“WHEN somebody loves you, it’s no good unless he loves you—all the way,” ‘di mapigilang kanta ni Ella. Hindi na kasi talaga nawala sa isip niya si Angeal. Kahit na ipinagtabuyan siya nito noong isang araw ay hindi nawala ang pagtangi niya rito.
“Ipinagtabuyan ‘yan sa lagay na ‘yan.” biglang saad ni Mitch sa tabi niya. “Naalala pa ang first song na isinayaw nila. Ako nga hindi ko maalala kung ano 'yong kanta sa engagement party ni Chloe.” Umismid pa ito.
“Mitch,” saway naman ni Chloe rito. “hayaan mo na nga si Ella.”
“Thank you, Clow,” sandal naman niya sa kabigan. “ikaw talaga ang the—”“Alam mo namang hindi papipigil 'yan. Alam mo ‘yon lalo pang nanggigigil pag pinipigilan.” sabay ngising baling nito sa kanya. “Kasi naman true naman talaga. Look at you, pinagtabuyan ka na mas lalo ka pa yatang nafired up!”
“Eh kasi naman,” napayuko niyang saad.
Bakit nga ba kasi hindi na niya tigilan ang binata? Eh kulang na lang ay bitbitin siya nito palabas ng clinic nito hanggang palabas ng ospital noong isang araw. Pero heto siya at kinakanta pa ang first dance nila.
“Kasi ano?” sabay pang saad ni Chloe at Mitch.
“Eh kasi nga feeling ko may something s'ya sa akin.” Kinilig pa niyang saad.
“Naman, Ella. Paglalaki talaga ang usapan.” Anang pa ni Mitch. At naitirik pa ang mata.
“Paano mo naman nalaman?” gagad naman ni Chloe.
“Kasi…kasi kung titigan n'ya ang lips ko noon at saka iwas s'ya ng iwas ng tingin sa akin n'ong time na ‘yon. Gosh, di s'ya makatingin ng diretso sa akin.” Napatili pa siya matapos niyang sabihin iyon. Nakisabay naman sa kanya si Chloe.
“Gaga,” putol ni Mitch sa kasiyahan nila. “Paanong 'di ka iiwasan ng tingin? Naka micro mini ka. Buti nga pinapasok ka pa sa ospital. ‘Di ka naipagkamali na mali ng pasok. At ang labi mo, neng, namumula sa lipstick. Mukha ngang namaga sa kakakain ng sili. Ngayon sabihin mo sa aking umiiwas s'ya ng tingin dahil may gusto siya sa 'yo.” Nakataas na ang kilay na saad ni Mitch. Pag ito talaga ang nag salita, hindi nila malaman kung mahal talaga nito si Chase at nagmamahal ito. Para kasing laging destructible ang mga sinasabi nito.
Napalabi na lang siya sa sinabing iyong na kaibigan. Iyon kasi ang iniiwasan niyang isipin. Ayaw kasi niya ang pakiramdam na nabigo siya sa pagpapaibig kay Angeal.
Oh no, no, no, no. Napailing niyang saad.
“Mitch naman,” anang na naman ni Chloe. “you sound so bitter naman. Kung hindi pa dumating si Chase sa buhay mo, iisipin kong man hater ka.”
“I am!” walang emosyong saad nito. “Except my kuya and Chase. Isama mo na rin ang mga tatay natin.” Sabay irap nito.“Ella,” baling naman sa kanya ni Chloe. “’Wag mo nang pakaisipin ang sinabi ni Mitch. Kaya go, go, go ka lang kay Angeal, ha.”
“Naku, kaya patuloy na nagpapantasya ‘yan,eh” napailing na lang si Mitch.
Malungkot na lang niyang nasundan ang paglabas ni Mitch ng locker room. Nagpapantasya nga lang ba siya o totoo ang nakita niya.
Iyan ang dapat mong alamin kaya ‘wag kang sumuko. Sugod!
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?
RomanceSa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dalawang kaibigan niya ay maligaya na sa kanya-kanyang love life. Then she met her match. Si Arkangeal...