HABOL ang hiningang napaupo si Ella sa rooftop ng radio station. Dapat ay naroroon siya sa loob ng istasyon kung saan naririnig niya ang confession ni Angeal pero ayaw niyang marinig iyon. Pero kahit anong gawin niya ay naririnig niya dahil sa speakers na tila sinadyang naroroon din. Mariin na lang tuloy niyang idiniin ang palad sa kanyang tainga.
Ayaw niyang marinig ang mga nasa sulat hindi dahil sa hindi niya nagsutuhan. Ayaw niya dahil mas gusto niya kung boses mismo ni Angeal. Kung si Angeal mismo ang nagsasabi sa kanya...Pero nasaan ito?
"Ang daya mo!" sigaw niya. "It's not fair." Lalong napaluhang saad niya. "Inantay kita na dumating tapos ganito ang gagawin mo. Sino ka ba, ha? Ano sa tingin mo, sobrang importante mo?! Ha!"
"I'm Ark Angeal Tyreal Hearshel. And I'm here to confess everything, in front of the only woman who taught me how to love again."
Marahas niyang nilingon ang tinig na iyon. Baka kasi nadadaya lang siya ng pandinig niya. Sa sobrang kagustuhan niyang marinig ang boses nito ay naghahallucinate siya. Pero hindi. Dahil heto ang binata at seryosong nakatunghay sa kanya.
"I'm sorry, love," he said and a half smile draw in his lips.
Tuluyan na siyang napahagulgol sa simleng salita nito. Dahil kahit hindi nito sinabi iyon. Napatawad na niya ito.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?
RomanceSa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dalawang kaibigan niya ay maligaya na sa kanya-kanyang love life. Then she met her match. Si Arkangeal...