Twenty

1.6K 33 0
                                    

MABILIS na pinigilan ni Ella ang sarili mapatili ng may makita siyang magandang pang regalo kay Angeal. Alam kasi niyang mapapagalitan na naman siya. Kaya himbis na tumili ay dinampot na lang niya iyon at maiiging sinipat.

Sinarili na rin lang niya ang kaligayahang nararamdaman niya. The happiness that she would felt pagbinigay niya iyon sa binata.

Hindi siya sanay ng ganoon simula ng nagbago siya noong college pero pinipilit niyang ibalik ang dating siya dahil na rin alam niyang iyon ang magugustuhan ni Angeal.

Napangiti siyang isipin na mayroon palang magkakagusto sa isang tahimik na babae at walang ibang alam gawin kundi ang magbasa ng libro at tumahimik sa gilid. Bakit ba hindi niya nakilala noon si Carl?

Eh kasi ang gusto niyang babae noon ay ang mga tulad ng ugali mo ngayon.

Malungkot niyang iwinaksi iyon sa isip. Siguro nga ay ganoon ang hanap ni Angeal pero parang nagkamali ito dahil nasaktan na ang binata tungkol roon. And speaking of his past, kahit kailan ay hindi niya sinubukang buksan iyon dahil baka magalit ito sa kanya. Kaya hahayaan na lang niya ito ang magsabi niyon.

Napangiti na lang siyang muli at binitbit ang hawak na necktie para rito. Pero hindi pa man siya nakakatatlong hakbang ay may bigla na lang humatak sa kanya.

“Sabi ko na nga ba, hindi mo rin ako matitiis,” anang ng tinig. Nang lingunin niya iyon, si Harry ang nabungaran niya, ang ex niyang mama’s boy.

“Para sa akin ‘yang tie na 'yan, 'di ba? Makikipagbalikan ka na, 'di ba? Alam ko namang nagalit ka lang dahil hindi na ako nagkakaroon ng oras sa 'yo kaya—”

“Bitiwan mo ako,” sigaw niya rito. “anong pinagsasasabi mo?” nanlalaki ang matang saad niya. Kinalimutan na niyang kailangan niyang maging composed. Mas gusto kasi niyang makalayo sa lalaking iyon.

“I’m just making you remember that you loved me,” maamo na ang mukhang saad nito. Akmang hahaplusin nito ang mukha niya nang iiwas niya iyon.

“I don’t love you anymore. Kaya pwede ba bitiwan mo ako!” sigaw niyang muli rito at nagpumilit na kumawala rito. Pero lalo lang humigpit ang hawak nito. “Pwede ba, nasasaktan na ako!”

“No, I wont let you get away this time. Baka pagpinakawalan kita, tuluyan ka nang mawala sa akin.”

“You’re insane!”

“Oo, baliw na ako dahil sa 'yo!”

Nanlaki na lang ang mata niya ng bigla na lang siyang ikulong nito sa bisig nito. Napapikit na lang siya ng lumapit ang mukha nito. She knew he was going to kiss her. At masyado itong malakas para makalaban siya. Kahit ano kasing tulak niya gamit ang mga braso niyang naipit sa pagitan nila rito ay hindi ito matinag.

Oh, Lord, help me.

Mukha namang dininig ng nasa Itaas ang panalangin niya nang maramdaman niyang lumuwag ang pagkakayapos ni Harry sa kanya.

“Sa susunod na babastusin mo ang girlfriend ko siguraduhin mong wala ako rito!” narinig niyang sigaw ni Angeal.

Noon naman napadako ang tingin niya kay Haryy na humalik na sa lapag ang mukha. Mukhang napuruhan ni Angeal ito.

“Carl…” mahina niyang tawag rito. Para kasing biglang nagtransform ang binata dahil sa galit na nakikita niya sa mukha nito.

Noon naman ito bumaling sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang nakita nito sa kanya dahil dagling binaha ng pag-aalala ang mukha nito. Mabilis siyang nilapitan nito at ikinulong sa mga bisig.

“God, You’re trembling. Are you alright, sweetheart?” anitong sinisipat ang buo niyang mukha.

“I-I think s-so,” sagot niya rito. Nang tingnan niya ang mga palad ay tila matandang pasmado ang kamay niya sa sobrang panginginig niyon. Bahagya tuloy siyang napatawa. “Well, I guess not.”

She heard him groan bago siya muling ikinulong sa mga bisig nito. “Para sa isang natrauma, kakaiba ka.” Napapikit na lang siya ng maramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa kanyang ulo.

Sabay silang napalingon ni Ange kay Harry ng bigla itong tumawa. “Ikaw pala ang bago niyang boyfriend, ha.” Muli pa itong tumawa. “Ingat ka sa kamandag n'yang si Ella. Pagnagsawa na siya sa 'yo, goodbye boy ka na. Ganyan naman talaga ang mga babaeng magaganda. Pag-alam na nilang baliw na baliw na ang mga lalaking tulad natin, iiwan na rin tayo.” Anitong nakatihaya na.

“Sick,” narinig niyang bulong ni Angeal. “let’s go, Ella.” Hatak sa kanya ni Angeal. Napalingon na lang siya kay Harry na ayaw pa ring tumayo kahit na madami ng taong nakatingin rito.

Hindi tuloy niya maiwasang maawa rito. Ganoon ba ang naramdaman nito nang iwan niya ito? Ganoon din kaya ang naramdaman ni Carl nang iwan ito ni Lavender?

Noon naman napatutok ang tingin niya kay Angeal na naka akbay pa rin sa kanya na tila may aagaw sa kanya anomang sandali. Kung si Lavender ay nagkamali kay Carl, well, hindi siya. At sa lahat ng exes niyang iniwan niya…

I’m sorry if I can’t find the love that I need from you. But thank you for making me feel loved.

Aniya sa isip bago yumapos ng maigi kay Angeal na tila may aagaw nito sa kanya.

[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon