Chapter 12

2.6K 99 2
                                    

"I'm not going " yan ang sinabi niya. She was so strong willed, na hindi siya sasama. Then what the hell is she doing here? Ang tanong niya sa sarili habang inilalabas niya ang mga gamit niya sa kanyang overnight bag.

She sighed, wala talaga siyang balak na sumama, first she was busy, malapit na kasi ang peak season nila which is valentines day. Marami ang bumibili ng mga sexy lingeries at mga panregalo like perfumes and colognes. And ang ibang adventurous, kinky sex toys.

May mga bulk of deliveries siyang paparating this weekend, and as much as possible gusto niya na siya ang maghahandle ng lahat.

And ang second reason niya ay si Drake. Yes, the sexy man Drake, na nawawala ang mga perspectives niya sa buhay, at iyun ay ang makuha si Paolo sa kapatid at di matuloy ang kasal. Nagimbal ng husto ang buhay niya ng dumating ang mala diyos na si Drake sa buhay niya.

Pinilit na siya ng kapatid at mommy niya habang nasa shop pa ang mga ito, pero naging matigas ang desisyon niya na huwag sumama. Mas lalo na siguro kung si Drake ang nagyaya sa kanya, ay isang matigas na NO ang isasagot niya, at kahit pa kaladkarin siya ay hindi siya sasama.

Pero bakit nga ba siya narito ngayon? Dahil kay Paolo. Kinausap siguro ito ng kanyang kapatid na kausapin siya at kumbinsihin siyang sumama. Naalala pa niya ang pag-uusap nila sa shop. Pauwi na siya noon at nauna ng umuwi sina Rhina at kanyang mommy.

"Raven can we talk?" ang tanong nito sa kanya.

"What? Do you remember me now?" ang umaasang tanong ni Raven.

Paolo sighed and shook his head, "please, I want to apologise kung anuman ang nasabi ko kanina, kung iyun man ang dahilan ng hindi mo pagsama sa amin sa resort ni Drake"

"Kinausap ka ba ni Rhina na kumbinsihin ako?" ang tanong niya.

"Ahm, hindi na importante kung kinausap ako ni Rhina o hindi, ang mahalaga ay ang pagsama mo sa resort, alang-alang na lang kay Rhina, na matagal kayong hindi nakasama" ang sagot ni Paolo.

Hindi mo lang alam na hindi ko isinaalang - alang ang kapakanan ni Rhina, makuha lang kita sa kanya at matuloy ang pag-iibigan natin. Ang gustong sabihin ni Raven.

"At heto na nga siya ngayon sa hotel room at nag-aayos ng mga gamit. Drake wanted them to relax for a while sa kanilang mga hotel rooms. Si mommy at daddy niya, si Paolo at Rhina, at siya na mag-isa lang sa kanyang kwarto.

Sumilip siya sa bintana at tanaw niya ang magandang view ng beach, hindi masyadong mainit ang araw, kaya nagdesisyun si Raven na bumaba na lang sa beach, at mahiga sa lounger.

Maya - maya ay tumunog ang phone sa kanyang kwarto, sa ikatlong ring ay sinagot niya ang tawag.

"Yes?" ang sagot ni Raven.

"Hi Raven, nakapahinga ka na ba?" ang tanong sa kanya ni Drake sa kabilang linya. And in an instant, her pulse beats faster. Fuck! Kaya nga ayaw niya na sumama rito, dahil sa kakaibang dating ng lalaking ito sa kanya.

"Oo, why?" ang balik tanong niya.

"Nagpahanda ako ng meryenda sa poolside, I already called everyone to be there, you can wear you swimsuit if you want so you could go for a swim on the pool or at the beach" ang sagot nito sa kanya.

"Okey, I really wanted to use the lounger at the beach, pero pupunta muna ako sa poolside, thanks for the invitation" ang sabi ni Raven.

"I can't wait to see you, especially if your only clad with a two piece of clothing" ang mahinang sabi nito sa kanya na nagpatayo ng kanyang balahibo. And it never fails, her nipples tighten and followed by the throbbing between her tighs.

Mabilis niyang ibinaba ang telepono, for the first time, nag dalawang isip siya na mag suot ng swimsuit, dinala pa naman niya ang dalawa sa pinaka skimpy niyang bikini para maakit niya si Paolo.

