Seventeen

1.6K 46 0
                                    

KUNOT na kunot ang noo ni Angeal habang inililibot niya ang paningin sa buong paligid. Napakaingay at halos wala na siyang marinig sa lakas ng tugtog. At hindi rin niya maintindihan kung bakit siya pumayag na doon sila pumunata ni Ella.

Kakapasok lang niya noon sa bahay nang tawagan siya ng dalaga at inayang gumimik. Wala daw kasi itong pasok kinabukasan kaya mag-good time naman daw sila. Hindi na daw kasi ito nakakaalis dahil buntis na si Chloe at busy naman si Mitch sa nobyo nito.

Tatanggi sana siya dahil hindi siya mahilig sa night life. Noon pa man ay inaayawan na niya ang disco, alak at sigarilyo. Bukod pa roon, doctor siya, pagkatapos ay maninigarilyo at iinom siya. Napaka-ironic n'on.

Pero nang pumasok sa utak niya na mag-isang gigimik si Ella o kung may kasama man ito, hindi niya maatim na may kasama itong ibang lalaki. Weird but he hated the feeling.

Muli pa niyang inilibot ang tingin bago iyon napako kay Ella. She was…simply sexy. Naka black sleeveless v-neck blouse ito. Naka maong shorts din lang ito at nakarubber shoes. Wala naman kasing uniform ang istasyon kaya ganoon ang ayos nito. Ordinary iyon kung ihahanay ito sa mga ibang naroroon pero sa tuwing may makikita siyang lalaki na mapapatingin rito ay parang nais niyang magkagulo roon.

Nasa ganoon siya pag-iisip ng bigla na lang paluin ni Ella ang mesa para kuhain ang atensyon niya.

“Okay ka lang?” pasigaw na saad nito. “Tara sayaw tayo.” Muli pang sigaw nito.

“I don’t dance,” balik sigaw niya.

Lumabi naman ito bago tumingin sa dance floor. Nandoon kasi ang ibang katrabaho nito. Nang ibalik niya ang tingin rito ay sa upuan lang ito umiindak habang sinisimsim nito ang piñacolada nito.

“Ella,” hawak niya sa kamay nito. Napangiti na lang siya ng tila natulala ito. Palagi itong ganoon sa tuwing siya ang unang hahawak rito. “sige na. Enjoy yourself. Dito lang ako.”

“Pero—”

“Go.” May tinig ng pag-utos pang saad niya rito.

Saglit pang tumitig ito sa kanya bago ito tumayo at lakad takbong pumunta sa dance floor. Iniwas na lang niya ang tingin sa dance floor dahil ayaw niyang makitang may iba itong kasayaw.

Then why don’t you dance with her?

I don’t know how to dance!

Yamot siyang napabuntong-hinnga nang sagutin niya ang tinig na iyon. Parang noon niya pinagsisihan kung bakit puro siya aral noon at di man lamang nagtry gumimik. May dahilan naman siya kung bakit niya isinubsob ang sarili sa pag-aaral. It was to avoid cheap girls at bars.

Naihilamos na lang niya ang mukha sa palad niya. Noon naman niya naramdaman ang pagdantay ng palad sa kanyang braso. Naitirik na lang niya ang mga mata. Alam niyang isang babae iyon ayon na rin sa lambot ng kamay nito. Someone will hit on him.

Sinasabi ko na nga ba. “Go away. Taken na ako,” yamot niyang saad.

“Nino? Nang masabunutan ko.”

“Ella!” gulat niyang lingon rito. “B-bakit nandito ka? ‘Di ba nagsasayaw ka?” di mapakaling saad niya rito.

“Well, hindi pa pala ako nakakapag-thank you,” anito.

He heard a hint of flirtation in her voice. Kailangan niyang umiwas kung ayaw niyang tuluyang mahawakan siya nito. ngunit ng mapatingin siya sa mata nito, there wasn’t any flirtation presnt in there. Just pure sincerity.

Sadya lang talagang sexy ang boses n'ya. And admit it, it’s turning you on.

No way!

Then she definitely got a hold on you.

Hindi niya nakuhang tumutol roon. Sa halip ay ibalik ang pansin sa mga mata nitong nakatitig sa kanya. He can see the admiration and love in there. Love? Yes, love. Definitely love.

Lihim siyang napangiti sa isiping iyon. Para kasing pinuno niyon ang ego niya. “Thank you?” tanong niya sa sinabi nito.

Tumango ito. At nang ngumiti ito ay alam na niya kung ano ang gagawin nito at hindi nga siya nagkamali. Nang idantay nito ang kamay nito sa balikat niya at bahagya itong tumingkayad. Alam niyang hahalikan siya nito but he didn’t budge and just waited for her lips.

And he was anticipating it!

Kaya naman ng medyo nainip siya ay siya na mismo ang tumawid sa pagitan na mayroon sila.

Sweet is the best adjective that he can give to her lips. Perfect for the moment. And fulfillment for the feelings.

Naramdaman niya ang pagpulupot ng braso nito sa kanyang leeg kaya naman hindi rin niya pinigilan ang brasong yumapos sa beywang nito. Alam niyang hindi niya dapat pinayagan iyon pero tila kumikilos ang bawat himaymay ng katawan niya ayon sa kagustuhan niyon.

He held the back of her head when he tried to plunge his tongue to her inner mouth. He heard her groan o sa kanya nanggaling iyon?

When it seems like forever ay saka lang niya pinilit pakawalan ang dalaga. Napangiti siya nang makita niyang pulang pula ang mukha nito. He lightly kissed her forehead and didn’t let her go.

“Sorry.” Narinig niyang bulong nito kahit na napakaingay ng lugar. It was as if they were still the only person in the room.

“It’s alright.” Muli ay dinampian niya ng halik ang ulo nito.

“L-let’s dance,” kapagkuwang saad nito.

“Okay.”

And around the noisy and body slamming dance floor, they danced slowly.

And when he closed his eyes, isa lang nasabi niya sa dalaga. “you’re mine.”

[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon