“EVENING, DOC,” bati kay Angeal ng nurse nang mapadaan siya sa pwesto nito. “Doc, may dumaan kanina. May dalang pagkain. Andyan po sa loob. Tsaka pinapasabi n'ya na ‘wag daw po kayong papagutom.” Dire-diretsong saad nito.
“RD, anong pangalan?” tanong na lang niya rito. RD ang palayaw nito, short for Regine Dimaandal. Ayaw na niyang pahabain pa ang pag-uusap nila dahil may kakaiba nang humaplos na init sa kanyang dibdib at umaakyat iyon sa kanyang labi. Gusto na niyang mapangiti.
“Ella, encandiosa daw po,” sabay hagikgik pang saad nito.
Bahagya na lang siyang tumango kay RD bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina. Noon niya pinakawalan ang ngiting kanina ay kanyang sinupil. Ayaw kasi niyang ipakita sa nurse na nagustuhan niya ang ginawa ni Ella lalo pa’t alam nitong ayaw niya ng mga ganoong babae.
Nakangiti pa rin siya habang tinitignan ang isang bento na nakalagay sa mesa niya. Lalo pang lumapad ang ngiti niya nang makita ang laman niyon. Donuts ang nasa unang layer. Kanin ang nasa pangalawa. ‘Di na niya napigilang mapatawa nang buksan niya ang panghuling layer.
Mga gulay at california maki. Ang mga gulay ay hugis puso. Kung paanong nagawa rin nitong hugis puso ang maki ay di niya alam.
Nasa ganoon pa siyang estado ng bigla naman pumasok si RD. “Yes?” baling niya rito. Balik ang seryosong hitsura niya.
“Doc, ito nga pala 'yong note n'ya. Nakalimutan kong ibigay,” nakangiwing saad nito. Pero napangiti rin ng hindi siya magalit.
“Thank you,” aniyang inabot ang papel. “wait. Saluhan mo na ako sa pagkain. Masyadong madami.” Noon naman ito natameme. Napailing na lang siya ng kimi itong tumango at lumabas. Kuhain lang daw nito ang kutsara nito.
Nang mapagsolo siya ay saka niya binuklat ang sulat ni Ella. Isang tawa na naman ang umalpas sa kanyang labi.
“Healthy living. Mag gulay ka at maki. Bawal magkasakit kaya mag tea ka pagkatapos mong kumain. Love, Ella.” basa niya sa sulat. “As if I don’t know what healthy living is how.” Napailing na lang siya.
Muli niyang sinulyapan ang pagkaing nasa kanyang mesa. At sa kung anong dahilan na naman ay napangiti siya. Iyon yata ang unang beses na may nagpadala sa kanya ng ganoon.
“Doc, uuwi—why are you smiling?” bungad sa kanya ni Shenald ng bigla na lang itong pumasok.
“Wala.” Balik pormal ang mukhang saad niya. “Bakit ka napadpad rito?” balik tanong niya rito pero tila hindi nito iyon narinig.
Mas pinagtuunan pa nito ng pansin ang pagkain. “Ano ‘to? Sa’n galing? Mukhang masarap, ah. Penge—aray!” himas nito sa kamay na pinalo niya.
“Akin ‘yan.”
“Penge lang naman ng isa.” Parang batang saad nito.
“Nahahawa ka na kay Mrs.” Komento niya.
“Ikaw, nagiging madamot ka na.” anang pa nito. “Ano ‘to?” hablot nito sa sulat ni Ella.
“Akin na—”
“Love, Ella.” basa nito. At sa pagbaling sa kanya ay isang ngiti ang sumilay sa labi nito. “Naks, doc, masama talaga tama sa 'yo ni Ella. Babastedin mo din ba tulad ng ibang nagbabalandra ng katawan nila rito?”
Babastedin? Parang kahit isang beses ay hindi iyon pumasok sa isip niya. All that was running to his head was how will she stop following him. Kumbaga kusang loob.
“Napaisip ka ba?” bigla na namang sabad ni Shenald. “Alam mo, mabait naman ‘yan si Ella. As in. Anghel, she’s far too different from Lavender at sa mga babaeng umaaligid sa 'yo.
“Bilib naman kasi ako sa mga chicks na humahabol sa 'yo,” pumalatak pang saad nito. “akala mo ngayon lang nakakita ng lalaki. Iba din kasi ang dating mo ‘no? Kahit ako na kahawig daw ni Brad Pitt, hindi umubra sa mala-Tom Cruise mong hitsura. Sabagay, guwapo din naman ‘yon.”
“So anong ibig mong sabihin?”
“I was just saying na kahit habulin ka ng mga ganoong babae, mayroon at mayroong maiiba.”“And?”
“And that is ella,” diretso at seryosong saad nito. “Anghel, naging kaklase kita dito sa Pilipinas ng ilang taon. Kahit na umalis ako ng bansa hindi ka nagbago. Ganoon ka pa rin. You’re still bitter from what Lavender did to you.”
“Hindi lang dahil kay Lavender ‘yon,” malamig ang tinig na saad niya. “after Lavender, every girl in our school thinks I’m a geek na kaya nilang paikutin sa palad nila. After kong magbago, every girl na lumalapit pakiramdam ko gusto lang na ako tapos sa bandang huli ano? Iiwan din nila ako?”
“Paano kung hindi?” balik tanong nito. “Just try it with Ella. Alam kong nararamdaman mong kakaiba si Ella. Alam kong nahihirapan kang itaboy s'ya dahil alam mo sa sarili mo na may kakaiba sa kanya.”
Natahimik siya roon. Natumbok kasi ni Shenald kung ano ang nararamdaman niya. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa kaibigan? Pinagdaanan na nito iyon.
“So, take a chance with her,” patuloy pa nito. “hindi sa kinakampanya ko s'ya. It’s just that I know she’s different. At kung ayaw mong isiping kakaiba s'ya, iniisip mo kasing kapag naging sunod-sunuran ka sa kanya, eventually, iiwan ka rin niya, tulad ng ginawa ni Lavender sa 'yo. Alalayan mo na lang ang puso mo kung nagdududa ka pa rin kay Ella.”
Isang tapik sa balikat niya ang iniwan nito bago ito lumabas. Tama si Shenald. He felt that she was different kaya hindi niya mapakawalan ang dalaga. At ayaw ding tanggapin ng isip niya na kaparehas ito ni Lavander. Siya at siya lang naman ang nag-uukilkil sa isip niyang kaparehas ito ng huli.At kung bakit bigla na lang gumuhit ang sakit sa kanyang puso nang banggitin ni Shenald na iiwan din siya ni Ella.
Am I falling for her?
Rendahan mong mabuti ang puso mo, Arkangeal.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?
RomanceSa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dalawang kaibigan niya ay maligaya na sa kanya-kanyang love life. Then she met her match. Si Arkangeal...