ISANG magandang panaginip na ayaw nang magising pa ni Ella. Isang good karma kahit wala siyang maisip na ginawa niyang maganda. Isang magandang pamasko mula kay Lord. Isang milagro na hindi niya hiniling. At kung anu-ano pang magandang bagay na pwedeng isipin.
Angeal was having a date with her.
Nang sumunod na araw din kasi ay bigla na lang sumulpot sa opisina niya ang binata. Hindi tuloy niya mapigilan ang mapangiti ng makita niya itong nagmomonologue sa lobby.
"Angeal?"
"O-oh, hi. Andyan ka na pala," iwas tingin nito sa kanya.
Kung hindi siguro si Angeal ito ay baka biniro at inasar-asar na niya. Pero si Angeal nga ito kaya hayun siya, kinikilig na lang hanggang sa talampakan.
Kahit na kasi Moreno ito ay kitang kita ang pag-blush nito. Parang hindi ito iyong Angeal na nakita niya nung kasal at ang masungit na Angeal sa ospital.
Nang tumikhim ito ay saka lang natuon muli ang pansin niya rito. "Can you or may I have this night, Ms. Gonzales?"
Naipikit na lang niya ang mata niya ng maalala niya ang ginawa niya noon. Tumili siya at yumakap rito. Kung hindi siguro siya nito nahawakan sa braso at inilayo ay baka nahalikan pa niya ito sa pisngi.
Para sa kanya ay natural na sa kanya ang ganoon pero tila hindi iyon nagustuhan ni Angeal dahil kunot na kunot na ang noo nito. Parang kaunti na lang ay bubulyawan na siya nito.
Pero mali naman yata siya dahil heto sila ngayon sa KFC. Oo-fast food chain. Doon kasi niya gusto kumain. Ayaw kasi niya sa mga classy restaurant. Parang masyadong stiff.
Isang ngiti ang inihanda niya ng makita niyang papalapit na si Angeal sa mesa nila. Kahit na pumayag ito na sa KFC sila kumain ay hindi naman ito ngumingiti. Hindi naman kasi talaga ito bagay sa ganoong lugar. He was too big, too masculine and definitely too handsome to be eating at a fast food. Napaisip tuloy siya kung tama bang doon ito kaladkarin. Patong-patong na ang kasalanan niya.
"Galit ka pa ba?" hindi niya napigilang tanong ng maka-upo ito sa tapat niya. "Hindi ko naman sinasadya 'yong kanina."
Hindi pa rin ito umimik kaya tahimik na lang tuloy niyang kinain ang pagkain nila. Pakiramdam din niya na nagbabara iyon sa lalamunan niya.
Napasinghap na lang siya ng muling pisilin ni Angeal ang ilong niya. Hindi na siguro nito napigilan ang gigil sa galit sa kanya at kinurot na siya. "Bakit?"
"Ang haba pala ng nguso mo," komento nito. "'wag ka ng gumanyan at baka maihipan ka ng hangin at matuluyan 'yan." Muli pang kinurot nito ang ilong niya bago nito sinumulang kainin ang spaghetti nito.
Sinimulan? Noon lang niya napansin na noon pa lang ginalaw ni Angeal ang pagkain nito. Anong ginawa nito sa buong durasyon na nilalantakan na niya ang pagkain niya?
"N-ngayon ka palang kakain?" puna niya.
"Oo," anitong puno pa ng laman ang bibig. "hindi kasi ako sanay kumain sa fast food. I mean, sa mismong lugar and besides, hindi ako makakain habang nanghahaba ang nguso mo."
"A-anong ginawa mo?"
"Look at you."
Laglag ang panga ni Ella sa diretsong sagot nito. Tama nga ang hinala niya. Kaya siguro parang ilang na ilang siyang kumain. Kaya pala parang nananayo ang lahat ng balihibo niya. He was starring at her.
And it all stuck up into her brain. "Nakakaasar ka!" tili niyang saad dito at hinampas pa ito sa braso. Hindi na kasi talaga niya napigilan ang emosyon niya. she thought he was angry at her tapos bigla bigla ay pikikiligin siya nito. Asar! "Bakit mo ko tinitigan kanina?" muli ay hampas niya sa braso nito.
Gulat naman siyang tiningnan ng binata. "What? I was just thinking kung ano ang iniisip mo at ang tahimik mo at nanghahaba pa ang nguso mo. Narealize ko na ako pala ang dahilan bakit tahimik ka nang tanungin mo ako kung galit ba ako. I was about to apologize but then again, apology is not enough. Kaya pinatawa na lang kita." Paliwanag nito. Tulala naman siyang nakinig dito.
So that's how it is. Napakagat tuloy siya ng labi at naghahandang tumili.
"Huwag kang titili." pigil nito ng mahulaan siguro nitong titili siya. "Nakakahiya."
Kaya naman ang tili niya ay naiwan sa lalamuna at isang ngisi na lang ang binigay niya rito. Hindi rin tuloy niya napigilang kurutin ito sa pisngi. At bago pa man ito makapag-react ay nakalipat na siya ng upuan at yumakap na sa braso nito.
"Ang sweet mo." Kurot pa muli niya sa pisngi nito.
Hindi talaga niya mapigilan ang kiligin. Tumigil lang siya sa paglikot sa tabi nito ng ngumiti na naman ito.
"Umm, medyo bitiw ka muna," anito bago marahang tinanggal ang braso niya. "baka kasi mademonyo ako."
"Oh," aniya at bahagyang lumayo rito. Pero hindi niya iniiwas ang tingin rito. Now, it was her turn to look at him.
Napakaguwapo talaga nito. Hindi niya akalaing pwede pala sa doctor ang may kahabang buhok. Tuloy ay hindi na naman niya napigilan ang sarili haplusin ang buhok nito.
"Ang haba ng buhok mo."
"Hindi bagay?"
"No-I mean, yes. No." nalito niyang saad. "bagay sa 'yo ang mahabang buhok. Pero sa ngayon parang gusto kong pagupitan 'yan. Nagmumukha ka kasing model pagwala ang hospital gown n'yo, dumadami 'yong kaagaw ko. But then again, parang same lang kahit mayroon."
Umiling lang roon ang binata bago hinuli ng kamay nito ang kamay niya. He pinned it down on the table.
"Eat. Alam kong gutom ka na dahil narinig kong nagtatalo na 'yang hanging sa tyan mo." Mariing saad nito.
Isang ngiti naman ang sumilay sa labi niya. "How? Kung hawak mo ang kamay ko?"
Tiningnan naman nito ang kamay niya bago ang kamay nito.
"I can't eat with my left hand."
Muli pang pinaglipat-lipat nito ang tingin mga kamay nila. And the last thing she thought was what he did.
He skillfully scooped a spoonful of spaghetti in his plate bago iyon iniumang sa kanyang labi. "Aah." Utos pa nito.
Sinalubong niya ang tingin nito. She can read something in it kaya bahagya siyang napangiti. With a smile on her lips, she opened her mouth and eat his food.
"Good."
Yeah. Good.
Natapos nila ang pagkain nila na ito ang nagsusubo sa kanya at sa sarili nito. Siya naman ang nagpapainom dito at sa sarili niya.
As they held each others hands...under the table.
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] Paano ba kita Mamahalin?
RomanceSa kanilang tatlong magkakaibigan, siya, si Michaela Ann Gonzales, ang hindi nawawalan ng lalaki, pero siya pa rin ang nahuli sa biyahe dahil ang dalawang kaibigan niya ay maligaya na sa kanya-kanyang love life. Then she met her match. Si Arkangeal...