NAPATAAS ang kilay ni Ella nang simulang patugtugin ang background song ng segment. She knew the song. At kahit kailan ay hindi niya iyon makalilimutan.
Because that song is etched, imprinted, fixed and definitely carved in my heart.
Napahinga tuloy siya ng malalim. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso niya. At kung hindi niya iyon ginawa ay malamang napaluha na siya.
Why? Her memories of Angeal came rushing in.
"Buwsit ka talagang lalaki ka," bulong niya habang patuloy na nakikinig sa kanta at sa pagbabasa ni Chloe sa sulat.
"Can I make a request na sana basahin n'yo 'tong sulat ko. Hindi ko na kasi alam kung papaano ko ipapaalam sa babaeng mahal ko ang nararamdaman ko nang itulak ko s'ya palayo," napasinghap naman roon ang kabigan niya. "itutulak mo tapos bigla gusto mong babawiin." Napapalatak pang komento ni Chloe.
Napailing silang lahat sa kalokohan ng kaibigan. Natahimik lang siya nang magpatuloy na itong muli.
"I know my reason was not enough to do that dahil alam ko lahat tayo ay natatakot sa tuwing katabi natin ang mahal nating tao. Kapag hawak na natin sila. Hindi nyo po ba naitanong sa sarili ninyo na: 'Will I be worth it for her? Will my love will be enough to make her stay? Or will she love me despite our differences? Despite my insecurities? Despite that I'm lacking?
"I did," seryoso ng patuloy ni Chloe. "ang lahat ng sagot ko sa katanungang 'yan ay 'yong pagtulak ko sa kanya palayo. And now, I'm wondering why I did that. Because I'm one of hell wreck man when she left me."
Then the song changed to more familiar song. Hindi tuloy niya maiwasang mapatingin sa technician nila tila may sinusundan ding pattern dahil panay ang tingin nito sa tabi nito kung saan naroroon ang isang folder.
Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya na puntahan iyon pero kinabahan siya sa nabasa niya.
Gaano ko ikaw kamahal. All the way. I'll be seeing you. Beautiful as you. One and Only.
"I know this songs," bulong niyang saad. "H-Howie, i-is this the songs that you're going to use?" aniya sa technician nila.
"Oo," hindi na lang tumingin na saad nito sa kanya. "ang lupit ng lalaking ito. Mukhang telenovela ang kwento." Napapalatak pang saad nito bago ininguso si Chloe na nakakunot na ang noo.
Napasinghap na lang siya nang marinig niya ang sunod na sinabi Chloe.
"And there she was, wearing a simple gown with sa sad face. My bridesmaid. My moon fairy. My love." Noon naman siya nilingon ni Chloe.
"Angeal..." bulong niya at saka nagunahang tumulo ang luha niya.
-----
sorry po kung super tagal ng update...
nagpalamon na po sa work and sadness... alam nyo un.. ung nawalan ka na ng gana sa lahat...
I did...
specially when my baby cat Momo died...
kaya sorry po...
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?
RomanceSa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dalawang kaibigan niya ay maligaya na sa kanya-kanyang love life. Then she met her match. Si Arkangeal...