GUSTONG magwala ni Angeal kanina ng makita niya kung gaano kalapit ang dalawa na tila nagbubulungan. May pagkakataon pang hahaplusin ng lalaki ang pisngi ni Ella bago ito kakabigin para yakapin. Kung iyon nga lang ang ginawa ng lalaki iyon.
Nahampas na naman niya ang manibela niya sa inis. Hindi naman niya magawang sugurin ang mga ito dahil natatakot na naman siya na baka ipagtabuyan siya ng dalaga. Hindi naman malayong gawin iyon ni Ella matapos ng ginawa niya.
Napahinga na lang ng malalim si Angeal bago sinulyapan ang tahanan ni Shenald. It's late mangiistorbo pa ba siya? Pero hindi na niya kayang supilin ang nararamdaman niya. Kung wala siyang makakausap baka nga bumalik siya kung nasaan si Ella at sugurin na niya ang lalaking iyon.
Ilang minuto pa muna siyang nanatili sa sasakyan bago siya tumuloy sa bahay nina Shenald. Gulat at halatang naalimpungatan ito sa pangiistorbo niya.
"Oh, nang istorbo ka yata?" ani pa nito nang makapasok sila sa sala nito. "Problema? Saan? Puso o sa ospital?"
"Puso," tipid niyang saad. "I think Ella find her new love. Her true love."
"You are Ella's true love." Kunot-noong saad nito
"But I saw her with someone else."
"Kailan?"
"Kanina lang. Kagagaling ko lang doon." Halos bulong na lang na saad niya.
"Bakit hindi mo nilapitan?"
"Simula nang tanggapin kong mahal ko na s'ya, dumami na 'yong kinatatakutan ko." Simula niya. "'Yon 'yong mga iniiwasan ko noong una ko s'yang makita." Napangiti pa siya nang maalala niya ang una nilang pagkikita. "She was so wonderful that day. Kahit sa gitna nang kalungkutan n'ya dahil ramdam n'yang mag-isa lang s'ya, ay tumatawa pa rin s'ya."
"That's one of her great traits that you didn't consider when you broke my friends heart," anang ng malamig na boses na iyon.
Nalingunn naman niya si Chloe na nagbabaga ang tingin sa kanya. Alam niya kung bakit, who wouldn't? kahit siya ay galit sa sarili niya.
"P'wede bang humingi ng tawad?"
"Hindi," mabilis na saad nito bago tumabi kay Shenald. "ipinaubya ko 'yong kaibigan ko sa 'yo dahil akala namin kaya mo s'yang alagaan. Kahit na tutol kami sa pagbabagong ginagawa n'ya sa sarili n'ya. Ayaw na naming bumalik s'ya sa dating s'ya dahil alam naming ang importante na lang sa kanya is 'yong manatili ka sa tabi n'ya. Ayaw namin 'yon, kasi she's always taken for granted and wala siyang paki. At hayan na nga 'yong kinakatakutan namin. Because of you, kinalimutan n'ya lahat ng pinagdaanan n'ya.
Habang sinasabi iyon ni Chloe ay hindi maiwasan ni Angeal na mapakunot ng maigi ang noo. "Anong ibig mong sabihin?"
Huminga pa muna ito ng malalim bago siya pinakatitigan. "Alam n'yang nagdurusa ka sa nakaraan mo kaya hangga't maaari ginagawa n'ya ang lahat para lang hindi ka masaktan. Pero mali pala s'ya dahil ikaw pala ang gagawa noon sa kanya.
"All the while she was protecting you from your past, binuksan naman ni Ella 'yong nakaraan n'ya. 'Yong nakaraan na pilit na n'yang binabaon sa limot." noon lumambong ang mata nito at nag-iwas ng tingin. "You see, she had the most saddest childhood sa aming tatlo. She never felt how to be loved. She had no one when we met her. Ang mga magulang niya, siguro once a year lang niya nakikita. Evn on her birthdays. Imagine a child having her birthday alone with her abusive yayas. Very ironic na tinutulungan ng magulang n'ya 'yong mga ulila na mga bata pero si Ella..."
Bumuntung hininga pa muna ito ulit. "'Yong mga tita n'ya walang pakialam sa kanya. 'Yong mga yaya, masungit saka palagi pa siya pinapagalitan. That's when she started to close herself to a shell. She was bullied. Played at. Mas madalas sa hindi na gawin s'yang katatawanan ng mga kaklase n'ya simula noong elementary hanggang sa high school. Kahit na maganda s'ya, her wqnts and hobbies are different from her schoolmates. Kaya hindi lang siya geek, loner pa s'ya. May kasungitan din kasi siya dahil pakiramdam niya lahat ay ayaw sa kanya.
"Noong college medyo okay na s'ya noon dahil kailangan n'yang magsalita," ngumiti ng bahagya ito bago nagpatuloy. "Everyone loves her dahil matalino s'ya. Masaya si Ella noon kasi madami nang kumakausap sa kanya. And hindi na daw freak ang tingin sa kanya just because she's intelligent. Pero sympre hindi kami pumayag ni Mitch noon. We knew they were just using her. So we pushed her to evolve. And when she did, she was like that.
"Masaya kami para sa kanya," napaluha ng saad nito. "pero ayaw naming naiiwan s'yang mag-isa dahil inaatake s'ya ng anxiety n'ya. Kaya nang makita naming interesado s'ya sa 'yo, pinabayaan ko na. Tinulak ko s'ya nang tinulak papunta sa 'yo dahil alam kong may gusto ka sa kanya. I saw you two n'ong kasal. Akala ko nga hindi na kayo maghihiwalay, pero nagkamali ako kasi nagkita kayo uli. But you broke her. She was already broken at lalo mo pang binasag." Sigaw nito na ikinagulat nila.
"Hush now, sweetheart," bulong naman dito ni Shenald. "Si baby. Baka maging kamukha ni Angeal 'yan. Ayoko." Alam niyang nagpapatawa ito pero halatang tensyonado ito.
"Kausapin mo 'yang kaibigan mo. Kundi yari ka sa akin." Baling ni Chloe kay Shenald bago sila nito iniwan.
Nagkatinginan na lang sila bago napangiwi si Shenald ng balagbag na sumara ang pinto.
"You heard her." nakangiwi pa ring saad ni Shenald.
Tumango siya roon habang tinatanong ang sarili kung ano ang nagawa niya kay Ella. Patong patong na ang kasalanan niya sa dalaga. Hindi na niya alam kung papaano siya babawi.
"Ano nang gagawin ko, doc?" naitanong na lang niya.
"Tell her that you love her." walang anumang saad nito. "That's what I did." Tingin nito sa taas bago ngumiti.
"Paano kung hindi s'ya maniwala? I just said I don't love her."
"Edi ligawan mo," walang anumang saad nito. "alam mo, kung mahal mo s'ya, alam mo kung saan s'ya kikilitiin. Kahit magpakipot pa yan, bibigay din yan." Nang ngumiti ito ay napangiti na rin siya.
Ella is a simple girl. Simple rin lang ang kaligayahan nito. Madali niyang mahuhuli ang loob nito.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?
RomanceSa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dalawang kaibigan niya ay maligaya na sa kanya-kanyang love life. Then she met her match. Si Arkangeal...