"I DON'T know why I'm scared. I've been here before. Every feeling, every word. I've imagined it all. You'll never know if you never try to forgive your past and simply be mine," feel na feel pang kanta ni Ella habang nakatunghay siya sa kalangitan. She felt something good will happen today. At pakiramdam niyang dadating ilang minuto si Angeal at magdoorbell sa unit niya.
"Pagkatapos pagbukas ko ng pinto ay aalayan n'ya ako ng kanta, bulaklak at kung anu-ano pa tulad ng ginawa ni Shenlad," sabay ngiti niya. "Pero kailangan kong magpakatatag. Na parang hindi ako apektado." Sabay seryoso niyang saad. "Kaya kailangan ubusin ang kilig sa katawan. Ngayon pa lang." saka siya ngumiti na nauwi sa halakhak.
Ito talaga ang tunay na Ella. Naïve at talaga namang walang alam tungkol sa pag-ibig. How would she know kung wala namang nagparamdam sa kanya bukod sa mga kaibigan niya.
Kampante pa rin siyang nakaupo sa lounge chair nang tumunog ang telepono niya. Natarantang pinuntahan iyon kaya naman nagkanda dapa-dapa na siya bago niya iyon masagot.
"Hello? Ouch," ingit niya dahil bahagyang kumirot ang tuhod niya. Nasugatan pa yata siya.
"Ella, emergency ito," patiling saad ni Richie. "tinatawagan ang buong crew na pumasok ngayon."
"Bakit daw?" Kinabahang sagot niya rito.
"Ma!" muli ay tili nitong saad. "Galing sa taas ang utos at kailangan kumpleto daw ang lahat! Naku, hindi ko alam kung anong mangyayari. Bahala na. Good luck na lang at 'wag sana na major major chorva! Ayoko pa mawalan ng work! Dyoskho! Yong Iphone 11 ko!"
Napangiwi na lang siya sa pagtili nito bago nagpaalam na lang at ibinaba ang telepono. Mukhang mali ang hula niyang magiging maganda ang araw niya?
"Madami pang araw," pagpapalakas niya sa sarili kahit na nawawalan na siya ng pag-asa. Aba hindi biro ang mag-antay siya sa manliligaw niya ng halos mag-dalawang linggo na.
"Buwsit." Inis na niyang saad atsaka nagmamadaling nag-ayos ng sarili at pumasok. "sana lang may magandang mangyari sa akin. Kundi ako ang susugod sa lalaking 'yon!"
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?
RomanceSa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dalawang kaibigan niya ay maligaya na sa kanya-kanyang love life. Then she met her match. Si Arkangeal...