Chapter 25

2.6K 92 14
                                    

Dahan-dahang iminulat ni Raven ang kanyang mga mata, she was still lying in bed. She turned her head to her side at nakita niya ang natutulog pang si Paolo.

Hinawakan niya ang sarili, wala siyang damit. Bigla siyang napaupo, hinawi niya ang buhok na nasa kanyang balikat. She turned her head again to Paolo and she saw that he too was naked at hindi na niya kailangan pang hawiin ang kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito.

Anong ginawa niya? Ang tanong niya sa sarili.

"Oh my God," sambit niya, tiningnan niya ang oras, it was two in the morning. Ibinaba niya ang mga paa sa kama at naupo siya sa gilid nito. She picked her underwear na nakakalat sa sahig, at nagsimula na siyang magbihis. Nang maramdaman niyang gumalaw sa tabi niya si Paolo.

Nagising na rin ito at naupo, "Raven?"

"We made a BIG mistake Paolo, what we did was unforgivable," ang masakit na sabi ni Raven. And she was not thinking about Drake but her sister, Rhina. How could she do this?

Paolo sighed, "hindi ba at ito rin ang gusto mong mangyari?" ang takang tanong ni Paolo sa kanya. Dinampot nito ang boxers at isinuot. Tumayo ito at lumapit sa harapan niya at hinawakan nito ang magkabila niyang balikat.

"Isn't this what you wanted to happen?" ang muling tanong ni Paolo, habang nakaharap sa kanya. At hinanap nito ang kanyang mga mata.

She looked up to him, "well do you remember me? Do you remember who you are? Did you remember anything now, pagkatapos ng nangyari sa atin? Do you love me now?"! ang sigaw na tanong ni Raven.

Nanatiling nakatayo lang si Paolo, at tahimik lang ito, hindi niya alam kung papaano nito sasabihin na wala pa rin itong maalala. And Raven knew what his silence means, wala pa rin itong naalala.

"I tried Raven, believe me, baka, nagkaamnesia ako somehow from the past? Or during my rebirth, I don't know, pero nangyari na ito, at ginusto natin ito pareho," ang giit ni Paolo sa kanya at alam niya na tama ang sinabi nito. Alam nila ang kanilang ginagawa at kapwa nila ginusto ang nangyari.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng kwarto, malakas ang bawat katok sa pinto. Nagkatinginan sina Raven at Paolo, no it couldn't be Rhina, dahil ang alam nito ay nasa resort pa sila.

Nagpatuloy ang malalakas na katok sa pinto, napabuntong-hininga si Paolo at wala itong nagawa kundi pagbuksan ang tao na nasa labas ng pintuan.

Nagmadali si Raven na damputin ang kanyang damit, at tanging pang itaas na shirt pa lang niya ang kanyang na isusuot, nang marinig niya ang galit a boses ni Drake.

"Where is she?"! ang galit na tanong ni Drake, na dire-dretsong pumasok sa loob ng kwarto. Tiningnan ni Drake ang hitsura ni Paolo na naka-boxers lang, at pagpasok niya ay tumambad sa mga mata nito ang naka-shirt at underwear lang na si Raven.

Hindi na nito kailangan pang itanong kung anong nangyari, by the looks of the messy bed, he knew kung anong nangyari sa ibabaw nito.

Parang dinurog ang puso ni Drake nang malaman niya ang nangyari. Noong una nang makita niya sa cctv na sumama si Raven kay Paolo, he tried to deny na hindi gagawa si Raven ng ikasasakit ng damdamin ng kapatid. Pero mukhang nagkamali siya. At ngayon ay durug-durog ang puso niya.

At ganun rin ang naramdaman ni Raven, parang piniga ang puso niya nang makita ang sakit sa mukha at mga mata ni Drake nang tingnan siya nito.

"I was looking all over for you, pinuntahan kita sa bahay mo, pero wala ka, I called your parents house and asked them about you, without giving them any reasons na mag-panic dahil nawawala ka, at nalaman ko nga na hindi ka umuwi doon. So, dahil sa ginalugad na kita, because I was so WORRIED about you, naisipan kong ireview ang cctv ng hotel, and now, I'm here," ang paliwanag ni Drake.

"How could you do this Raven?" ang masakit na sumbat ni Drake.

"Bakit hindi mo muna, tanungin ang sarili mo Drake, ano bang ginawa mo sa kanya kung bakit pagkagaling niya ng penthouse mo ay bumaba siya na umiiyak?" ang galit na tanong ni Paolo.

Drake faced Paolo and snorted, "ang lakas ng loob mong tanungin ako ng ganyan, baka nakalimutan mo na engaged ka na sa kapatid ni Raven," ang galit na sagot ni Drake.

Hindi nakasagot si Paolo at nanatiling nakatayo, then Raven spoke.

"Hindi ko sinasadya ang nangyari, pero ikaw ang dahilan! Dahil niloko mo ako! Bakit di ko sinabing may asawa at anak ka na?"! ang sumbat ni Raven at tumayo na rin siya para harapin si Drake.

"Asawa?" ang takang tanong ni Paolo.

Drake smiled humorlessly, "kung hinayaan mo muna sana akong magpaliwanag bago ka tumakbo palabas ng kwarto, baka sakaling nalaman mo na kapatid ko si Demi at anak niya ang batang lalaki na nasa kwarto ko. Oo umuwi ako agad dahil sa kanila, dahil sinaktan na naman ng walang kwentang asawa nito ang kapatid ko, at simula pa lang noon ay daddy na ang tawag sa akin ng pamangkin ko dahil ako na ang tumayong ama nito, nang iwan silang mag-ina at ngayon bumalik na naman ang walang kwenta na asawa nito sa kanila."

Natigilan si Raven sa narinig niya, kapatid? What had she done? Ang naiiyak niyang tanong sa sarili. Parang tinapunan ng malamig na tubig ang buo niyang katawan at nagsimula na siyang manlambot.

"Gusto mong makasigurado? Tanungin mo si Paolo," ang hamon ni Drake kay Raven.

Napabuntong-hininga si Paolo, at inilagay nito ang dalawang kamay sa magkabila nitong balakang.

"Totoo ang sinasabi niya Raven, kapatid niya si Demi at pamangkin niya si Darian," ang nanlalambot na sabi ni Paolo.

Hindi na nakasagot si Raven napalunok siya, dahil sa tangka niyang pigilan ang mga luha, pero di niya nagawa. Tuluyan nang umagos ang luha sa mga mata nito.

"Mukha namang ginusto ninyong pareho ang ginawa ninyo, Paolo, I'll be away for a while, pakisabi kay Rhina na hindi ako makakapunta sa KASAL ninyo this month," ang mariing sabi ni Drake, bago ito tumalikod para maglakad paalis pero natigilan ito nang magsalita si Raven.

She clasped her hand at inilagay niya sa kanyang bibig, she inhaled deep, bago siya nakapagsalita.

"D-Drake, I - I'm sorry, please, patawarin mo ako," ang naluluhang sabi ni Raven.

Drake sighed, he turned around to face her, "hindi ka dapat sa akin magsorry Raven, alam ko naman noon pa, kung gaano ka kapursigido na makuha si Paolo, alam ko naman kung gaano mo siya kamahal," ang masakit na sabi ni Drake sa kanya.

"Pero sa halip na sa akin, mas kailangan Mo," at napatingin siya kay Paolo, "NINYO, na magsorry kay Rhina," ang sagot ni Drake.

"Drake, please"-

"And Raven, you have to feel love with your heart not with your mind, at hindi lahat ng nakikita ng mata natin ay iyun na ang totoo," ang malungkot na sabi ni Drake bago ito tuluyang lumabas ng kwarto. At napaupo muli si Raven sa kama, habang lumuluha.

Till Another Dawn [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon