Thirty-one

2K 47 1
                                    


MAINIT ang ulo ni Ella nang pumasok siya sa istasyon. Bukod kasi sa mainit na sa labas, traffic pa. Hindi pa mawala sa isip niya ang pag-aantay na ginagawa kay Angeal.

Lalo namang uminit ang ulo niya nang bumungad sa kanya ang nagsisiksikang tao sa conference room. Mukhang sa sobrang dami nila at ayaw magsi-alis ng mga ito sa conference room dahil iyon lang daw ang nakabukas na aircon.

"Hay naku, dyan na nga kayo," nayayamot niyang saad bago dumiretso ng studio. Buti pa doon ay walang ganoong tao medyo mainit nga lang dahil asa sa maliit na portable na electric fan na dala niya siya nakaasa ng lamig.

Tumango lang siya sa mga crew na nag-aayos doon. Hindi siya pinansin ng mga iyon dahil kung gugustihin niya ay pwede siyang tumulong. Pero dahil mainit nga ang ulo niya at naiinitan pa siya, magmamaldita siya.

Magdusa kayong lahat sa init ng ulo ko. Misery loves company. Napangiti pa siya nang sabihin iyon sa isipan.

Nasa ganoong estado siya nang pumasok naman si Chloe sa studio. Nagkagulatan pa sila nito pero isang tango lang ang natanggap niya rito. Dire-diretso kasi itong naupo sa pwesto nito hawak ang tila babasahin nitong sulat.

"Anong mayroon bakit may sched si Chloe ngayon?" tanong niya sa isang crew.

"Hindi ko rin alam, eh.  Utos lang galing sa taas."

"Sino ba 'yang nasa taas na 'yan?"

"Edi si owner," tila yamot na saad ni Richie na kapapasok rin lang sa broadcasting rom. "Gosh! Na-stress ako, akala ko magkakatanggalan na, 'yon pala may sulat lang. Special daw! Naku! Wa-i pang tulog ang beauty ko. Kaya dapat gorgeous ang sulat na ito dahil baka wiz akong makapagpigil at maka-shotay akiz ng sho-o!"

Napangiting napailing na lang siya sa litanyang iyon ng kaibigan. Pero nakakaintriga nga naman ang sulat na iyon. Napaka espesyal para ipatawag pa silang lahat na staff.  Siguraduhin nga lang talaga ng sender na iyon na maganda ang sulat nito dahil baka kahit siya ay makapatay ng tao.

Nang umilaw ang on air ay natahimik na ang lahat. Ang intro ng segment ni Chloe ang pumasok. Pero himbis na doktora mahadera ang gamitin ay Miss DJ ang ginamit at ang kantang Mr. Dj ang gamit.

"Magandang tanghali Metro Manila at sa buong ka-Pilipinasan," birong bati ng kaibigan niya. "nandito ako ngayong linggo hindi para maging Doktora Mahadera kundi Miss DJ. At andito ako para handugan kayo ng espesyal na sulat mula sa isa nating listener. Mukhang malakas to kay bossing. Magkaroon ba naman ng special.

"So ladies, gentle gays and gentlemen, sit back and feel the presence of this letter." Bigla itong sumeryoso ng pagtuunan nito ng pansin ang sulat nito. "Miss DJ..."

[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon