“What?” ang takang tanong niya. Hindi niya inaasahan ang tanong nito, dahil sabi nga nito na may kadate na siya.
“I’m asking you for a date” ang sagot ni Drake, na natawa ng kaunti dahil sa reaksyon niya.
“Kailan bukas?” ang tanong niya, hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan.
“Tonight” ang sagot ni Drake. Kumunot ang noo ni Raven, and she gave Drake a disbelief look.
“Akala ko ba may kadate ka ngayon, kaya ka nga bumili ng panregalo?” ang takang tanong niya.
“Oo, at ikaw nga iyun” Drake answered with a mischievous smile on his lips.
“So you thought na papayag ako agad kapag inalok mo ako ng date?” ang hindi makapaniwala at iritadong tanong ni Raven.
“Ahh, yes, kasi pumayag ka na sa proposal ko at pag-uusapan na natin ang tungkol sa contract” ang sagot ni Drake.
Raven rolled her eyes, of course papayag siya, dahil tungkol sa contract ang pag-uusapan nila. But her pulse started to beat wildly lalo na nang malaman niya na sa kanya ibibigay ni Drake ang biniling teddy nito kanina? Oh god, o nag-assume lang siya. At kung sa kanya nga nito ibigay, would she wear the teddy, for him? Her thoughts was running wildly in her brain. Oh my god mukhang mabubura na ang virginity niya ngayong gabi!
Raven sighed, “all right what time?”
“Magsasara ka na ba?” ang tanong ni Drake.
“Uh huh” ang sagot niya.
“Just give me your address and I’ll pick you up, at eight?”
“That would be enough time for me” ang sagot ni Raven.
No! That’s definitely not enough time for her! Ngayon lang siya nag panic sa isang date! Halos maubos na niya ang bote ng wine to calm her nerves, at mukhang makikipagdate siya ng lasing dahil sa dami na niya na nainom.
Pero mukhang ang adrenalin niya ay hindi niya mapakalma, she dipped herself on a warm scented bath, to calm her nerves, but still to ko avail.
At ngayon, hindi siya makapag decide kung anong isusuot. She was sorting through her closet ng tumunog ang kanyang cellphone. At halos mapatalon siya sa gulat. Tiningnan niya ang oras, seven pa lang, hindi naman siguro si Drake ito.
At it was not, she sighed with relief nang makita ang pangalan ni Rhina sa screen.
“Yes?” ang bungad na tanong niya sa kapatid.
“Nandito ako sa hotel room ni Paolo” ang sagot ni Rhina.
“Si ano naman ang gagawin ko, kailangan nyo ba ng threesome? I’m sorry pero hindi ako pumapatol sa mga ganyang kakingky na bagay” ang sagot niya sa kapatid.
Natawa ng malakas si Rhina, “ikaw talaga, no, balak naming lumabas para manuod ng sine, gusto ka sana namin yayain, tumanggi rin kasi sa amin si Drake may date raw” ang sagot ni Rhina.
“I’m sorry pero may date rin ako” ang mabilis niyang sagot, na pinagsisihan niya dahil, alam niyang kukulitin siya ng kapatid hangga’t hindi niya sinasabi kung sino ang makakadate niya.
“Oh my God!” ang narinig ni Raven na tili ng kapatid sa kabilang linya at inilayo niya ang phone sa kanyang tenga.
“Sino ang kadate mo, wait, si Drake ba?!” ang kinikilig at malakas na tanong ni Rhina.
Raven sighed, “oo” at isang tili na naman ang narinig niya mula sa kabilang linya, narinig pa niya ang boses ni Paolo, na tinanong ang kapatid kung bakit tumitili ito.
“O sige na hindi na kita aabalahin, huwag mong kalimutan na magkwento sa akin ha!” ang bilin pa ni Rhina.
“I’m sorry Rhina, but I don’t share the details of my love life, much more my sex life” dahil wala naman siya nun, ang sabi ni Raven sa sarili.
“Sige na, at susunduin na ako maya-maya ni Drake, bye” ang pamamaalam niya sa kapatid.
She picked a black corset blouse at isang pencil cut skirt na parehong itim ang kulay. Dark enchantress lang ang peg niya ngayong gabi.
“Fuck” ang tangi niyang naibulong sa kanyang sarili bago mabilis na nagbihis.
“What was that? At ang lapad ng pagkakangiti mo?” ang tanong ni Paolo kay Rhina habang papalabas na sila ng hotel para manuod ng sine.
“Hindi kasi makakasama si Raven” ang nakangiting sagot ni Rhina.
“And you were so happy because of that?” ang natatawang tanong sa kanya ni Paolo. Inakbayan niya si Rhina habang pasakay sila ng elevator.
“Uh huh, dahil mayron siyang KADATE” ang mariing sagot ni Rhina, “and remember, tinanggihan din tayo ni Drake, dahil may kadate rin ito” ang dugtong pa ni Rhina.
Parang nahulog ang mga braso ni Paolo nang marinig ang sinabi ni Rhina, si Drake at Raven? May date? Or is it more than just a date? Ang sunod-sunod na tanong niya sa sarili.
“I knew may something ang dalawang yun!” ang natutuwang sabi ni Rhina.
Hindi na nakasagot pa si Paolo, hindi ba dapat at masaya siya dahil hindi na siya gagambalain ni Raven? Pero ngayon bakit nakadarama siya ng matinding selos sa kaibigan? No! Hindi niya dapat ito maramdaman, ang giit niya sa sarili.
“Baka naman tungkol lang sa business ang date nila Rhina wag mo masyadong haluan ng romantic meaning ang date ng dalawa” ang giit ni Paolo, hindi ba dapat Masaya siya para sa kanilang dalawa? E bakit parang iba ang lumabas sa kanyang bibig. Dahil ba sa kilala niya ang kaibigan na hindi nagseseryoso ng babae at ayaw niyang masaktan si Raven? At ganun na rin si Rhina sa pag-asam nito?
“I can’t helped it, at bakit naman imposible na magkagustuhan ang dalawa? Pareho silang attractive, and it’s very obvious na attracted sila sa isa’t isa, nakita ko ba kung paano asikasuhin ni Drake si Raven sa resort? And pareho silang single, so walang problema” ang sagot ni Rhina. Naglalakad na sila patungo sa parking kung saan naroon ang kotseng pinahiram ni Drake sa kanila.
“Kilala ko si Drake, Rhina” ang sagot ni Paolo, pagkapasok niya sa loob ng driver’s side, “hindi nagseseryoso sa babae si Drake, ayokong masaktan si Raven, I think I have to talk to Drake about this” ang sabi ni Paolo.
Kumunot ang noo ni Rhina, “about what?”
“Kung seryoso ba siya kay Raven o hindi” ang sagot ni Paolo bago pinaandar ang kotse.
BINABASA MO ANG
Till Another Dawn [Completed]
RomansaSTRICTLY for mature readers only! 18+ SPG NAUGHTY If love can surpass time, will you fight for your love? Or will you give it up for his happiness. Raven was once the evil sorcerer queen Meryn, but when she met Reuben, her fiery heart was tamed by...