Chapter 29

2.9K 92 3
                                    

Raven marched her way pagpasok niya sa bahay ng kanyang mga magulang. Umaga ng magpunta si Raven, para kausapin ang kapatid, hinayaan niya munang humupa ang unang bugso ng emosyon nito.
    
Pagkatapos niyang magdesisyun na ayusin na muna ang lahat kagabi sa pagitan ng kapatid, wala na siyang iba pang plano mula doon. Ang gusto niya muna ay magkaayos sila nito at iyun ang importante sa kanya.
    
Sumagi rin sa isip niya ang magpakalayo na muna, pero may kontrata siyang pinirmahan kay Drake, kailangan niya itong makausap para putulin na kontrata nila. Ayaw niyang, sa tuwing makikita niya si Drake ay madudurog ang puso niya, dahil sa sakit na idinulot niya rito. Plano niya na lumayo na muna. Maybe magtrabaho abroad? She didn’t know, pero iyun na muna ang balak niyang gawin. Kailangan niyang hilumin ang sarili.
    
“O Raven, bakit bigla kang napasugod?” ang takang tanong ng mommy niya, na halata ang pag-aalala sa mukha nito.
    
“Where’s ate Rhina?” ang agad na tanong niya.
    
“Tsk, nasa kwarto niya, hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas, hindi ko nga alam kung ano bang problema ng kapatid mo, umuwi kagabi ng umiiyak, hinatid daw siya ni Paolo, ewan, mukhang nag-away yata. Huh, hindi kaya may ibang babae si Paolo?” ang sabi ng kanyang mommy.
    
Umiwas ng tingin si Raven sa kanyang mommy, kung gayon hindi pa nagsabi si Rhina ng tungkol sa mga nangyari, “sige mommy, pupuntahan ko lang siya sa kwarto niya.”
    
“Dalhan mo na rin ng pagkain, at hindi pa nag-aalmusal iyun” ang sabi ng mommy niya.
    
Nag-alangan pa si Raven, dahil baka sa galit ng kapatid niya ay ihagis nito ang dalang pagkain sa kanya, pero para sa kapatid, sa ikaaayos nila, handa siyang masampal ng plato, kung makababawas ito sa galit na nadarama para sa kanya.
    
“Sige mommy, akin na, akin na rin ang susi sa kwarto para mabuksan ko” ang hiling nito sa mommy niya.
    
Hinintay ni Raven ang mommy niya, pagbalik nito ay may dala na itong tray na may lamang isang tasa ng mainit na kape, at mainit na tinapay at butter.
    
Bitbit ang tray ay umakyat siya sa itaas ng bahay, huminga muna siya ng malalim. Saka niya isinuot ang susi sa loob ng keyhole, at pinihit iyun. Mabilis niyang binuksan ang pinto, para makapasok siya agad.
    
Naabutan niya si Rhina na nakahiga at nakafetal position sa ibabaw ng kama. Nang makita siya nito ay mabilis itong bumangon at napaupo.
    
“Anong ginagawa mo rito?” ang galit pero mahina na tanong ni Rhina sa kanya. Ayaw nila na marinig sila ng kanyang mommy sa ibaba, hanggat maaari ang pagtatalo nila ay sa kanila lang na dalawa.
    
Inilapag ni Raven ang tray sa isang lamesita, “nag-aalala si mommy sa iyo, hindi ka pa raw kumakain”
    
“Hindi yata ako mahal ni mommy, bakit ipinadala niya ang pagkain ko sa isang demonyitang katulad mo, nilagyan mo na rin ba ng lason ang pagkain ko? Hindi mo na kailangan, dahil ako na mismo ang papatay sa sarili ko” ang sagot ni Rhina sa kanya.
    
“Please Rhina, huwag mong sabihin iyan, pwede mo ba muna akong kausapin, o kahit pakinggan mo lang, yun lang ang hinihiling ko sa iyo, alam ko, hindi mo na dapat pa akong pagbigyan sa kabila ng mga ginawa ko sa iyo, pero, please, alam ko mabuti kang tao, kaya nagmamakaawa ako sa iyo, na pakinggan mo ako Rhina, pagkatapos mo akong pakinggan hindi mo na ako makikitang muli, pangako” ang pagmamakaawa niya sa kapatid. Lumuhod pa siya sa paanan ng kama at nagmakaawa sa kapatid.
    
Hindi sumagot si Rhina, nanatili lang itong nakaupo sa kama pero iniwas nito ang mga mata sa kanya. Doon na kinuha ni Raven ang pagkakataon, naupo siya sa dulo ng paanan ng kama.
    
“Alam ko kapag sinabi ko sa iyo ang aking kwento" napabuntong - hininga siya, "hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako o sasabihan mo akong baliw, gayunpaman, hayaan mo akong ipagtapat ang katauhan ko” ang pakiusap niya sa kapatid. Nanatili lang na tahimik si Rhina, hindi ito kumibo ni tiningnan man lang siya. Pero nagsimula na si Raven na ikwento ang kanyang nakaraan at ang mga nangyari sa kanya. Alam niyang suntok sa buwan ang ginawa niyang iyun, dahil, sino nga ba ang maniniwala sa kanya?
   
Pero habang nagkukwento si Raven ay napansin niyang unti-unti niyang nakukuha ang atensyon ng kapatid. Pero hindi ito nagsalita at hindi rin nakitaan ni Raven ng emosyon ang mukha nito.
    
Hanggang sa matapos na siyang magkwento, ay nanatili itong tahimik at gayundin siya. Hinintay niyang rumehistro sa isip ni Rhina ang mga sinabi niya.
    
“Rhina?” ang tanong niya sa kapatid.
    
“Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang kwento na iyan, hindi ko alam na writer ka rin pala,” ang sagot ni Rhina sa kanya.
    
“Alam mong hindi ko imbento ang mga sinabi ko Rhina, maliliit pa lang tayo, mga bata pa lang tayo ay paunti unti ko ng ikinuwento sa iyo ang tungkol sa akin, dinadaan ko sa mga laro at biro, pero syempre, sinong mag-aakala na totoo ang sinasabi ko, sa panahon ngayon? Wala ng naniniwala sa rebirth,” ang malungkot na sabi ni Raven.
    
“Dahil mahirap paniwalaan,” ang giit ni Rhina.
    
“Ano ba ang nagsasabi sa iyo niyan Rhina, ang isip mo? O ang puso mo?”
    
Hindi sumagot si Rhina, at umiwas lang ito ng tingin sa kanya. Bumagsak naman ang mga balikat niya, saka siya napabuntong-hininga.
    
“Nagbakasakali lang talaga ako Rhina, na kapag sinabi ko ang totoo ay paniniwalaan mo ako, kilala mo ako Rhina, kahit kailan hindi ako nagsinungaling sa iyo, pilya oo pero sinungaling hindi, oo niloko kita, dahil sa gusto kong makuha ang lalaking, dahilan kung bakit ako nabuhay muli sa kasalukuyang panahon, at pinagsisisihan ko na iyun, siguro, kaya siya namatay sa past, ay dahil, hindi talaga kami sa isa’t isa, at pinipilit ko lang” ang sabi ni Raven.
    
“Alam ko hindi mo pa ako kayang patawarin Rhina, pero sana, sa hinaharap ay dumating ang panahon na mapatawad mo ako, hindi na ako, magpapakita pang muli sa iyo gaya ng kahilingan mo, pero bago ako umalis ay sinabi ko muna sa iyo ANG TOTOO, nasa mga kamay mo na kung maniniwala ka o hindi, salamat sa pagiging mabuting kapatid Rhina, kahit pa hindi ako karapat-dapat na maging kapatid mo, dahil napaka busilak ng puso mo Rhina” ang sabi ni Raven, dahan-dahan siyang tumayo at tumalikod na siya para lumabas ng kwarto pero natigilan siya ng tawagin ni Rhina ang kanyang pangalan. Bigla siyang lumingon at hinarap ang kapatid.
    
Isang tawang pagak ang lumabas sa mga bibig ni Rhina, at napailing ito. “Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako pero, hindi, hindi ko alam kung bakit naniniwala ako sa sinabi mo,” ang sabi ni Rhina.
    
Mabilis na lumapit si Raven sa kapatid at niyakap niya ito, maya-maya pa ay naramdaman niya ang mga braso nito na mahigpit ding yumakap sa kanya. Hindi na nila namalayan na pareho na silang lumuluha.
    
“Pinapatawad mo na ba ako?” ang umaasang tanong ni Raven.
    
Napabuntong-hininga si Rhina at tumangu-tango ito, “kahit kailan ay hindi ko nagawang magalit sa iyo, sorry sa mga nasabi ko Raven.”
    
Umiling si Raven, “I deserved every words that you said to me Rhina” ang sagot niya.
    
“Sige na, puntahan mo na si Paolo, you deserved each other, kung matagal na kayong naghintay para sa happily ever after ninyo, ako na ang bahala na magpaliwanag sa lahat,” ang sabi ni Rhina.
    
Hindi makapaniwala si Raven sa narinig, isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa kapatid.
    
“I love you Rhina”
    
“I love you Raven”.
***
   
Ilang sandali pa siyang naghintay sa harap pinto ng hotel room ni Paolo, lumipat na ito sa ibang hotel, dahil sa nahiya na rin ito kay Drake, dahil sa mga nangyari. Tinawagan niya ito para sabihin na darating siya.
    
Pagbukas ni Paolo ng pinto ay napansin ni Raven na mukha rin itong miserable. Isang ngiti ang ibinati niya rito.
    
“Pwede ba tayong mag-usap?” ang tanong niya rito.
    
“Of course,” ang matipid na sagot ni Paolo, bago pumasok ay niyakap niya ng mahigpit si Paolo, now everything is going to be right, ang sabi niya sa sarili, saka pumasok sa loob si Raven.

Till Another Dawn [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon