Chapter 15

2.6K 101 4
                                    

Iniwas niya ang kanyang mga mata kay Drake, at muli siyang tumanaw sa dagat. Dapat ba siyang magalit kay Drake sa pagiging mapang-usisa nito? Ang tanong ng kanyang isipan, habang nakapako pa rin ang kanyang mga mata sa malapad na karagatan at sa banayad na mga alon nito sa dalampasigan, na katulad niya ay tinutukso rin nito ang puting buhangin habang siya, ay ang kasintahan ng kanyang kapatid.
Somehow, she didn’t feel offended by his question. Somehow, she wanted to confide to someone. Isang bagay na matagal niyang inilihim kahit pa sa kanyang ate na malapit sa kanya.
    
Bahagya siyang natawa, “hindi ko alam kung maintindihan mo ako” ang sagot niya saka siya napabuntong-hininga.
    
“Try me” ang hamon ni Drake sa kanya. At nang sumulyap siya rito ay nakita niya ang ngiti sa mga labi nito habang nakatingin ang mga mata nito sa kanya.
    
Umiwas siya ng tingin at muling bumalik ang kanyang atensyon sa dagat at sa banayad na galaw ng tubig nito. Ilang sandali pang namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, nag-aalangan pa rin siyang magsabi kay Drake, dahil, sa panahon ngayon, sino nga naman ang maniniwala sa kwento niya?
    
“It’s just that I have known him from the past" she sighed, "you may think I’m crazy, pero, pangalawang buhay ko na ito, namin ni Paolo, and from the past, we were lovers, pero namatay siya, kaya, then I made a sacrifice para magkita kaming muli, at ituloy ang pag-iibigan namin” ang paliwanag ni Raven not knowing if Drake will buy the truth or laugh at her.

Hinintay niya na matawa o mangutya si Drake, pero nanatiling tahimik lang ito, at nakatanaw din sa malawak na dagat.
    
“So, gagawin mo ba ang lahat para matuloy muli ang love story ninyo, kahit pa, alam mong, fiance na siya ng kapatid mo?” ang tanong ni Drake.
    
“I don’t know, alam ko naman na, alam mo kung anong pinaggagagawa ko para lang mapansin niya, but somehow, hindi pa rin niya ako naalala” ang sagot muli ni Raven.
    
Natawa ng mahina si Raven, “ngayon sabihin mo na kabaliwan ang sinabi ko”
    
Drake shook his head, “no, of course not, believe me, I have travelled the world, and I have seen and heard weirder things than that” ang sagot ni Drake.
    
Raven looked, up to him, their gazes locked, at nakita niya na dahan-dahan na bumababa papalapit ang mukha ni Drake sa kanya, she anticipated the kiss, their lips almost touched nang magring ang buzzer ng pinto ni Drake.
   
Nabigla si Raven, at mabilis niyang iniiwas ang mukha kay Drake, si Drake naman ay napasuklay ang kamay sa mahaba nitong buhok at napabuntong-hininga.
    
“That must be Paolo” he said.
    
“I better be going” ang sagot ni Raven, at sumabay na rin siya kay Drake papunta sa pinto, pero bago pa niya ito buksan ay sinabihan muna siya ni Drake.
    
“About the proposal, sana hindi mo tanggihan” ang sabi ni Drake.
    
“I’m still going to think about it, please?” ang sagot ni Raven.
    
“Of course, but I am hoping for a positive answer, Raven I really wanted for you to be a part of my business, just tell me kung hindi kakayanin ng manufacturer mo ang mag produce ng maramihang products, then maybe, I’ll put my investment para matulungan ito sa production” ang sabi ni Drake.
    
“That sounds wonderful Drake” ang sabi ni Raven, “Thank”-
    
Naputol ang sasabihin niya ng ilang beses na nag buzz ang doorbell ni Drake.
    
“Someone’s impatient outside” ang sabi ni Drake at napailing na lang.
    
Binuksan na ni Drake ang pinto at tumambad sa kanila ang nakasimangot na mukha ni Paolo.

    
Pagkahatid ni Paolo kay Rhina, ay nagpalipas lang siya ng ilang sandali sa kanilang hotel room. Katatapos lang nilang uminom ng wine sa ibaba, but he poured himself a scotch on a highball glass.
    
Naupo siya sa isa sa mga couches na malapit sa glass windows, at iniinom niya ang kulay gintong likido, habang nakatanaw sa labas.
    
“You look tense?” ang tanong ni Rhina, na hindi niya namalayang tumayo sa likod niya. She put her hands on his shoulders at sinimulan nitong masahiin ang kanyang mga balikat. Hindi siya sumagot, at nilingon lang niya si Rhina at ngumiti.
    
“Mukhang malalim ang isipin mo ah” ang sabi ni Rhina sa kanya.
    
“No, hindi, I was just thinking about the layout that I’ve prepared for the project” ang pagsisinungaling niya.
    
“Hmm, e bakit mo pa ba pinoproblema yun eh, aprubado na ni Drake ang model mo hindi ba?” ang sagot ni Rhina.
    
“I can’t helped it hon, minsan di ko mapigilan na isipin kung tama ba ang ginawa ko” ang sagot ni Paolo, na tila ba hindi ang project ang tinutukoy niya.
    
“Alam ko na, may paraan para matanggal ang isipin mo honey, ang bulong ni Rhina sa kanyang tenga habang hinihimas nito ang kanyang mga balikat, pababa sa kanyang dibdib.
    
Dati kapag ginagawa ito ni Rhina, automatically, he would grabbed her, and make love to her, but now? Tila wala siyang gana.
    
“I’m sorry babe, I have to see Drake later” ang tanggi niya kay Rhina.
    
“Mamaya pa naman iyun, babe, we still have time” ang bulong ulit ni Rhina sa kanya.
    
Paolo tried to smile, then he turned his head to kiss Rhina’s lips, “alam mo namang nakakatulog ako after we made love? I promise I will, after I talk to Drake” ang sagot niya.
    
Rhina pouted pero hindi ito galit sa kanya, “I’m going to take a shower” ang sabi nito bago ito naglakad patungong banyo.
    
Paolo felt guilty, ngayon lang siya nagsinungaling at tumanggi sa fiancee. At lahat ng iyun ay dahil kay Raven.
    
Totoo nga kaya ang sinabi nito? Darn! It’s like she put a spell on him. Pagkatapos ng kiss nila dito sa hotel room.
    
Damn! Naguguluhan na siya! Ang isip at damdamin niya ay nalilito na! Ang galit na sabi niya sa sarili.
    
At ngayon si Raven ay kasama ni Drake. Si Drake na kanyang kaibigan na matinik sa babae. Matinik at madaling magsawa, ano na kaya ang ginagawa ng dalawa? Ang tanong ni Paolo sa sarili.
    
Sa isang lagok ay ininom niya natitirang scotch sa baso, saka siya tumayo at lumabas siya ng hotel room para magpunta sa top most floor ng building kung nasaan ang kwarto ni Drake.
    
Mabilis siyang nag doorbell, at naghintay sa labas ng pinto. Nang wala pang nagbubukas para sa kanya, ay idinikit niya ang kanyang tenga sa pinto at nakinig kung mayron siyang maririnig, pero dahil sa alam niyang nakadisenyo ang hotel rooms ni Drake na sound proof ay bigo siyang may marinig kahit na anumang tunog.
    
Nang wala pa ring nagbukas para sa kanya, he felt anxious, at paulit – ulit niyang pinindot ang buzzer. Wala siyang pakialam kung magalit ang kaibigan sa kanya.
    
Maya-maya ay bumukas na ang pinto, at sumalubong sa kanya ang mga nakangiting mukha nina Raven at Drake.

    
“Ihahatid ko muna si Raven, Paolo, would you please wait for me na lang sa loob, and you can start pouring us some scotch I’ll be back in a minute” ang sabi ni Drake kay Paolo, na tumangu-tango na lang bilang sagot sa kanya.
    
“No, Drake, hindi mo na kailangan na ihatid ako, sa ibabang floor lang naman ang kwarto ko”
    
“No, please, hayaan mong ihatid kita” ang giit ni Drake.
    
“Hindi na, mukhang importante ang pag-uusapan ninyo” ang giit rin ni Raven, “I’ll see you tomorrow” ang pamamaalam ni Raven kay Drake.
    
Nanatili na lang na nakatayo ang dalawa sa harap ng hotel room ni Drake, habang nakatanaw ang mga ito kay Raven, hanggang sa makasakay na ito ng elevator.
    
Drake expelled his breath soundly, “So? Let’s get inside?” ang patanong na sabi ni Drake kay Paolo. Pumasok na sila sa loob at dumiretso si Drake sa kanyang mini bar, kumuha ng scotch sa mini ref at saka dalawang high ball glass, he put ice on both glasses saka niya sinalinan ng scotch. Iniabot niya ang isang baso kay Paolo, who murmured a thank you.
    
“Saan mo ba gustong mag-usap? Sa veranda ba? Mas masarap ang hangin doon” ang sabi ni Drake.
    
“What’s going on?” ang galit na tanong ni Paolo, hindi niya naiwasan ang tono ng kanyang salita.
    
“What?” ang takang tanong ni Drake habang naglalakad palabas sa veranda. Agad na sumalubong sa kanila ang malamig na simoy ng hangin.
    
“About Raven?” ang tanong ni Paolo habang nakasunod kay Drake palabas.
    
“What about her?” ang tanong ulit ni Drake, hindi niya alam ang dahilan at nanggagalaiti ang kaibigan.
    
“Your PROPOSAL?” ang paalala ni Paolo, he was getting impatient sa pag-arte ni Drake na hindi nito alam ang tinutukoy niya.
    
“Well I offered her, to supply the toiletries for my hotels” ang sagot ni Drake.
    
“Was that it?” ang tanong ulit ni Paolo.
    
“Uh Yes" ang natatawang sagot ni Drake "teka nga, bakit ba tanung ka nang tanong ng tungkol kay Raven?” ang patanong na sagot na naman ni Drake.
    
“Dahil sa kilala kita Drake, type mo ba si Raven?” ang muling tanong nito sa kanya.
    
“So what kung type ko siya? She’s very attractive and intelligent, and wala namang masama dahil pareho kaming single” ang sagot ni Drake, “and wala ka na sigurong pakialam doon di ba?”
    
“May PAKIALAM ako Drake, dahil sagutin ko rin si Raven, bilang kapatid ng fiancee ko” ang sagot ni Paolo.
    
“Malaki na si Raven, she can make decisions for herself, at hindi na ninyo saklaw iyun Paolo” ang giit niya sa kaibigan.
    
“Yun lang ba ang ipinunta ko rito? Because, I really need to rest now” ang sabi ni Drake.
    
Paolo nodded, “alright good night” ang sabi ni Paolo bago ito lumabas ng hotel room ni Drake.

Till Another Dawn [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon