GUSTONG batukan ni Ella ang sarili niya nang makarating sila ni Chloe sa ospital. Pagpasok pa lang kasi ng taxi kung saan sila lulan ni Chloe sa ospital ay inabot na siya ng kaba.
Ano beh, Ella? Kabahan ba dahil lang sa isang lalaki?
Umismid siya nang marinig ang tinig na iyon sa isip. Hindi naman kasi isang lalaki lang si Angeal. May pakiramdam kasi siyang ito na ang ‘the one’ niya. Kahit na lagi niyang sinasabi iyon sa mga dati niyang nobyo, iba ito. It was as if she was willing to do everything just to please him and make him fall for her.
“Oh, ano, ready ka na?” siko pa sa kanya ni Chloe na halatang excited din. Hindi sa misyon niya kundi sa asawa nito. “Ako kasi parang hindi na. Baka palayasin ako no’n.”
“Gaga,” napatawa niyang saad dito. “baka kamo ako ang mapalayas.”
Ngumisi namang nilingon siya ng kaibigan. “Pagnapalayas ka, antayin mo ako. Pag ako ang pinalayas, ‘wag kang mag-alala, aantayin kita.”
Nagkatawanan na lang silang dalawa at nag-apir pa sa kalokohan nila. Doon na sila dumaan sa OPD dahil malamang ay nag-rounds daw si Shenald. Kung wala daw ito sa opisina nito, antayin na lang daw nila nang mahagilap nila si Angeal.
Nagkakatawanan pa sila ni Chloe habang papunta sa room ni Shenald nang mapatigil na lang siya sa nakita niya. Mukhang nasa kanya ang kapalaran ng mga oras na iyon.
Dahil hayun na ang lalaking kanyang tinatangi, nakatayo di kalayuan sa kanila at abalang nakikipag-usap sa isang babae.
Naipaling na lang niya ang kanyang ulo nang ngumiti ito pero dagli ring nawala iyon nang akbayan nito ang babae bago bahagyang itinulak.Shocks, selos ba itong nararamdaman ko?
“Naiintindihan kita kung gusto mong sugurin ‘yong babae,” narinig niyang bulong sa kanya ni Chloe.
Hindi pa man siya nakakapagreact sa sinabi nito ay naitulak na siya ni Chloe. Kaya naman nawalan siya ng panimbang napalakad papalapit sa kinaroroonan ni Angeal, dire-diretso habang sinubukang balansehin ang sarili. Ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya nang makita niyang hahalik na ang mukha niya sa tiles.
Bakit naman ganoon ang entrada niya sa harapan ni Angeal? Ang balak pa naman sana niya ay gorgeous, bongga at di malilimutang entrada. Pero ano ito? Siya ang nasorpresa at mukhang siya ang di makakakalimot sa entrada niya.
Naipikit na lang niya ang kanyang mata at hinanda ang sarili niya sa eternal kahihiyan.
‘Aray’ ang una niyang naisigaw ng maramdaman niya ang sakit na nagmula sa anit niya. Oo, sa anit niya dahil naramdaman niya ang paghila ng kung sino sa buhok niya.
Nakahanda na ang kanyang litanya sa kung sinong humatak sa buhok niya para lang matameme. Isang nagbabagang mga mata ang sumalubong sa kanya. Kasama pa roon ang nakakunot na noo at mariing magkalapat na labi.
“What do you think you are doing?” malagom ang tinig na saad ni Angeal. “Kung hindi ko nahabol ang buhok mo baka humalik na 'yang mukha mo sa lapag.” May galit sa tinig nito pero nahihimigan niyang nag-alala ito.
“Masakit kaya,” napayukong hawak ni Ella sa bumbunan niya. Si Angeal pala ang humatak sa buhok niya. Pero masaya siya dahil talagang hinabol siya nito at makaiwas sa pakikipag lambingan sa tiles. Hindi man siya nayakap nito atleast nagmadali itong maabutan siya para di siya mangudngud sa sahig.
“Mas masakit kung mukha mo ang humalik sa lapag.” napapalatak pa ito. “Bukod sa may bukol na may gasgas pa. So, which do you prefer?”
Noon naman siya nag-angat ng tingin rito. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito maliban sa nakataas na kilay nito.
Pero anu’t-ano man ang hitusra nito iisa lang ang isinisgaw ng puso niya. Ang guwapo!
Isang napakatamis na ngiti ang sumilay sa labi niya. “To be saved by you.”
Nais niyang palakpakan ang sarili dahil sa sagot niya. Pakiramdam kasi niya ay nanalo siya sa pageant ng mawala ang kunot ng noo ni Angeal at bumaba na ang kilay nito.
“Buti nandito ako.” walang ekspresyong saad nito. Ayos na iyon kaysa mukhang galit ito. “Sa susunod, don’t go running in hallways. Its forbidden, pwera na lang kung emergency. At kaming mga doctor at nurses lang ang may karapatang gawin ‘yon. Naiintidihan mo?”
Tinaasan lang ni Ella ng kilay si Angeal at saka ngumiti. She can’t help herself from smiling at him. He always made her heart skipped so many beats kaya hayun siya tila bangag na laging ngumingiti rito. Masama na nga yata ang tama niya rito.
Napansin naman iyon ng binata kaya muling kumunot ang noo nito. “What are you smiling at?”
Umiling siya. “Naisip ko lang kasi na emergency kaya, muntik na akong madapa.”
“And what kind of emergency is that?”
“Emergency na kailangan kitang sagipin mula sa babaeng sugpo,” tukoy niya sa babaeng inakbayan nito kanina.
Napabuntong-hininga naman ito bago siya nilayasan. Napamaang at nasundan na lang niya ito ng tingin. Kahit nang tawagin niya ito ay hindi na siya pinansin nito. Sa halip ay iniangat lang nito ang kamay at bahagyang kumaway.
Isang simpleng ngiti naman ang binigay ni Chloe sa kanya bago ito nagkibit-balikat.
“Naku, kung hindi ko lang talaga s'ya—hmph!” hindi na niya itinuloy sa halip ay dinaan na lang sa pag-kagat sa labi ang gigil niya.
Pero hindi ibig sabihin niyon ay titigil siya. Lalo na at she can sense that he cared for her.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?
RomanceSa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dalawang kaibigan niya ay maligaya na sa kanya-kanyang love life. Then she met her match. Si Arkangeal...