Twenty-Seven

1.7K 40 0
                                    

"CHEERS!"

Iyon na yata ang bagong motto ni Ella simula sa gabing iyon. Nang ayain kasi siya ni Kevin uminom ay wala silang ginawa kundi tumagay, mamulutan, magkwentuhan at tumawa sa mga bagay na nagkakasundo sila tungkol sa dahilan ng mga tao pagnakikipaghiwalay.

"Alam mo minsan nakakainis din kayong mga babae," lasing ng saad nito. "magpapaasa kayo pagakatpos hindi n'yo naman pala sasagutin."

"Hindi ako gano'n," mabilis niyang sansala. "alam mo kasi kulang ako sa pagmamahal kaya hanggat maari, kung sino ang pwedeng makapagbigay sa akin ay ayos na. Pero kung pakiramdam kong napipilitan ka na lang o nararamdaman kong hindi ka magiging masaya sa akin, mas mabuti pang maghiwalay na lang, 'di ba?"

"Hindi din," iling nito. Hindi tuloy niya napigilang batukan ito. "masakit 'yon, ah. Pero siguro nga. Oh, may tumatawag sa 'yo." Turo nito sa telepono niya.

Inaninag pa niyang maigi kung sino ang tumatawag. Napangiti siya ng makilala niya ang picture ni Chloe sa cellphone niya. Mabilis niya sinagot ang tawag nito.

"Clow! Gising ka? May pabibili ka ba?"

"Oo. Bibilhin ko oras mo at ang beer na iinumin mo d'yan."

"Paano mo nalamang nasa inuman ako?"

"Haller, tabingi ka na kayang magsalita."

Napaisip naman siya roon. Pakiramdam niya inaantok siya pero lasing? "Hindi naman. Inaantok lang ako." Katwiran pa niya.

"Naku, ke antok ka o hindi. Pumunta ka dito sa bahay at may sasabihin ako sa 'yo. I mean kami ni Mitch. Dali."

"Bakit pinaglilihian mo kami?"

"Hindi!" tili nito. "Mapapairi ako sa 'yong lasing ka. Pumunta ka na lang dito. Andito si Anghel."

"Sinong Anghel?"

"Si Angeal! Ang daming tanong. Pumunta ka na dito kung gusto mo pang abutan tong mokong na 'to."

Saglit siyang napaisip kung pupunta pa siya.

Bakit pa? Hindi naman na s'ya mahal nito. "Ayoko. Hindi naman ako mahal n'yan. Dito na lang ako kay Kevin. 'Di ba, Kevs?" baling niya sa kaibigan na tumango naman.

"Naku hayaan mo na 'yan d'yan. Susunduin na 'yan ni Chase," singit ng tinig ni Mitch. "at ikaw, magmadali ka nang pumunata rito kundi kakalbuhin kita." May awtoridad na saad nito.

"Yes, ma'am!" aniyang sinundan pa ng paghalakhak.

Noon naman siya tinamaan ng hilo matapos niyang ibigay ang lokasyon nila kay Mitch at ibaba ang telepono. Antayin na lang niya ang pagdating ni Chase at susunduin nga daw silang dalawa.

Pero sa lahat ng nararamdaman niya ng oras na iyon ay hindi niya maiwasang kabahan. Anong mangyayari mamaya sa muli nilang pagkikita?

"Bahala na si Batman!" sigaw niya na ikinalingon ng mga katabi niya at wala siyang paki!

[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon