HINDI malaman ni Ella kung ano ang gagawin niya sa tuwing maiisip niyang nobyo na niya si Angeal. Para kasing gusto niyang tumalon palagi sa tuwa at magtitiili. Gusto niyang ipagsigawan sa lahat na, 'hoy, boyfriend ko na si Angeal', pero hindi pwede.
May usapan kasi sila ng binata na titigilan na niya ang mga gawain niya noon. Iyon ang naging usapan nila nang ihatid siya nito matapos ang gimik na tila naging date nila.
Napapangiti niya iyong inaalala.
“Bababa na ako,” komento niya nang maiparada nito sa harap ng condominium building kung saan siya nakatira.
Akmang bubuksan na niya ang pinto nang pigilan siya nito sa braso. “Hindi ka ba magtatanong tungkol sa sinabi ko?”
Hindi niya kaagad ito nilingon dahil natigilan siya sa sinabi nito. She was just going away with it dahil ayaw niyang sirain ang gabi niya. Naisip kasi niya na baka kaya nasabi iyon ng binata ay para wala ng babaeng mangharass dito. O di kaya naman ay nadala lang ito sa halik na naganap sa pagitan nila.
Remembering the kiss she was hot all over.
“B-bakit naman ako magtatanong?” lakas loob na saad niya pero hindi pa rin ito nililingon.
“Bakit ayaw mong humarap sa akin?”
Noon naman niya ito binalingan pero nakayuko naman. “Ayan. Nakahrap na.” She heard him chuckle bago nito inaangat ang mukha niya. Nag-iwas naman siya ng tingin nang makita niya ang nakangiting mata nito. Hindi na kasi matawaran ang bilis ng tibok ng puso niya.
“Tumingin ka.” utos pa nito
“Ang dami mo namang demands.” Pero tiningnan pa rin niya ito. Para kasi may kung ano sa boses nito kaya naman nagiging sunod-sunuran siya.
Sa boses nga lang ba o sa may may-ari ng boses?
BOTH!
Huminga muna siya ng malalim bago ito tiningnan. “Ayan nakatingin na.”
A side grin lifted his lips. “Hindi ka ba magtatanong?” umiling siya. “Pwes, ako ang magtatanong, bakit mo ako hinalikan?"
Sabi ko na nga ba. “Why did you kissed me back?” balik tanong na lang niya para pagtakpan ang hiyang nararamdaman niya.
Saglit silang nagsukatan ng tingin bago nagkatawanan. When their laugh subsided and their eyes met, silence took over. And before she knew it, he was kissing her.
The kiss was gentler than what happened in the bar. He was kissing her like she was a precious stone. He cradled her head like it was a head of a baby while the other enveloped her in a soft embrace. Now she can feel him all over her body. Marahan din naman niyang ipinulupot ang braso sa leeg nito habang ang kamay niya ay marahang sumasabunot sa buhok nito.
Nang matapos ang halik ay pinagdikit nito ang kanilang noo. “I’m sealing you mine. Kaya please, stop mingling with other guys.”
Pinigilan niya ang mapasinghap sa sinabi nito. Mukhang nagbunga ang mga pinaggagagawa niya. Salamat kay Chloe dahil mukhang effective ang pinagawa nito.
She was officially his and that is good.
“Ella,” tawag pa nito bago nito pinaghiwalay ang kanilang noo. “Are you listening?”
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?
RomanceSa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dalawang kaibigan niya ay maligaya na sa kanya-kanyang love life. Then she met her match. Si Arkangeal...