“TELL me to run, I’ll race. If you want me to stop, I’ll freeze. And if you want me gone, I’ll leave, just hold me closer baby and make me crazy for you. Crazy for you,” sabay ni Ella sa kanta sa istasyon nila. Wala siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga tao. May mga bumabati pa nga sa maganda niyang aura. Oh well, totoo naman kasing maganda ang mood niya.
“Saya-saya na naman n'ya o,” puna kaagad sa kanya ni Mitch. “hula ko dahil 'yan sa pamamasyal n'yo ni Carl sa mall noong Sabado.”
“May tama ka, korak ka d'yan at dahil d'yan bibigyan kita ng isang matunog na halik,” aniya sa kaibigan at ginawa nga niya ang sinabi. Isang ismid lang naman ang binigay nito sa kanya.
“Ano pa nga ba?” nakaismid pa ring saad ng kaibigan. “Solohin mo ba naman. Ang tagal n'yong nawala. San ba kayo nagpunta?”
“Ha?” tila lumilipad sa alapaap na saad niya. “Ah, there, here and over there.”
“OMG! Don’t tell me…”
“Loka,” tapik niya rito. “hindi pa ‘no.”
“At may balak nga.”
Humagikgik lang siya roon.
“Pero Ella, di kaya pinasasakay ka lang nyan?” bigla ay seryosong saad ni Mitch. “I mean, naikwento ni Shenald sa amin na sinungitan ka daw ni Angeal noong pumunta ka sa ospital. Bakit ngayon bigla siyang bumait?”
Napatingin naman siya rito. Alam niya ang tanong na iyon. Bakit nga bigla itong bumait sa kanya? Iniwasan lang niya palaging itanong iyon sa sarili. Natatakot kasi siyang totoo ang sinabi nitong nagpapantasya siya. Pero kung pagbibigyan siya kahit saglit lang sa pantasya niya…
“Okay lang,” kapagkuwan ay sagot niya. “kung pinasasakay n'ya lang ako, ayos lang. At least naging masaya ako kahit saglit lang.”
Napamaang naman ang kaibigan niya sa kanya. She was as if saw someone different. At di nga siya nagkamali.
“Ikaw ba ‘yan Ella?” nanlalaki pa ang mga matang saad ni Mich. “Ikaw, papayag na hindi ikaw ang makikipaghiwalay? Na hindi sa 'yo ang huling halakhak?”
“Parang dialogue ko sa 'yo 'yan noon,” iwas na lang niya sa usapan.
“Hay naku, iniisip ko lang at gusto ko na ring ipaalala sa 'yo na kaya ka naging ganyan kasi gusto mong makaiwas na masaktan ka ng kahit na sino. Pero ngayon, hahayaan mong bumalik ka sa dati.”
“Anong gusto mong gawin ko?” may bahagyang yamot na saad niya.
Iyon lang kasi ang naisip niyang paraan para maramdman naman niya kahit paano si Angeal. Kahit na hindi niya ito maging nobyo basta ayos na sa kanya na makasama ito. Martir-martiran man ang drama niya pero wala siyang paki.
“Wake up,” napabuntong hininga pang saad ni Mitch. “pero parang inlababo ka sa kanya kaya hahayaan na kita. Iba na kasi pagpuso ang kalaban. Di patatalo 'yan sa kahit anong salita.” Tapik na lang nito sa balikat niya.
Natahimik na kasi siya sa sinabi ng kaibigan. She loves Carl?
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?
RomanceSa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dalawang kaibigan niya ay maligaya na sa kanya-kanyang love life. Then she met her match. Si Arkangeal...