintuang nilabasan nito. That was the first time he saw Shenald so angry. At isa lang ibig sabihin nito, seryoso talaga ito.

Thinking what he said, Ella did make him feel loved kahit na kaugali nito si Lavander. Ang pagkakaiba lang nila, Ella didn't asked for anything in return. All she asked was for him to love her. And he didn't give anything back.

Sa halip ay pinilit niya itong baguhin. Iyong ugali na malayong malayo sa ugali ni Lavander. Subconsciously, siguro ay nais niyang maiba ito kay Lavander para matutuhan pa niya itong mahalin.

Pero ang totoo ay natatakot siyang mainlove kay Ella habang nakikita niya si Lavender dito. Natatakot siya na baka sa pangalawang pagkakataon ay masaktan na naman siya. Kaya hangga't maari ay gusto niyang makita sa ibang ilaw si Ella. And Ella did her best to do it.

Pero sa simpleng mga exes lang nito. Sa mga sinabi ng huling nobyo nito ay nawala na kaagad siya.

Naipikit na lang niya ang mata niya nang maalala na naman niya ang hitsura ni Ella ng gabing iyon. Tigmak ang mata nito sa luha. Hindi na ulit niya sinulyapan ito dahil kung ginawa niya iyon ay ikukulong niya ito sa bisig niya.

When she said goodbye parang dinurog ang puso niya. Pero kasalanan naman niya iyon. Alam niyang hindi ito bibitaw kung hindi niya sinabing hindi na niya ito mahal. At ngayon ay nagdudusa siya dahil hinahanap hanap na ito ng sistema niya.

Noong simulan pa lang nitong baguhin ang sarili nito ay tila nanamlay na siya. Dahil wala ng buhay ang Ella na nakikita niya. Pero pinipilit nitong pasayahin siya.

And I'm very stupid to let her go. When all she did was to make me happy and all she needed was my love. My love that I could give to her. Pero pinagdamot ko!

No, you're not stupid. You're insane!

"Damn it!" marahas niyang saad bago dinampot ang telepono niya. "Shenald, doon pa rin ba nakatira si Lavander?"

"Yeah, I think so," may pagtataka sa tinig ni Shenald.

"Thanks, doc."

And without thinking twice, umalis siya ng ospital at pinuntahan si Lavander. He must fix his past first bago niya harapin si Ella.

"Wait for me, sweetheart. Wait for me."

[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon