Chapter 16

2.5K 112 6
                                    

“How do you want to looked ba?” ang tanong ni Raven sa kanyang ate, habang nasa loob sila ng isang kilalang bilihan ng gown may custom made at ready to wear dresses, na pwedeng pagpiliian.
    
“I want to be classy and virginal” ang sagot ng kapatid.
    
Raven snorted at napakunod pa siya ng noo, “what’s with the virginal? Ano ka ba? Mag fifirst communion?” ang iritadong tanong ni Raven.
    
“Ayoko ng masyadong nagpapakita ng skin” ang sagot ng kapatid.
    
“Eh bakit hindi na lang yung suot ng mga madre ang isuot mo?” ang asar niyang tanong.
    
“Naiinip ka na ba?” ang tanong ni Rhina sa kanya.
    
Raven sighed, kahit kailan ay hindi nagalit sa kanya ang kapatid, “hindi naman, gusto ko lang na makapili tayo ng gown na gusto mo talaga, yung kapag isinuot mo, maiiyak ka dahil iba yung pakiramdam mo” ang sagot ni Raven, na ganun ang nadarama ng mga sandali na iyun, gusto na niyang maiyak, dahil tuluyan nang mawawala si Paolo sa kanya.
    
“I’ll pick five dresses for you, then isukat mo, kung magpapatahi pa kasi tayo baka hindi umabot sa wedding day ninyo, which is less than a month na” ang sabi ni Raven.
    
“Alright, thank you Raven, I love you talaga” ang sabi ni Rhina sa kanya habang yakap siya nito ng mahigpit.
    
“Sige na sige na, baka umiyak ka pa dito” ang natatawang sabi ni Raven.
    
Agad na namili si Raven ng gown para sa kapatid na, tulad nga ng sinabi nito, classy yet not virginal! Blah! As if naman na virgin pa ito?! Ang sabi ni Raven sa sarili, hindi ba siya ang dapat magsuot ng virginal na gown?
    
Pagkatapos makapamili ay ipinasukat na niya ang gowns sa kapatid, at hindi na siya nagulat kung sa lima ang napili nito, ay ang romantic neckline, off shouldered, long stain ruched ball gown.
    
Kitang-kita ang tuwa sa mukha ng kapatid. Hindi ito ang conservative type na gusto ng kapatid, dahil kita ng kaunti ang itaas na parte ng dibdib nito pero, nagustuhan ito ng husto ni Rhina.
    
Kita sa mukha nito ang walang pagsidlan na tuwa, pero siya? Hindi niya mapigilan na may mamuong luha sa kanyang mga mata. Sumakit din ang kanyang lalamunan, dahil sa pagpigil niya sa emosyon na nararamdaman niya sa kanyang dibdib.
    
Hindi na matutuloy ang kanyang, happily ever after, dahil ang mismong prince charming niya, ay ipinagtulakan siya papalayo, at literal na itunulak siya papalayo.
   
“Raven, I love it! This is it, this is the one!” ang masaya at naluluhang sabi ni Rhina.
    
Raven blinked back her tears, “sabi sa iyo, pa virginal – virginal ka pang nalalaman” ang biro niya sa ate.
    
“Thanks Raven, maaasahan kitang talaga” ang sabi nito na nagpakurot sa kanyang puso.
  
    
Paolo was waiting at the hotel’s lobby nang dumating sila, halos patakbong lumapit si Rhina sa nobyo, at sinalubong niya ng halik ito.
    
Nagkatinginan naman sina Paolo at Raven, at tumango lang si Raven dito, bilang pagbati, saka na siya umiwas sa dalawa.
    
“Rhina, mauna na ako sa boutique, ako na ang magtatabi muna nitong gown mo, sunod ka na lang” ang sabi ni Raven sa kapatid.
    
“Thanks again Raven” ang sabi nito sa kanya.
    
Hindi naman malaman ni Paolo kung bakit, parang masakit sa kanya ngayon, na umiiwas sa kanya si Raven. Hindi ba dapat ay masaya na nga siya? Hindi ba at ganun ang gusto niya? Ang sabi niya sa sarili.

    
Malapit nang magsara ang kanilang shop nang makita niya na papasok sa loob si Drake.
    
“Hi” ang bati niya kay Drake.
    
“Magsasara ka na ba?” ang tanong ni Drake sa kanya.
    
“A few more minutes, why?” ang balik tanong niya.
    
“I need a gift for a friend” ang sagot ni Drake.
    
Hindi alam ni Raven, kung bakit nakaramdam siya ng selos nang marinig na kailangan nito ng panregalo sa isang babae.
    
“Ahm, do you have anything in mind?” ang tanong niya rito.
    
“I don’t have any idea, but it’s for a dinner date, then maybe” then he drifted off, at nagkibit balikat na lang, na tila ba ang gustong ipahiwatig nito ay pagkatapos nila mag dinner ay sa kama ang ending nila ng babae. So ano naman ang pakialam ko dun? Ang inis na sabi niya sa sarili.
    
“Ahm, maybe a sexy lingerie will suffice? Is she on the sexy side?” ang tanong niya, pero hindi niya ipinalabas na interisado siyang malaman.
    
“Definitely SEXY” ang mariing sagot nito.
    
“I suggest the teddy” ang sagot ni Raven at itinuro niya ito sa isang aisle, agad naman na sumunod sa kanya si Drake.
    
Kinuha niya ang isang nakahanger na bluish gray, floral lace teddy, with half cup bra design.
   
Napasipol si Drake nang makita ang sexy lingerie, he held the delicate fabric in his big hands, at halos di makahinga si Raven nang makita niyang haplusin ni Drake ang lace nito.
    
“Would you wear something like this” ang mahinang tanong ni Drake.
    
Raven swallowed hard, “I prefer something more sexier” ang halos paos na sagot niya.
    
Drake looked at him, “I’d like to see that” ang halos pabulong na sagot nito.
    
Raven cleared her throat, and she laughed nervously, “so are you going to take it?”
    
“Definitely yes” ang sagot ni Drake.
    
“I’ll wrapped it for you” ang sagot ni Raven, dinala niya ang teddy sa counter, at siya mismo ang nag balot sa isang tissue black tissue wrapper, saka niya inilagay sa signature bag ng Naughty.
    
“Cash or card?” tanong niya.
    
“Card” ang sagot ni Drake sabay abot ng kanyang card kay Raven.
    
Nang matapos na ang transaction, ay hindi pa umalis si Drake at nanatiling nakatayo sa harapan niya.
    
“Yes, anything else?” ang tanong niya.
    
“Your answer about my proposal?”
    
Napangiti si Raven, “oo, tatanggapin ko na ang business proposal mo, and my manufacturer assured me na kakayanin nila ang production” ang sagot ni Raven.
    
“Then, kailangan na natin na magcontract signing” ang masayang sagot ni Drake sa kanya.
    
“Sure, just give me the contract so I can review it” ang sagot ni Raven.
    
“Yes, of course” ang sagot muli ni Drake. Akala ni Raven na tapos na ang usapan nila pero hindi pa rin ito umalis.
    
“Anything else you want to tell me?” ang tanong niya.
    
“Can I ask you for a date?”
    

    

Till Another Dawn [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon