HILONG-HILO si Ella sa dalawa niyang kaibigan na dire-diretsong nagsaslita sa harapan niya.
Pagdating pa lang niya sa bahay nina Chloe ay ang bunganga na kaagad ng dalawa ang sumalubong sa kanya. Bukod doon ang kapeng nakaantabay at pampaligo at susuotin niyang pambahay. At habang ginagawa niya ang mga bagay na iyon ay nakasunod ang dalawang ito.
"Teka. Time out!" nakataas pa ang dalawa niyang kamay. "Nahihilo na ako sa boses n'yo. Wala akong maintindihan."
"Ano?" sabay pang saad ng mga ito.
"Let's make this clear," aniya sa dalawa. "pumunta si Angeal dito para humingi ng advice kay Shenald?"
"Oo. Dahil nakita ka daw n'yang kadate si Kevin. At hindi daw niya akalaing napalitan mo na s'ya ng ganoon kadali. Tinamaan ang lokong 'yon, s'ya pa may karapatang mag-"
"Hoops!" pigil niya kay Chloe. "Nakita n'ya kaming umalis. Ibig sabihin nasa condo s'ya?"
"Oo nga. Ano sa tingin mo?" tila inis na saad ni Chloe. "At ang loko, hihingi daw ng sorry sa 'yo. Dahil noon pa daw mahal ka na n'ya. Ayaw lang n'yang tanggapin dahil...ano nga ba?"
"Mabuti 'yan tamaan ka ng pagkaulyanin mo." Natawa niyang saad.
"Ah, dahil natatakot siya dahil do'n sa buwsit niyang ex." Galit na saad ni Chloe. "But I think they're okay now. Kasi handa na daw s'yang mahalin ka. Fully." Biglang simpleng dugtong nito.
Noon naman biglang sumingit si Mitch na tila susugod sa giyera. "Naku, tigilan ako, ha. Mas maganda kung pahirapan mo muna. Aba, hindi biro ang pagpapahirap n'ya sa 'yo. Kaya kailangang maramdaman din n'ya ang naramdaman mo noon."
"Tama," sang-ayon naman ni Chloe. "Shen-shen told him to court you. Kaya malamang ay gagawin niyon ni Carl. Kaya pahirapan mo hanggang sa sumuko."
"Paano kung sumuko nga? Paano na ako?" bigla ay nagpanic siya.
"Edi sumuko siya. Ibig sabihin hindi mo siya worth. Ano beh?"
Saglit niyang pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang kaibigan bago pikit matang tumango. Pero para sa kanya, sabihin lang ni Angeal na mahal siya nito ay ayos na. Ang mahalaga ay malaya na ito sa nakaraan nito at handa na itong tanggapin siya kahit sino o ano pa siya.
Martir! Barilin sa Luneta!
Atleast magmamahal, nagmamahal at nagmahal.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?
RomanceSa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dalawang kaibigan niya ay maligaya na sa kanya-kanyang love life. Then she met her match. Si Arkangeal...