Twenty-nine

1.8K 35 0
                                    

"STRATEGY?" hindi makapaniwalang tanong ni Angeal kay Chase.

"Yes, Strategy," anang muli ni Chase. "my wife is there at malamang may kakaiba na namang iniisip 'yon. May pagka man-hater pa naman 'yon, pwera lang sa akin."

"Asawa mo na si Mitch? Kailan kayo nagpakasal?" tila naman di makapaniwalang saad ni Shenald.

"No'ng kinasal kayo. We made our vows. And she's my...how will you say that? Ah, unofficial wife. Pero wife pa rin." Sabay ngiti nito. "But enough about that. The strategy is simple. Just be yourself."

"How?" tila batang tanong niya rito.

"Oo nga," sangayon naman ni Shenald. "Chloe is there. May topak ngayon dahil buntis. Malamang, kung anu-ano tumatakbo sa isip no'n. So, I go for what Chase will say."

Bumaling na naman siya kay Chase. "How?"

"Simple. 'Wag mong gawin ang nagawa na namin dahil na-warn-ingan na ni Mitch si Ella." Paliwang nito. "Halimbawa, 'yong harana ni Shenald. 'Yong pagpapa-cute ko. 'Yong biglaang proposal ni Shenald. 'Yong pagsusuplado ko na nagawa mo na. Just think of something that she wouldn't think that you would do."

"Mag-emo at maglaslas ng pulso?" biro niya. Para kasing nagawa na ng mga ito ang mga pwede at alam niyang gawin.

"Ulol," batok sa kanya ni Shenald. "ano ka teenager, nage-emo? But hey, we all act like a teenager when we fell in love. Why don't you do it?"

"Nah, puro pagpapa-cute ang alam ng mga bata."

Saglit silang natahimik sa pag-iisip. Pero nagdaan na ang ilang minuto ay nakatunghay pa rin silang lahat sa kawalan. Hanggang sa biglang frustrated na umungol si Chase.

"Putik, ang hirap lalo na kung hindi talaga ako romantic," napapalatak pang saad nito. "ikaw, Shenald, alam ko marami kang baon."

"Chloe knows it all. Malamang ay nasabihan na niya si Ella. At malamang ay naikwento na niya lahat." Muli ay binalot sila nang katahimikan.

Then his brain moved a wake like he it was pushed by waves.

"Daanin ko kaya sa santong paspasan?"

Nagkatinginan naman sila roon bago nagkatawanan. Humakot siya noon ng batok at mura mula sa mga kaibigan. Then he shot them with a serious look.

"Chase, pag-aari mo ang radio station, 'di ba?"

Tumango roon si Chase na seryoso na rin. "I bought some shares para 'di na mahirapan mag-OJT si Mitch noon. Well, more than some shares."

Napangiti rin siya sa sinabing iyon ng kaibigan. Ang some kasi nito ay natuloy sa almost major stock holder dahil three-fourths ng share ay hawak na ng kaibigan. "Good. Now, here's the plan. And I need those good darn sweet bones inside your body. Dahil 'di ko kakayanin 'to mag-isa. Baka magdugo ang utak ko dahil hindi lang ikaw Chase ang kulang sa romatic bones. Nawala na rin yata 'yong akin. O mast tamang kinakalawan na."

Isang ngiti lang ang natanggap niya mula kay Chase at Shenald. Mukhang nagkakasundo na ang utak nila.

[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon