Chapter 9

2.6K 96 5
                                    

“Hi” ang bungad na bati ni Raven sa gulat na si Paolo, nang pagbuksan siya ng pinto, nang hotel room nito.
    
“Raven, anong ginagawa mo rito?” ang takang tanong ni Paolo, and in an instant, kinabahan na siya.
    
Anong gagawin niya kung wala na silang ibang makakasama dito sa kwarto. Hanggang kailan kakayanin ng pisi ng self control niya si Raven?
    
“Wala rito si Rhina, kasama siya ng mommy at naghanap ng wedding planner” ang paliwanag ni Paolo sa kanya.
    
Wedding planner, ni hindi man lang siya sinabihan ni Rhina na naghahanap na siya ng wedding planner? No hindi man lang siya ang unang sinabihan nito tulad ng dati? Nawala na siya sa eksena, ang sabi ni Raven sa sarili na nasaktan sa nalaman.
    
Raven tried to hide the hurt that she felt, instead she focus her mind, sa sinabi nitong paghahanap ng wedding planner ay nangangahulugan na nalalapit na ang kasal.
    
Talagang nagmamadali si Paolo, na maikasal kay Rhina, she thought angrily.
    
“Ah, ganun ba?” ang exaggerated na pagkagulat na sinabi ni Raven, at humawak pa ang isa niyang kamay sa dibdib.
    
“Well hindi naman si Rhina ang ipinunta ko rito, and I think you know that” ang sabi ni Raven.
    
“May I come in?” ang tanong ni Raven, na kahit di pa sumasagot si Paolo ay diretso na itong pumasok sa loob.
    
Paolo sighed, hindi niya alam kung paano paaalisin si Raven, ayaw din naman niyang mabastos ang kapatid ng kanyang fiancee, at ayaw din naman niyang magkarun ng lamat ang pakikitungo niya sa kahit isa sa ka pamilya ni Rhina.
    
Pero ang mas ayaw niya, ay ang pinupukaw na damdamin sa kanya ni Raven, na baka ikasira ng relasyon nila ni Rhina. At ayaw din naman niyang magsabi kay Rhina, ng tungkol sa ginagawa ni Raven, dahil ayaw niyang maging sanhi ng pag-aaway ng dalawa. Gulung-gulo na si Paolo
    
Pumasok sa loob ng hotel room si Raven, at naupo siya sa gitna ng kama. She crossed her legs, kaya nahila pataas ang suot niyang mini skirt, at lumiyad pa siya ng kaunti, para, maaccentuate ang kanyang mayayamang dibdib.
    
“I want to talk to you” ang mapang akit na sabi ni Raven kay Paolo, na hindi makatingin sa kanya ng diretso.
    
“Pwede ba sa ibaba na lang tayo mag-usap, may coffee shoo6sa ibaba or sa isa sa mga restaurant doon” ang pakiusap ni Paolo.
    
Raven bit her lip, she’s really getting impatient sa pagpapakipot ni Paolo.
    
Tumayo si Raven at naglakad papalapit kay Paolo, she walked as slow and as seductive, as she could be. At nang malapit na siya rito, ay tumayo siya sa harapan ni Paolo and she put her arms on his shoulders.
    
She pressed her body against his, at ramdam ni Paolo ang malambot na katawan ni Raven, at ang mga dibdib nito na nakadikit sa kanya. Napalunok si Paolo.
    
“We needed some privacy” ang bulong ni Raven sa tenga ni Paolo.
    
Paolo gathered all his strength and self control, at hinawakan niya ang mga braso ni Raven na nakalingkis sa kanya, at pilit niyang inalis iyun sa kanyang mga balikat.
    
“Alright you want to talk, then let’s talk” ang inis nang sabi ni Paolo. Kailangan nang matapos ang kahibangan ng kapatid ni Rhina. Dahil baka kapag nag patuloy pa ito, ay pati siya ay mabaliw na rin.
    
“Pwede maupo ka ng maayos, dun ka sa couch” ang utos ni Paolo kay Raven, he wanted her, far from him as much as possible.
     
Raven rolled her eyes, pero sumunod ito, she’ll be patient, siguro hindi na ito yung agresibong Reuben, na una niyang nakita sa ilalim ng puno sa kanyang garden.
    
Naupo na si Raven, sa isang maliit na sofa, she crossed her legs and crossed her arms in front of her chest.
    
“Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?” ang tanong ni Paolo.
    
“Are you sure you wanted to hear this?” ang paninigurado ni Raven.
    
Paolo nodded and crossed his arms in front of his chest at sumandal siya sa isang lamesa.
    
Raven sighed, “you won’t think that I’m crazy, will you?” ang muling tanong ni Raven.
    
Gusto sanang sabihin ni Paolo na may mas ibabaliw pa ba ang mga pinag gagagawa nito, pero nanatiling tikom ang kanyang mga labi at tumangu-tango lang.
    
You can do this Raven, ito na ang pagkakataon mong ipaliwanag sa kanya ang relasyon ninyo. Naalala na naman niya ang kanyang panaginip kagabi, nahulog si Reuben sa isang bangin, at sumigaw ito, na “find me mein schatz!”.
    
At dahil sa panaginip na iyun ay naging determinado na naman siyang puntahan ito at kausapin. Somehow, humuhiling ito, na hanapin siya, o tulungan siyang ibalik ang memory nito.
    
Raven sighed, “Okey, you might think it weird, but we met years ago” ang unang sabi ni Raven.
    
“How many years ago, kasi, wala akong matandaan na nakilala o nakita na kita somewhere, maybe, nagkasama tayo sa isang lugar, maybe, but we were never get acquainted, if it’s what you mean” ang sagot ni Paolo.
    
Raven tried to be patient, talagang mahihirapan siyang magpaliwanag dito.
    
“We were never acquainted, dahil mas higit pa roon ang meron tayo” ang sagot ni Raven at taimtim niyang tiningnan ang mga mata ni Paolo, na nagpakita ng pagkagulat.
    
“We were lovers once Paolo” ang sagot niya.
    
Paolo chuckled and shook his head, “wala akong matandaan na naging magkarelasyon tayo Raven, at maniwala ka, hindi ako nagkarun ng amnesia”.
    
Tumayo si Raven at lumapit kay Paolo, tumayo siya sa harapan nito, “ikaw Reuben Paolo, at ako si Meryn, namatay ka dahil sa ambush, at ipinagpalit ko ang kapangyarihan ko sa nga diyos para mabuhay tayo ulit sa hinaharap at magkasama tayong muli” ang giit na sabi ni Raven, she looked deep into his eyes.
    
“Mo Shiorghra Castle” ang sambit ni Paolo.
    
Nanlaki ang mga mata ni Raven, “do you remember?” ang excited niyang tanong.
    
“Oo, yun yung ikinuwento mong legend tungkol sa Castle sa Ireland” ang sagot ni Paolo.
     
Nabura ang ngiti sa mga labi ni Raven, she bit her lower lip, “it’s not a legend Paolo, it’s true, its our story” ang giit ni Raven, “hindi mo ako matandaan maybe because, namatay ka sa isang labanan” she sighed, “o whatever, hindi ko alam kung bakit hindi mo ako matandaan, maybe this was a test for us or for me, kung paano ko isasakatuparan ang pagmamahalan natin, at iyun ang ginagawa ko ngayon” ang giit ni Raven.
    
Paolo looked down on her, he was dumbfounded, hindi niya alam kung anong sasabihin. Sinong matinong tao ang maniniwala sa mga pinagsasasabi nito? Reincarnation? Really?
    
“I think nasobrahan ka na ng pagiging NAUGHTY mo Raven, wag mo na akong pagtripan please lang” ang di makapaniwalang sabi ni Paolo. Sabay iwas nito kay Raven, at naglakad papalayo malapit sa bintana.
    
“I’m not tripping Paolo” ang mariing sabi ni Raven, “I would never betray my sister, for the sake of my being naughty, ginagawa ko ito para sa atin, please I beg of you alalahanin mo ako” ang pagsusumamo niya.
   
Paolo shook his head, napakahirap paniwalaan ng sinabi nito, gustuhin man niyang paniwalaan pero, napakahirap nito.
    
“I can’t Raven, hindi ko kayang paniwalaan ang mga sinasabi mo” ang sagot ni Paolo while he shook his head.
    
Bumagsak ang mga balikat ni Raven, she can’t believe, this is happening, ang sabi niya sa sarili. Magsasalita sana siya nang may kumatok sa pinto.
    
“Excuse me”, ang sabi sa kanya ni Paolo, para buksan ang pinto. Pagbukas ni Paolo, ay napabuntong-hininga siya. It was Drake, smiling widely and gave him a questioning look. Then his eyes fell on Raven.
    
“Well, well, what do we have here” ang sabi nito habang nakatingin kay Raven.
    

Till Another Dawn [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon