Fifteen

1.7K 38 0
                                    

KULANG ang salitang pagod sa nararamdamang panlalata ni Ella. Rest day dapat nila iyon. Pero heto siya at nagtatrabaho. Nag-screen kasi sila noon ng sulat para sa buwan na iyon. Isama pang sinagot na rin nila iyon. Bukod pa roon ang iba pang segment na gagamitin sa iba pang slot.

“I’m dead tired,” himutok niya bago sumalampak sa waiting lounge sa may lobby. Kasama rin niyang naupo roon si Howie.

“Napagod ka? Ang ingay mo kasi. Ang likot mo pa.” natawang saad nito. “Oh, kain muna.” Umang pa sa kanya nito ng biscuit.

“U-tang na loob, How,” iwas niya sa biscuit nito. “wala ng ibang laman ang tyan ko kung di 'yang biskwit na 'yan at kape. Tingnan mo nga ang mata ko, mulat na mulat na.”

“Matagal ng mulat ang mata mo.” Sabay hagalpak ng tawa nito.

Isang batok naman ang natanggap nito. “Ewan ko sa 'yo. Napakalaitero mo.”

“Kasi naman, may dala ka kaninang umagang bento. Akala ko pa naman sa atin ‘yon. Tapos no'ng lunch nawala ka. Pagbalik mo, wala na ang bento. As in, pati lalagyan. Nagsolo ka na, nilamon mo pa pati lalagyan.” Himutok nito bago nilantakan ang hawak nito.

Napangiti na lang siya sa sinabi nito. Naalala kasi niya ang bento na iyon. Halos isang linggo na niyang pinadadalhan ng pagkain si Angeal. Sabi naman ng nurse na under nito na si RD, na naging kaibigan na niya, ay tahimik lang daw nilang kinakain iyon. Pero nakikita daw nito ang madalas na pagkatulala ni Angeal pagkatapos ay ngingiti at iiling.

Dahil doon hindi niya maiwasang maramdaman na nakukuha na niya ang puso ng binata.

Ang wais mo talaga. A way to a man’s heart talaga ay through his stomach. Napangiti na lang siya sa tinig na iyon.

Hindi siya genius. Actually si Chloe ang nagbigay ng idea na iyon. Nag-aral lang siya ng ibat-ibang putahe para naman hindi umay si Angeal. At mukahng effective nga, ayon na rin kay RD.

“Anong nginingiti ngiti mo dyan?” siko sa kanya ni Howie.

“Wala. Laitero ka na, pakialamero ka pa,” inis na siko din niya rito.

“Makasiko ka naman.” reklamo naman nito. “Akala ko kaya ka napapangiti kasi andyan na ang sundo mo.”

“Sundo ko?”

“Oo. Ayun, oh,” nguso pa nito sa entrada.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya ng makita niya si Angeal na nakatayo nga roon at tila may hinahanap. Nang pumaling ang ulo nito sa kanya tila nagliwanag ang mukha nito. Bigla kasing gumuhit ang ngiti sa labi nito.

Habang siya naman ay hindi malaman kung ano ang gagawin. Kahit na nakashades ito ay alam niyang tutok na tutok ang mata nito sa kanya.

Hindi rin niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Sino ba namang hindi maramdman iyon kung isang matangkad at morenong lalaki ang lalapit sa kanila. Idagdag pang tila naging muscle shirt na ang t-shirt nito.

“Para ka namang model kaysa sa doctor,” hindi niya napigilang saad ng makapalit ito sa kanya.

Isang mahinang tawa naman ang pinakawalan nito. “Madami ng nagsabi n'an. Wala bang bago?”

Napatawa na rin siya sa sinabi nito. “Bago? Sige, mukha kang taong grasa kaysa sa doctor.”

Napangiti naman ito “Unique,” komento pa nito. Bago pa man siya makapagreact sa binigay nitong ligaya sa kanya mula sa komento at ngiti nito ay nabitbit na nito ang daladala niyang plastic envelope.

“Uy, akin na ‘yan,” habol niya rito. “hindi bagay sa 'yo magbitbit ng ganyan. Tsaka, hindi ako mahilig magpabitbit ng gamit sa mga boyfriend ko.”

Noon naman ito tumigil. Naitakip naman niya ang palad niya sa bibig niya.

Oh no. wrong choice of words! Tili niya sa isip. “Umm, I mean ako na magbibitbit n'yan. ‘Wag mo ng simulan.” Napangiwi naman siya. Ano ba namang mali mali siya.

“Ayos lang.” nakangiting lingon nito na nakapagpatigil sa kanya. Parang lalo siyang naestatwa ng bahagya nitong pisilin ang ilong niya. “Tara,” yakag pa nito at muling pinaghugpong ang kanilang kamay.

Suko na ako. Sa 'yo na kamay ko, braso, katawan ko at buong puso ko. Mahal na kita!

Napangiti siya sa realisasyon na iyon. Mabilis siyang umagapay sa binata at nginitian ito ng lingunin siya nito. That was the best way to end the day. A smile from him and a warm hand holding hers.

[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon