HINDI HALATA sa mukha ni Ella ang kabang kanyang nararamdaman habang nakangiti siyang namimili ng baby things. Hinatak-hatak kasi siya roon ni Chloe. Sa una ay nagreklamo siya dahil naudlot ang pag-iisip niya sa plano niyang mapalapit kay Angeal. Pero nang sabihin nito ang dahilan bakit siya nais isama nito, wala na siyang alinlangan pang sumama.
Pero heto nga siya at abot-abot ang kaba. Kabado siya sa iisang bagay, ang pagkikita nila ni Angeal.
Matapos kasi siyang palayasin nito at sa mga sinabi ni Mitch parang bumama hanggang sa inner core ng earth ang confidence level niya.
Naisip kasi niya, paano kung pagnakita siya ni Angeal doon ay layasan na lang sila bigla nito. O kaya naman hindi siya pansinin na tila hangin lang siyang dinadaandaanan nito. Or worst, baka pagnadulas si Shenald kay Angeal na kasama siya at hindi na iyon sumama.
Naku, huwag naman po sana. Piping dalangin niya.
Pwes, wag kang nega!
Huminga pa muna siya ng malalim matapos isigaw iyon sa isip. Dapat maging optimistic siya dahil ito na ang hinahanap niya. Iyong inaantay niyang lalaki para sa kanya.
Kung paano siya nakasigurado? Hindi niya alam. Basta naniniwala siya sa pakiramdam niya dahil ibang iba iyon kaysa sa mga exes niya.
“Chloe!” Masaya niyang lingon sa kaibigan nang makita niya ang isang Lavender shoes ng baby. “Look!” patili pa rin niyang saad ng lumapit rito.
“Lavender?” anang sa kanya ni Mitch.
“Kasi unknown pa naman kung girl siya o boy.”
“Mas maganda kung puti. Ito na lang Clow.”
Pinakatitigan niya muna ang kaibigan bago inilapag sa kamay ni Chloe ang hawak na sapatos. “Old fashion talaga ‘to si Mitch. Mas maganda pag lavender para new style.” Sabay belat niya rito.
Naitirik na lang ni Mitch ang mata. Nasa ganoong pag-aasaran sila ng biglang sumulpot si Shenald at hindi ito nag-iisa. Kasama nito si Angeal.
“Oh, nagtatalo na naman kayong dalawa,” anang ni Shenald at umakbay pa kay Chloe. “sa bandang huli naman si Chloe pa rin ang masusunod. So ano, Nicky, anong napili mo?”
Hindi na niya narinig pa ang sagot ni Chloe dahil napako na ang tingin niya sa lalaking tahimik na tumitingin ng feeding bottles. And he was so handsome!
Shocks! Kinikilig na naman ako!
Pigil na pigil niya ang mapatili pero hindi niya napigilan ang mapangisi para lang muling ibalik sa normal ang mukha niya. Lumingon kasi ang binata sa kanya. Naramdaman siguro nitong may nakatingin rito.
Isang kaway ang binigay niya rito. At muntik na siyang mapatalon, mapatambling at tumawa ng malakas ng kumaway din ito at bahagyang ngumiti. Sa halip ay bumalik ang ngiti sa labi niya.
“Lapitan mo na,” biglang bulong sa kanya ni Shenald. Naiwan na pala ito dahil nagliwaliw na sa ibang stall si Chloe. “wala yatang topak 'yan.” May bahagya pang tulak ito.
“Oo na. Nanunulak pa.” tinawanan lang naman siya ni Shenald.
Akmang lalakad na siya ng bigla na lang tawagin ni Shenald ang pansin nito. “Anghel, bantayan mo nga muna to si Ella. Baka kasi mapagkamalang manika at damputin ng kung sino. Bahala ka, baka ikaw pa ang mawalan.” Kumindat pa muna ito sa kanya bago sila iniwan.
Dahil tuloy sa sinabi ni Shenald ay nawala lahat ng tapang—kaunti na nga lang—ay nawala pa. Hindi na rin tuloy siya makatingin kay Angeal.
Naman, oh.
“Mahilig ka pala sa bata.”
Robot na po ako, bow. Anang niya sa isip ng magsalita ito.Nasa tabi na pala niya si Angeal kaya ganoon na lang ang pananayo ng balahibo niya sa braso. Wala na pala ito sa kinatatayuan nito kanina. And he was the first one to initiate the conversation.
Himala!
“Okay ka lang?” narinig pa niyang saad nito.
“Ha? Ah oo.” Lingon niya rito.
Tumango-tango naman ito. “So, mahilig ka nga sa bata?” ulit nito sa tanong nito. “You looked so excited earlier about the shoes o na-cutean ka lang talaga sa sapatos.”
Napangiting lumingon siya rito. Nakita pala siya nito kanina. Funny but she found herself blushing. Very seldom na mangyari sa kanya iyon sa mga exes niya. At iyon rin yata ang unang beses nahiya siya sa kababawan niya.
“It’s both,” nakangiti pa rin niyang saad. “ikaw? Anong ginagawa mo rito? ‘Wag mong sabihin nag shopping ka rin ng baby things. Tinutulungan mo rin si Shenald?”
“Ako?” turo nito sa sarili. Saglit itong natahimik bago siya pinakatitigan. “I…I w-was just dragged here.” Tila nailing na saad nito. Pero bakit?
“Ni Shenald?”
“Well, yeah,” sabay hagod nito sa batok. “and to apologize to what I’ve done. Pagod lang siguro ako noon kaya nasabi ko ‘yon.” Tila nahihiyang saad nito. At nang lumingon ito sa kanya ay isang tila nahihiyang ngiti ang binigay nito.
Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya pero pakiramdam talaga niya ay tumigil ang oras sa ginawa nitong pag ngiti. Hindi rin niya alam kung anong nangyari at tila naihipan ito ng magandang hangin. Bigla talaga itong bumait.
“Okay ka lang?” di tuloy niya napigilang saad.“Ha?” tila naman gulat na lingon sa kanya ng binata. Hindi rin siguro nito napansin na napatigil siya sa paglalakad. “Okay lang ako. Bakit?”
“Eh, kasi…” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla siyang natakot na magbago pa ang isip nito. Mahirap na. Ngayon pang kinakausap na siya.
“Ella?” may pag-aalala sa tinig nito. Kaya naman mabilis siyang napatingin rito. Badha rin sa maamong mata nito ang pagkabahala.“W-wala,” bigla ay iwas ang tingin niya rito. “May…may naisip lang ako.”
Pinakatitigan muna siya ng binata bago ito umayos ng tayo. “Akala ko kung napano ka na. Halika, dalian natin at iniwan na yata nila tayo.”
At bago pa man siya makapagsalita ay walang sabing pinaghugpong nito ang kanilang kamay at marahan na siyang hinatak. Hindi na tuloy niya alam kung anong gagawin kaya nagpatianod na lang siya rito.
Nang sulayapan niya ang mukha nito ay wala siyang maaninag na kahit ano. Hindi naman blangko ang ekspresyon nito. It was just plain, parang kuntento itong magkahawak ang kamay nila.
Isang ngiti ang binigay niya rito ng mapasulyap ito sa kanya. Pinigilan niya ang mapangisi ng ngumiti rin ito sa kanya at bahagya pa nitong pisilin ang kamay niya.
This is heaven!
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?
RomanceSa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dalawang kaibigan niya ay maligaya na sa kanya-kanyang love life. Then she met her match. Si Arkangeal...