“Pagod ka na ba?” ang tanong sa kanya ni Paolo, at tumabi ito sa kanya. Nakaupo silang pareho sa mga batuhan, at nakatanaw sa bagong tayong paaralan.
“Oo, pero its worth it” ang nakangiting sagot ni Raven kay Paolo. Saglit na nawala ang awkward na mga sandali sa kanila. Ilang oras na rin na wala si Drake, hindi pa ito bumabalik at ni hindi pa tumawag o nag text sa kanya.
“Wala pa rin si Drake, nagsabi ba siya sa iyo kung babalik pa siya?” ang tanong ni Paolo.
Muling tiningnan ni Raven ang kanyang phone, she shook her head, “no wala pa akong na receive na tawag or text mula rito” ang sagot niya.
“Magdidilim na” ang sagot ni Paolo at tiningnan nito ang suot na relo.
“Kaya nga, baka naging masyado itong busy” ang sagot ni Raven, “I think I better call him” ang sabi ni Raven. Raven made the call, naka ilang tawag siya dahil sa busy ang phone nito. May kausap siguro itong importante sa kabilang linya she thought.
Sa pang apat na tawag ay pumasok ang tawag niya, sa panglimang ring ay sinagot ni Drake ang tawag.
“Raven, I’m so sorry, kung hindi ako agad makabalik, may problema kasi rito sa resort, then after na masolve ay may emergency naman ako sa Manila, I have to get back soon. Pasakay na ako sa kotse para sunduin kita diyan, then magstay ka muna dito sa resort ako na muna ang babalik sa Manila” ang sabi ni Drake.
Raven sighed, kahit may emergency siya pa rin ang iniisip nito, she’s not a selfish bitch anymore.
“No I’ll be fine Drake, kung may emergency sa Manila, magmadali ka ng bumalik, nandito naman si Paolo, sasabay na lang ako sa kanya” ang pagbibigay niya ng kasiguruhan kay Drake.
Napansin niya na hindi sumagot si Drake, narealized ni Raven na baka iniisip nito na kasama niya si Paolo at may pagtingin pa siya rito.
“Trust me Drake, I’ll be fine, I’ll wait for you when you came back for me diyan sa resort” ang muli niyang sagot.
Drake sighed, “alright, wait for me okey?”
“I will ingat sa pagmamaneho” ang bilin niya pa rito bago niya tinapos ang usapan nila sa phone.
“So?” ang tanong sa kanya ni Paolo.
“Hindi na siya makakabalik dito, may kailangan siyang asikasuhin sa Manila, kailangan niyang bumalik agad, he wanted us to stay na muna sa resort at wait for him dahil babalik din siya” ang paliwanag ni Raven.
Paolo slowly nodded, “nagmamadali ka na bang bumalik sa resort?” ang tanong ni Paolo.
Umiling si Raven, “no why?”
“I’m going to show you something” ang sabi sa kanya ni Paolo, sabay tayo nito. Iniabot nito ang kamay sa kanya para alalayan siyang tumayo.
Inabot iyun ni Raven, hinila siya nito patayo, pero nakatayo na siya ay di nito binitiwan ang kanyang kamay. Raven looked at their hands. Dati siguro, baka nagtatatalon na siya sa tuwa at magkahawak ngayon ang mga kamay nila. But for some reason, she felt wrong.
She swallowed at marahan niyang hinila ang kanyang kamay sa pagkakahawak ni Paolo.
“Saan naman tayo pupunta?” ang tanong niya, at pilit niyang inalis ang ilang na nararamdaman.
“Surpresa yun, pero pangako magustuhan mo” ang nakangiting sagot sa kanya ni Paolo, at simula ng magpunta sila doon, ay noon lang nakita ni Raven na ngumiti si Paolo.
“Alright, I think I have to trust you” ang sagot ni Raven, at sumakay na siya sa paglalakad kay Paolo. Tahimik silang naglakad, patunho6sa mapunong bahagi ng lugar.
Ilang sandali pa ay napansin na ni Raven na pataas na ang daan na tinatahak nila.
“Pagod na?” ang natatawang tanong sa kanya ni Paolo, huminto rin ito ng huminto muna siya sandali sa paglalakad.
Hindi siya sanay sa hiking, kung sa dating panahon sana, lumipad na siya pataas. Tanging ngiti na lang ang naisagot niya kay Paolo, naghahabol na rin kasi siya ng hininga.
“Tell me, kung kaya mo pa” ang sabi nito sa kanya.
“Why? Babalik na tayo?” ang hinihingal na tanong ni Raven.
Paolo shook his head, “no, I’m going to carry you”.
Raven smiled at him and she shook her head, hindi niya alam kung nakikipag flirt sa kanya si Paolo. Hindi kaya bumabalik na ang memory nito? Ang memory ni Reuben?
Her heart started to beat fast, hindi naman iyun impossible na mangyari, dahil alam niyang si Reuben ay si Paolo.
“Hindi mo na kailangan na gawin iyun” ang sagot niya at nagkunwaring natawa siya, para itago ang nerbiyos niya. He looked so handsome, ang sabi niya sa sarili, her Reuben.
Naglakad na ulit siya paakyat, but this time, Paolo held her hand, at inalalayan siya nito paakyat at medyo matarik na ang daan. Mabuti na lang at naisipan niyang magsuot ng rubber shoes, ang sabi ni Raven sa sarili.
“Malayo pa ba?” ang tanong niya kay Paolo, she was amazed with his stamina, parang hindi ito napapagod. Well, of course, siya si Reuben, ang pinakamagaling niyang warrior.
“We’re almost there, ilang hakbang na lang don’t worry, it would be worth it” ang sagot ni Paolo.
Totoo nga ang sinabi ni Paolo, ilang hakbang na nga lang ay tumambad na sa kanila ang magandang view mula sa tuktok ng mga ng matarik na dalisdis. At tanaw na tanaw nila ang malawak na asul na dagat.
“Wow” ang sabi ni Raven.
“I told you” ang sabi sa kanya ni Paolo, “Drake discovered this place and he was instantly attracted with the place, at nang ipakita niya ito sa akin, the place reminded us of the cliff na malapit sa”-
“Mo Shiorghra Castle” ang sambit ni Raven, oo it reminded her of the cliff kung saan niya inalay ang sariling buhay para sa kanila ni Reuben.
Naglakad palapit sa kanya si Paolo, at tumayo ito sa kanyang tabi. Hindi napansin ni Raven na may pumatak na isang luha sa kanyang mata.
“Did we ever do this before? I mean in the past?” ang biglang tanong ni Paolo sa kanya.
Bigla siyang napatingin kay Paolo, nagtatanong ang kanyang mga mata, “may naalala ka na ba?” ang tanong niya.
Napabuntong-hininga si Paolo at umiling ito, gustuhin man niyang sabihin kay Raven na meron, pero, blangko talaga ang isip niya. Gusto niyang maniwala, he was trying.
Muling tinanaw ni Raven ang malawak na dagat, “oo madalas tayong tumayo sa dulo ng dalisdis, pinapanuod natin ang paglubog ng araw” ang malungkot na sagot niya.
She turned her head to look at him, at nagtama ang kanilang mga mata, then suddenly, Paolo held the back of her neck and he dipped his head to meld his lips with hers.
Raven closed her eyes, feel something! She yelled at herself, nangyayari na ito, hinahalikan na siya ni Paolo, ni Reuben. Pero bakit? Bakit wala siyang nadarama? Ang sigaw ng isipan ni Raven. Dahil ba sa ito ay mali? Ang tanong niya sa sarili.
Dahil kay Drake? Nang dahil kay Drake ay nag-iba ang mga plano niya na maakit ang fiance ng kapatid. Nang dahil kay Drake, nagkaroon siya ng konsiyensya. Nang dahil kay Drake, nagkaroon ng puso si Raven.
She quickly pulled her lips away from that kiss, she shook her head, she fell in love, not with Reuben or Paolo. But with Drake.
Drake had shown her, ang tagong katauhan nito, ang mapagmahal at matulungin na tao. And he helped her, in doing a big mistake, at yun ay ang traidurin ang sariling kapatid.
“Siguro kailangan na nating bumalik” ang sabi ni Raven kay Paolo.
“Raven”-
“We need to go back, I wanted to go back, sa Manila” ang sabi ni Raven.
BINABASA MO ANG
Till Another Dawn [Completed]
RomanceSTRICTLY for mature readers only! 18+ SPG NAUGHTY If love can surpass time, will you fight for your love? Or will you give it up for his happiness. Raven was once the evil sorcerer queen Meryn, but when she met Reuben, her fiery heart was tamed by...