SATURDAY NIGHT, sa mga ganoong panahon ay nasa gimikan si Ella dapat pero hindi niya makita ang sarili niyang mag-enjoy. Para saan, kung nagluluksa naman ang puso niya. Pero kailangan niya ng mas maingay na lugar.
Kailangan niya iyon kung gusto niyang mabura sa isip niya at di na marinig ng paulit-ulit ang mga sinabi ni Angeal.
Gusto sana niyang sabihin iyon sa mga kaibigan niya pero ayaw niyang magalit si Chloe kay Shenald sa ginawa nito. para kasing pinalalabas nitong ganoon nga siyang babae. Isang cheap and 'easy' girl.
Kaya heto siya at nagsosolo sa ilalim ng munting liwanag sa madilim sa munting teresa ng unit niya, feeling miserable. Wala na yata talaga siyang karapatang magmahal at mahalin.
Her parents left her with her yayas dahil madalas na magtuor ang dalawa. Business trip for her father while trip for a cause naman ang sa nanay niya. Isa kasi ito sa mga ambassador ng mga naulila. Hawak kasi iyon ng magulang niya. Funny that they held that kind of charity habang ang anak nila ay nauulila sa ginagawa nila.
She can join the cause, she actually did pero ang tingin sa kanya ng magulang niya ay isang co-worker, ka co-charity ba. So she stopped.
Noong bata siya madalas ay yaya lang niya ang nag-aalaga sa kanya. Siguro sa nobela at palabas lang nangyayari ang mabait na yaya para sa mayayaman na anak dahil siya, madalas na kurot at pingot ang nakukuha niya noon. Kaya naging tahimik siya at palabasa na lang ng libro dahil iyon ang paraan para hindi siya pagalitan ng yaya niya. Na nadala niya hanggang sa pagtanda niya.
From elementary to high school, she was bullied to the highest level. Siguro dahil hindi siya lumalaban at nanatili lang sa tabi. Wala siyang kaibigan noon. Kahit na ang mga geek sa school ay di siya pinapansin. Ang mga crush naman niya ay inaasar pa siya, 'yong tipong pinandidirihan, pag nalalaman na crush niya ang mga ito.
Nung nag-college siya, she took up Mass Communication. Hindi dahil iyon ang gusto niya kundi dahil gusto niyang ma-enchance ang social at communication skills niya. She improved. She gained friends. Until she found out na kaya siya kinaibigan ay dahil matalino at mayaman siya.
Doon na siya nagising. Na kung hihina hina siya ay siya ang mapapaglaruan. Siya ang maapi. Kaya binago niya ang sarili niya.
Kaya naman ng mag-eighteen siya ay condo unit ang hiniling niyang regalo na ibinigay naman kaagad sa kanya. Out of guilt? Hindi niya alam. Wala na siyang pakialam tutal ay wala rin namang pakialam ang magulang niya sa kanya.
When she changed herself, nagsilayuan ang mga 'kaibigan' niya sa kanya. Marunong na kasi siyang manopla. Lumaban at tumanggi. But Chloe ang Mitch never left. Natuwa pa nga ang mga ito sa pagbabago niya. Ang mga ito rin kasi ang nagtulak sa kanya na maging matapang siya at itigil na ang pa-demure at paawa niyang image.
Her friends gave her the love that she needed pero kulang. And then she fell in love. Okay naman ang lahat kundi lang ito nakipaghiwalay sa kanya dahil may iba na daw itong mahal.
Her heart got broken for the nth time. Pero sabi niya hindi siya susuko hanggat di niya nakikita ang lalaking mamahalin niya panghabang buhay.
"Pero sumuko ako," muli ay tulo ng kanyang luha. "kasi sabi n'ya hindi naman n'ya ako mahal. At mukhang hindi n'ya ako kayang mahalin. Dahil namamahay pa rin sa puso n'ya si Lavander."
Isang tili ang umalpas sa labi niya ng gumihit ang sakit sa puso niya bago nagtuloy-tuloy ang kanyang pag-iyak. She felt so miserable.
Marahas niyang pinahid ang luha niya ng pakiramdam niyang namamaga na ang mata niya kaiiyak. Parang nakatulugan na nga niya iyon o masyado lang siyang lumulutang. Hindi na kasi niya namalayan na kanina pa nagriring ang telepono niya.
Si Kevin ang tumatawag. "Yo, Kev." Bati niya rito.
"Pwede ka ba?" paos ang boses na saad nito.
"Anong nangyari sa 'yo?" bigla ay natawa niyang saad.
"We...we just broke up." His broken voice said. Hula niya ay umiiyak ito dahil panay ang hugot ng hininga nito.
"Mukhang ka-jamming kita ngayon, ah." Natawa niyang saad. "Sige, kita tayo sa Berkz sa Macapagal."
"Sagot ko na. Inom to the max tayo."
"Oo ba! Mabuhay ang mga sawi!" sigaw niya rito bago natawang ibinaba ang telepono.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?
RomanceSa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dalawang kaibigan niya ay maligaya na sa kanya-kanyang love life. Then she met her match. Si Arkangeal...