"Fuck!" ang bulong niya, sabay kuha ng kanyang swimsuit sa bag at hinubad na niya ang damit.


She always wanted to make a grand entrance, kaya thirty minutes after the call, ay saka pa lang siya bumaba. Or yun ba talaga ang dahilan? Hindi kasi niya alam kung bakit, sa nakaramdam siya ng kaba. She was never like this before, Sanay siyang tingnan ng iba't ibang lalaki at makipag flirt sa mga ito, without even breaking a sweat.

Hindi kaya isang god si Drake, na nag-anyong tao para itest siya? Susubukin kaya siya nito kung talagang mahal niya si Reuben. Oo, marahil nga! She was a sorcerer before, baka kaya siya attracted kay Drake ay dahil sa may kapangyarihan din ito? Baka si Drake ay isang pagsubok na kailangan niyang malagpasan.

O talagang isa lang itong simpleng tao, and his only powers was his being rich, sexy, and handsome.

Naglakad na siya papalapit sa lamesa na inihanda para sa kanila, and as expected, kumpleto na sila roon. She wore a two piece bikini, na thongs ang bikini bottom. Nagsuot lang siya ng maiksing kimono robe, as her wrapper.

Pagkakita sa kanya ni Drake, agad itong tumayo para hilahin ang isang upuan sa tabi nito para makaupo siya. Ayaw sanang tumabi ni Raven dito, kaya lang sakto lang ang upuan para sa kanila. Kaya wala siyang nagawa kundi ang maupo sa tabi nito.

"I was going to go come up to your room to get you" ang sabi ni Drake sa kanya, na hindi man lang itinago ng mga mata nito ang paghanga sa kanya.

"Nahiga lang muna ako sandali, medyo napagod ako sa biyahe" ang pagsisinungaling ni Raven.

"Can I get you anything?" ang tanong sa kanya ni Drake.

"I'll have an iced tea please" ang sagot ni Raven, then she watched Drake put some ice in her glass and pour iced tea in it.

"Thank you" ang mahinang sabi ni Raven, and she immediately sipped her glass of iced tea.

"Do you want to eat anything, sandwich, fruits, salad?" ang muling tanong ni Drake sa kanya, at ipinagtataka ni Raven ang pag-aasikaso nito sa kanya.

"I'll have a slice of watermelon please" ang sabi naman niya, at medyo natutuwa siya sa pag aasikaso sa kanya ni Drake.

Paolo was watching them, panay ang asikaso ng kanyang kaibigan kay Raven. Talaga bang umaarteng magaling na hosts ang kaibigan o may iba itong intensyon sa kapatid ng nobya?

Pero hindi na siya dapat pang makialam doon hindi ba? Ang tanong ni Paolo sa sarili habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Raven, Drake was very gracious to invite us on an island hopping, ipapakita niya sa atin kung saan itatayo yung isa pang private resort sa isa sa mga isla" ang excited na sabi ni Rhina sa kanya.

Raven was definitely not a beach person, mas gusto niya ang mga scenic views ng mountains, cliffs, at castles.

"Alam mo namang hindi ako mahilig sa tubig Rhina, much more sa motor boat, I'll stay here and work on my tan, kanina ko pa gustong mahiga sa isa sa mga lounger sa tabi ng dagat" ang sagot ni Raven.

"I'll pass also, dun na muna ako sa hotel room, may tatapusin pa ako na kulang sa plano" ang sagot din mo Paolo.

"Hindi ba sinabi ko sa iyo na iwan mo muna ang trabaho sa Manila?" ang sabi ni Drake sa kaibigan.

"I'm sorry I couldn't help it, lalo na kapag hindi pa ako satisfy sa outcome" ang sabi ni Paolo.

Para namang pumalakpak ang mga tenga ni Raven nang marinig na maiiwan sila ni Paolo sa hotel. This must be her chance, baka dahil sa magandang atmosphere ng sands and seas, ay mabihag na niyang muli si Paolo, ang excited na sabi ni Raven sa sarili.

Drake looked at Raven then at Paolo, surely there's nothing going on between the two, ang sabi ni Drake sa sarili. He didn't want to doubt the loyalty of his friend on her fiancée.
"
Oh sis, sumama ka na, please" ang pamimilit sa kanya ni Rhina.

"I'm sorry Rhina, but that won't work right now" ang tugon ni Raven sa pamimilit ni Rhina, "I'm not really into boat rides and island hopping, don't worry, I'll wait patiently for all of you, while I lie and stretched myself on a lounger.

Nakita niyang napabuntong-hininga na lang ang kapatid, nang di siya nito napilit.

"So, is everyone ready?" ang tanong ni Drake, "our ride is already waiting at the beach" ang dugtong pa nito.

Nagtayuan na silang lahat, para pumunta sa dalampasigan. Kahit si Paolo ay inihatid muna sina Rhina at tiningnan ang pag-alis ng mga ito.

Si Raven naman ay dumiretso sa longer, inalis ang suot na wrapper, kaya tumambad ang maganda nitong katawan na tanging isang pares lang ng kapiranggot na tela ang nagtatakip sa kanyang kasalanan.

Nang makita niyang papalayo na ang motorboat at naglalakad na pabalik si Paolo sa hotel, ay agad niya itong tinawag.

"Ahm, Paolo, would you be a dear? I need your help for a moment" ang malambing niyang sabi rito.

Nang makita siya ni Paolo, ay napahinto muna ito sa paglalakad, halos lumuwa na kasi ang mga dibdib niya sa suot na bikini top, na maliit na hugis triangle lang ang nagtatakip sa kanyang nipples. Habang ang bikini bottom naman niya ay maliit na hugis triangle din ang nagtatakip ng kanyang harapan, at pagtalikod niya ay halos kita na lahat ang pisngi ng kanyang pwitan.

Paolo closed his eyes for a moment at napabuntong-hininga siya, damn, ano na naman ba ito? Ang sabi niya sa sarili. Ayaw man ay napilitan siyang lumapit kay Raven, habang umiwas ang kanyang mga mata rito.

"What is it?" he asked brusquely habang nakapamewang siya sa harapan ni Raven.

"Will you please put some sunblock on my back? I always wear backless dresses, so hindi pwedeng masunog ang likod ko" ang sagot ni Raven, nakangiti ng matamis kay Paolo.

Napapikit ang mga mata ni Paolo, halata ang pagkairita sa mukha nito, gusto sana nitong tanggihan pero hindi ba at pinilit niya itong sumama rito, dahil sa kahilingan ni Rhina?

Inagaw nito ang bote ng sunblock sa mga nakaabot na kamay ni Raven, hinintay niyang pumwesto ng nakadapa si Raven sa lounger bago ito, lumapit at naupo sa bandang paanan ni Raven.

"Oh, pwede mo bang hilahin ang tali ng top ko?" ang pakiusap pa ni Raven sa kanya.

Paolo gritted his teeth, he exhaled soundly, saka hinila ang tali ng top ni Raven para maalis iyun.

"Thanks" ang sabi ni Raven habang nakadapa at nakaunan ang ulo niya sa kanyang mga braso.

Paolo poured a generous amount of sunblock sa likod ni Raven, then he spread them on her whole back with his hands. He never thought that Ravens skin was so soft, the moment he touched them, he was mesmerised with her softness.

Ang mabigat niyang mga kamay na nagpapahid ng lotion sa likod ni Raven ay naging magaan, at hindi niya namalayan na umaabot na ang kanyang kamay hanggang sa tagiliran nito, at nadampian na ng kanyang mga daliri ang gilid ng dibdib ni Raven.

Raven felt Paolo's heavy hands relaxed on her back, habang hinahagod nito ang kanyang likod. At nang maramdaman niyang bumaba na ang mga kamay ni Paolo sa kanyang tagiliran at nadampian na ang gilid ng kanyang mga dibdib, ay isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.

Kaunti na lang at makukuha na niya si Paolo, ang sabi niya sa sarili. Nang biglang tumigil si Paolo at bigla itong tumayo.

He cleared his throat, "nalagyan ko na ang likod mo, maiwan na kita" ang mabilis na sabi ni Paolo kay Raven, saka ito mabilis na naglakad pabalik ng hotel.

Naupo si Raven, mula sa kanyang pagkakadapa, inayos niya ang suot na bikini. Ni hindi na niya isinuot pa ang wrapper sa katawan, dinampot niya ito at tumayo, para sumunod kay Paolo.

Hindi na niya palalagpasin pa ang pagkakataon na ito, ang sabi ni Raven sa sarili. Lalo pa at mukhang unti - unti na niyang nababasag ang pader na itinayo ni Paolo para sa kanya.

Till Another Dawn [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon