Twelve

1.8K 36 0
                                    

MABILIS na nirendahan ni Carl ang puso niya ng lingunin niya si Ella at makita itong nakangiti sa kanya. Idagdag pang hawak niya ang kamay nito.

Pinigilan din niya ang mapabuntong hininga dahil magtatanong na naman ito. At ayaw niyang sagutin ang mga tanong nitong iyon. Baka kasi ipagkanulo niya ang sarili niya.

Nang araw na magalit siya rito at paalisin ito ay hindi na siya mapakali. Palagi siyang binabagabag ng nakayukong imahe nito. Para kasing biglang nawalan ito ng lakas. At ang baliw naman niyang sarili ay hindi mapakali. It was as if he wanted to see her happy.

Nang gabing sinabi niyang pag-iisipan niya kung ano ang gagawin niya ay mas pinili niyang hayaan na lang munang makalapit ang dalaga sa kanya. Iyon din kasi ang advice ni Shenald sa kanya.

“Pare, kung palagi mong itataboy si Ella ay hindi iyon titigil. Kumbaga, sakyan mo na lang muna siya,” tila nagmamakaawang saad ng kaibigan niya.

“Hindi talaga siya titigil, ha.” Napapalatak niyang saad.

“Oo. Gan'on kasi 'yon lalo na pag-gusto n'ya 'yong lalaki.” saglit itong natigilan bago tumutok ang paningin sa kanya. “Come to think of it. Sa pagkakakwento ni Nicky, never naghabol si Ella sa lalaki lalo na kung wala s'yang nararamdama o walang hint doon sa lalaki na may gusto rin sa kanya. Hindi mo naman ginawa ‘yon 'di ba?”

“Sa kasal n'yo...meron siguro,” napaisip rin niyang saad. “pero sinabi ko ng nakainom lang ako n'on at she looked lonely. I was just being a gentleman. Nakapagpaliwanag na ako.”

“Pero bakit hinahabol ka pa rin niya?”

Kibit-balikat ang naging sagot niya roon. Pero napaisip din siya na baka malakas ang radar ng dalaga sa kanya. Dahil kahit yata itago niya ang nararamdaman niyang kakaiba rito ay nararamdaman pa rin nito iyon.

“Kung gan'on man, kung gusto mong matigil s'ya sa paghabol sa 'yo, mas magandang hayaan mo na lang s'ya, eventually magsasawa rin siguro 'yon.” Tapik pa nito sa balikat niya. “Pasensya ka na, doc. Alam kong ayaw mo sa gan'ong babae pero para matagil si Ella ng hindi mo s'ya nasasaktan, it’s either you explain it to her or ride her way.”

Kaya heto siya, riding her way. At mukhang mas maliit ang naging problema niya. Pwede naman niyang ipaliwanag sa dalaga kung bakit ayaw niya rito pero alam niyang hindi magbabago ang dalaga tulad na rin ng sinabi nto sa kasal ng mga kaibigan nila.

Eh, bakit parang nanghihinayang ka?

Hindi.

Bahala ka.

Napailing na lang siya roon. Ano ba namang klaseng doctor siya, nakikipag-usap sa sarili.

“Teka lang!”

Napatigil siya sa paglalakad ng bigla na lang sumigaw si Ella. Hindi tuloy niya napigilang mag-alala nang lingunin niya ito. And damn him for wearing it on his sleeve dahil di talaga niya mapigilan.

“Bakit?” aniya rito.

Nakatingin naman ito sa  isang bookstore. “Tara pasok tayo.” Sabay hatak nito sa kanya.

Sa sobrang pagkabigla niya ay nagpatangay na siya rito. Hindi kasi siya makapaniwalang mahilig ito sa libro. Pero hindi na niya isinantinig iyon at mukhang hindi na niya kailangan pa dahil ito na mismo ang nagsupply ng sagot sa mga katanungan niya.

“I miss reading books,” anang nito habang hawak ang isang Tagalog romance novel. “bibili ako nito, nito at saka nito.” anitong panay ang kuha pa ng libro.

Hindi na niya napigilan ang mapangiti. “Talagang nagbabasa ka ng ganyan?” Hindi na rin niya napigilang tanong. Para kasi itong isang bata na nagkaroon ng pagkakataon na malaro ang paborito nitong laruan.

“Oo naman,” lingon nito sa kanya. Halata nga sa mukha nito ang galak.  “mapaenglish o tagalog.”

“Bakit mo naman namiss?”

Noon naman ito nag-iwas ng tingin. Pero bago pa man nito iyon magawa ay nakita niya ang pagdaan ng pagkailang at sakit sa mata nito. He knew she was hiding something.

“Busy na kasi sa work at saka sa studies noon.” Mahina ng saad nito. “At since nandito na tayo ngayon, can I take my time buying books?”

Nang tumango siya ay tila nag-ilaw ang mukha nito. Masaya naman nitong binalikan ang pagtingin nito ng mga libro.

“Angeal, tulungan mo ko,” tawag pa nito sa kanya.

Napailing na lang siyang lumapit rito at siya na mismo ang kumuha ng mga hawak nitong libro. Tinulunagn na rin niya itong abutin ang mga librong nasa medyo itaas na.

Nagtagal pa sila roon ng ilang minuto bago ito tumigil. Ngiting ngiti itong nilingon siya bago ipinatong sa mga hawak niya ang hawak nito.

“Tara na,” anito sabay hatak sa kanya. “pawis ka na, eh.”

Hindi na siya nakakilos ng ito na mismo ang nagpunas ng pawis niya gamit ang kamay nito. Ramdam na ramdam niya ang lambot ng palad nito na hawak lang niya kanina.

“Ang sweet naman ni ma’am.” anang ng teller na nagngangalang Ricky. “Ang swerte naman ni ma’am sa boyfriend niya. Talagang supportive kayo, sir, ‘no?”

Tila naman nahiyang nilingon siya ni Ella. May hingi ng paumanhin sa tingin nito bago binalik ang tingin kay Ricky.  “Pwera usog. Hindi ko s'ya boyfriend. Sana pa lang.”

“Ganoon?” tila naman di makapaniwalang saad ni Ricky. “Naku sir. Huwag ng pakawalan. Alam n'yo bang mga sweet ang mga readers ng pocketbook? Kaya sir, sigurado akong sweet 'yan si ma’am.”

Noon naman siya muling tiningnan ni Ella. Ang tingin nito ay tila nagsusumamong patawarin niya ito but he can’t find himself forgiving her dahil wala naman itong dapat ipagpatawad.

“I know,” aniya na lang at hindi inaalis ang tingin kay Ella. “siguro pag-iisipan ko kung pakakawalan ko s'ya o hindi.”

Muntik na siyang mapabunghalit ng tawa ng bigla na lang malaglag ang panga ni Ella. Nang sabihin pa lang niyang ‘I know’ ay nanlaki na ang mata nito.

Bahagya naman niyang hinawakan ang baba nito at isinara ang bibig nitong nakabuka. “Baka pasukan ng hangin at kabagan ka.” Halos bulong na saad niya.

Isang alanganing ngiti ang ginawa nito and he held himself from crossing the line between her lips to his. Why? Sa simple kasing pagkakabuka ng bibig nito at pagkakalapit nila ay naakit na siya sa labi nito.

Mukhang mali yata ang napili niyang desisyon. Dahil heto siya at tila unti-unting nagugustuhan si Ella.

At hindi pwedeng mangyari iyon kung gusto pa niyang mabuhay ang puso niya.

[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon