KANINA PA nauuliniggan ni Angeal ang tinig sa hallway at sa labas ng pinto ng opisina niya. Hindi niya pwedeng ipagkamali iyon dahil naaninag niya sa puwang sa may pinto ang anino ng mga ito. Kilala niya ang tinig ng lalaki pero ang tinig ng babae ay bago sa pandinig niya.
Bago nga ba o pinipilit mong isiksik na bago lang?
Napabuga siya roon ng hangin. Kilala kasi niya kung sino ang tinutukoy ng tinig na iyon.
Inabangan niyang kumatok kung sinoman ang mga tao na nasa tapat ng pinto niya pero natapos na niya ang pagbasa sa files ng isa niyang pasyente ay nanatili pa ring walang katok na nangyari.
Minabuti na rin niyang puntahan ito at pagbuksan para na rin matahimik ang patuloy na pagkabog ng dibdib niya.
Hindi naman kasi niya maintindihan ang puso niya kung bakit ito kumakabog ng ganoon lalo na pagdating sa babaeng iyon. Sa babaeng nakasayaw niya sa kasal ng kaibigang si Shenald.
Nagmumuni-muni siya noon sa teresa ng venue at nilalasap ang may kadumihang hangin ng ka-Maynilan. Hindi kasi niya matiis ang mga nagsasayaw at sweet na sweet na mga couples. Hindi sa naiinggit siya pero simula ng nangyari sa kanya way way back college ay isinumpa niyang sisiguraduhin niyang mabuting babae ang mamahalin niya.
In a way siguro ay naiinggit din siya dahil nakakita pa si Shenald ng tulad ng ideal girl niya at medyo nabuhayan din siya ng loob na mayroon pa palang natitira.
Lumbas siya noon ng hall dahil wala naman siyang makitang maisasayaw roon. Nasa kalagitnaan na siya nang pag-inom noon ng bigla na lang sumulpot si Ella, ang bridesmaid.
And after that aggressive and small talk they had, kahit na medyo na turn-off siya sa pagiging aggressive at bold nito ay hindi niya maalis ang tingin rito. Pati ang simpleng pag-amoy sa buhok nito at pagdama sa init nito habang nagsasayaw sila ay hindi niya magawang iwasan. He was bewitched by the bridesmaid.Kaya naman ng medyo makalayo siya rito ay saka siya natuhan. Naisip niyang baka nasobrahan lang siya sa paginom ng champagne, kung nakakalasing nga iyon, iyon na yata ang pinakamatinding tama niya.
Napatunayan niyang nakainom lang siya noon dahil kaya na niyang iwasan ito ng muli silang magtagpo. Ang hindi lang maganda ay kapag napatitig siya sa maamong mukha ni Ella ay natatangay na kung saan ang katinuan niya.
Mangkukulam nga yata ang babaeng ‘yon.
Natigil lang siya sa pagsisintemyento nang marinig niya ang paghugot ng hininga ng kung sino sa labas. Tama nga siya ng hula, mukhang nag-iipon ng lakas ang nasa labas. Hindi na niya pinatagal pa ang pag-aantay nito kaya binuksan na niya ang pinto. Sakto namang kakatok nito kaya lumanding ang kamay nito sa dibdib niya.
Muntik na siyang mapangiti nang makita niya ang gulat sa mukha ng babaeng kanina lang ay laman ng isip niya at nakapagpakabog sa kanyang dibdib.
Pinigilan niya ang mapabuntong hininga ng biglang sumilay ang ngiti sa labi nito at tila naging teenager itong nahuling may ginawang kababalaghagan. She looked so beautiful.
Aba, Arkangeal Tyreal Hearshel, tandaan mong katulad din siya ni Lavander.
Dahil sa paalala ng tinig na iyon mabilis na kumunot ang noo niya. Iniiwas na lang niya ang tingin sa mga mata nito at pinadako na lang sa labi nito.Pero mukhang mali ang ginawa niya dahil hindi naman niya maiwasang isipin kung gaano kaya katamis ang labi ng dalaga.
“Damn it!” marahas niyang saad na ikinapitlag naman ni Ella. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay aaluin niya ito at mag-sorry pero hindi ngayon. Lalo na’t mga tulad nito ang kinaiinisan niya.
“Galit ka?” kimi pang saad nito.
Naitirik na lang niya ang mata. “Obvious ba? Anong ginagawa mo dito? Wag mong sabihin magpapacheck up ka? Tapos na ang clinic hours ko at pwede naman kay Shenald ka na lang magpatingin.”Lumabi naman ito bago humalukipkip. “Bakit bawal bang dalawin ang isang kaibigan?”
“Kaibigan?”
Tumango ito. “Oo. Bigla ka kasing nawala sa party. Sabi ni Shenald, sumama daw ang pakiramdam mo noon.”
Tinaasan naman niya ito ng kilay. “Mahigit isang buwan na ang lumipas. Siguro naman okay na ako. Ako na ang magsasabi sa 'yo bilang pasyente at doctor, okay na ako. So, okay na? Pwede ka ng umalis?” Binabagabag mo kasi ang buong sistema ko sa simpleng presensya mo. Naiiwas na lang niya ang tingin rito bago pa niya masabi ang mga iyon.
Bumalatay naman sa mukha ng dalaga ang sakit bago iyon muling napalitan ng ngiti. “So, pwede na tayong lumabas?”
“Lumabas?” mabilis niyang balik tingin rito. “Anong sinasabi mong luamabas?”
“Lumabas,” ulit nito. At sa pagkagulat niya ay bahagya siyang hinawi nito para makapasok ito ng tuluyan sa opisina niya. “magdate. Mag get together. Kumbaga get to know each other.” Sabay lapit pa sa kanya nito.
Muntik na siyang mapatalon sa gulat ng bahagyang ikiskis nito ang braso nito sa likod niya. May kakaiba kasing kilabot na naglakabay mula sa likod niya patungo sa pagitan ng mga hita niya.
He could strangle this woman if he wants to pero may sariling isip yata ang kamay niya dahil hindi iyon kumilos. Kaya galit na nilingon niya ito. “Walang mangyayaring ‘lumabas’, magdate, get together o get to know you stage. Okay? Lasing lang ako noon kaya kinausap kita. I’m just being a gentleman. Magmumukha ka kasi kawawa kung nagsasalita ka mag-isa roon.” Dire-diretso niyang saad. Too late to take back his words, narinig nang lahat iyon ni Ella.
Nagyuko ito ng ulo at hindi na umimik. He was so sure that he hurt her feelings.
Ano naman? Maganda na 'yon para tigilan ka n'ya. 'Yon naman ang gusto mo 'di ba?
Iyon nga ba? Bakit tumututol ang puso niya?
Napahinga na lang sya ng malalim bago kinuha ang gamit niya. Hindi pwedeng magpatuloy ang kabaliwan niyang ito. Pero kailangan na niyang tapusin kaagad iyon. Kailangan niyang bigyan ng kasagutan.
Pero hindi ngayon.
Sinuot niya ang coat niya bago muling tumapat sa dalaga. “Uuwi na ako at hindi kita pwedeng iwan dito. So if you’ll excuse me.” Malumanay na niyang saad.Tumango lang naman roon ang dalaga bago ito umalis sa pintuan. Dire-diretso na itong naglakad habang kinakandado naman niya ang opisina niya. Sa paglabas niya sa hallway ay hindi na niya makita si Ella.
Mabuti na 'yon, sabi niya sa sarili. Kaysa naman pagtalunan pa ng isip at puso niya kung ihahatid niya ito o hindi.
Pero pagdating naman niya sa sasakyan niya ay nahiling niyang sana ay inihatid na nga lang niya ito pauwi. Hindi kasi siya matahimik sa naging hitsura ng dalaga sa mga sinabi niya.
Sa bandang huli ay hinayaan na muna niya ang issue. Ang kailangan niyang gawin ay kung paano niya aayusin ang sarili sa pagdedesisyon tungkol sa bagay na iyon.
Why?
Because it was the first time that he reacted differetly by a woman who changed their boyfriends as fast as they changed her underwear.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?
RomanceSa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dalawang kaibigan niya ay maligaya na sa kanya-kanyang love life. Then she met her match. Si Arkangeal...