"I CAN'T DO THIS."
Ang sinabing iyon ni Angeal ang nakapagpaangat sa tingin ni Ella mula sa pagkutkot niya sa bag niya. Dinala siya nito sa garden ng ospital. Doon sila nagpunta dahil hindi pa ito pwedeng umalis ng ospital. Pero kahit saan yata sila mag-usap ay iisa lang ang sasabihin nito.
"W-what are you talking about?"
"I can't be with you anymore," iwas tingin nito. "hindi ko kayang tanggalin sa isip ko na kayang kaya mo akong iwan isa sa mga araw na 'to. Tingnan mo nga 'yong nagawa mo kay Mr. Osias. I know I'm not stupid enough to do what he did and I don't want to --"
"You're breaking up with me?" putol niya rito. "Nang dahil lang sa nangyari kay Harry at sa sinabi ng nanay niya? Narinig mong lahat 'yon? At naniwala ka?"
Isang pagak na tawa ang kumawala sa labi ni Ella ng hindi sumagot ang binata. Hindi na tuloy niya napigilan ang mapaluha. Ano bang ginawa niyang mali sa buhay niya at tila pinarurusahan siya? Bakit parang lahat ng mga taong mahal niya ay iniiwan siya?
"H-hindi mo ba pwedeng t-tanggalin sa sistema mo si Lavender at huwag siyang gawing basehan ng mga kababaihan?" di niya napigilang saad.
Marahas naman siyang nilingon ng binata. "Paano mo nalaman ang tungkol sa kanya?"
Nagkibit balikat siya. "Pasensya na. Tsismosa ako, eh." Sarkastiko niyang saad. "Alam ko at kahit hindi mo na sabihin sa akin o nang kahit na sino na sinaktan ka ni Lavender, big time." Muli ay napatawa siya. "Pero I'm not close enough to be compared to her."
"You are close enough," mariing saad nito. "look at what you did from Harry. Hindi mo ba alam na ganyang ganyan ako noon noong iwan ako ni Lavender? Hindi mo ba alam kung ano ang damage na pwede mong gawin sa kanya? Kaya bago pa ako mahumaling sa 'yo tulad ng ginawa mo kay Harry, mabuti pang iwan na kita, na maghiwalay tayo habang hindi pa kita mahal."
It was her turn to be stunned. Hindi siya mahal nito? "You..dont...love me? Not even once?" di makapaniwalang saad niya.
Nag-iwas na naman ito ng tingin bago tumalikod sa kanya. "I did that to satisfy your curiosity to me. Ang sabi ni Shenald, hindi ka daw titigil hangga't di mo ako nakukuha. So I gave in. Sabi ko balang araw ay iiwan mo din ako."
Naitakip na lang niya ang palad sa kanyang bibig para supilin ang hikbing nais kumawala sa kanyang labi. Sa bandang huli ay hindi na niya napigilan ang pagtawa. Kung may makakakita sa kanya ay baka idiretso siya sa mental dahil umiiyak siya habang tumatawa.
"Hindi ko alam na ganoon pala ang tingin n'yo sa akin. Well, I guess this is goodbye then." Aniyang nauna ng maglakad dito. "Sana masinsinan mo na lang akong kinausap na hindi ka pa handang magmahal ulit. I could wait for you, you know? Kaya ko ring patunayan sa 'yo na kaya kong baguhin ang sarili ko, mahalin mo lang ako. But I guess it isn't enough to make you fall for me." Aniya ng mapatapat rito.
Nag-antay siyang magsalita ito pero ng dumaan na ang ilang sandali ay wala itong sinabi. She even wished that he would run for her, hug her and tell her to stay. Pero nakasakay na siya ng taxi ay wala siyang narinig na kahit ano mula rito. Ni anino nito ay hindi niya nakita. Shit, even a whif if his perfume in the air na nagsasabing simunod ito ay wala.
Kahit man lang bye ay wala.
He doesn't love you, why would you think he'd do any of that?
Mapakla siyang napangiti at saka pinagpatuloy ang pagluha. Wala na siyang pakialam kung ano ang isipin ng driver, she just want to get out of there. Leave it there. Escape from the reality that the one she loves doesn't love her. Iyon na yata ang karma niya sa pagpapaibig sa mga lalaki at pag-iwan sa mga ito pagkatapos ng palugit niya.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?
RomanceSa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dalawang kaibigan niya ay maligaya na sa kanya-kanyang love life. Then she met her match. Si Arkangeal...