Twenty-five

1.7K 41 0
                                    

HINDI malaman ni Angeal kung paano niya iseselbra ang kaligayahang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. It had been a week since he talked to Lavander. Buti na lamang at doon pa rin ito nakatira.

When he saw Lavander, parang gusto niyang magwala dahil sa galit na biglang sumulak sa dibdib niya. Pero mas pinili niyang maging kalmado. Dahil kailangan nang matapos ang lahat ng iyon.

Naalala pa niya ang gulat sa mukha ni Lavander ng makita siya nito. Puno iyon ng pagkagulat, pagsisisi at panghihinayang.

"A-angeal?" paninigurado pa nito. "Ikaw nga 'yan?"

"Ako nga," walang emosyong sagot niya.

"God, ang gwapo mo pa rin," nakatawang saad nito bago siya pinapasok sa bahay nito. "kumusta ka na? May asawa ka na sigurado."

"Naudlot."

"Why?"

"Because of you." Diretso niyang saad na muli ay ikinagulat nito.

"B-because of me?" turo pa nito sa sarili. "M-may asawa na ako at a-anak. That can-"

"The anger I felt for you was the cause kaya naudlot." Putol niya sa sasabihin nito. "I can't forgive you at nanahan ang galit ko sa 'yo at sa mga katulad mo kaya pinigilan ko ang sarili kong mahalin s'ya at iwan ako. I was so unfair to her dahil pinilit ko s'yang baguhin niya ang sarili niya.

"I love her pero ayokong nakikita ang trace ng ugali mo sa kanya dahil naiinis ako at ayokong mainis sa kanya dahil mahal ko s'ya." sabunot niya sa sarili. "I love her but I can't love her fully dahil natatakot akong ibigay lahat, tulad ng ginawa ko sa 'yo. Baka kasi bigla na lang n'ya akong iwan tulad ng ginawa mo."

"Hay, Angeal," naluhang saad sa kanya ni Lavander. "I-I don't know how to say sorry. Alam kong nagalit ka sa amin noon. Dahil sa ginawa naming pagpasa-pasahan ka pagkatapos ay iiwan kita sa ere. If any to your consolation ay pinagbayaran naming wild flowers 'yon." Tukoy nito sa grupo nito.

"You see, mukhang minamalas kami sa mga lalaking mahal namin," malungkot na saad nito. "iniwan ako ng asawa ko after kong manganak. Sinabi niyang hindi naman legal ang kasal namin. While the others have their own problems on their love ones. Hindi ako nagpapaawa but can you forgive us. Tawanan mo na kami sa nangyayari sa amin pero wala akong pakialam. Siguro maganda nang nangyari sa amin 'to. Kabayaran sa mga pinaggagawa namin sa kabaro mo."

Nang mapagmasdan niya ang lumuluhang mga mata nito ay wala siyang awang naramdaman. Sa halip pagpapatawad ang naroroon. Marahan niyang kinabig ito and let her cry in his arms.

"Sorry talaga, Angeal. We were so immature back then."

"Okay na," bulong niya rito. "maybe that trial was given to me. So is Ella. Para malaman Niya kung hanggang saan ang kaya kong gawin para sa pag-ibig."

"Oo, kaya get your ass out of here and find her." anito bago kumalas sa kanya.

When she waved goodbye ay nagpaaalm na rin siya sa sampung taong galit na namahay sa dibdib niya.

And now, it was time to let love live in his heart. Pero kung kailan naman okay na siya ay saka naman dinaga ang dibdib niya. Natakot siya bigla na baka galit si Ella sa kanya. Na baka ipagtabuyan siya nito.

Ngayon ka pa natakot, alam mo namang mahal ka n'ya.

Paano kung hindi na?

Paano kung mahal ka pa n'ya? Kung hindi ka pa bababa ng kotse mo at pupuntahan s'ya sa unit n'ya, mabubulok ka na lang sa kotse mo, sa bahay mo at sa ospital mo dahil wala ka ng makikitang babaeng mamahalin mo na tulad n'ya. At wala na ring babaeng magmamahal sa 'yo tulad ng ginawa n'ya. Kaya-

"Oo na! So shut up!" sigaw niya sa repleksyon niya sa rear view mirror.

Isang buntong hininga pa ang ginawa niya bago siya bumaba ng kotse niya. Pero hindi pa man niya naisasara ang pinto ng kotse ng siya namang pagsulpot ni Ella sa lobby. All dressed up like a doll.

He can't himself to sigh when he saw her. "El...la," nabitin sa ereng kaway niya rito nang tumigil sa harapan nito ang isang kotse.

Isang lalaki ang bumaba roon at binati ito. When that man kissed Ella's cheeks ay parang may dumagan na bato sa dibdib niya. When that man cradled her ay parang napirat ang puso niya. When they drove away ay tila naglaho na ang puso niya.

Was he too late to get her back?

[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon