Raven tried to contact Drake, sa dami ng tawag ng ginawa niya rito isang text lang ang isinagot nito sa kanya.
“I’m out of the country right now, I needed to think things through. You should do the same Raven, pag-isipan mo muna ang buhay mo Raven, nang mahanap mo ang direksyon na gusto mong tahakin, ng wala kang pagsisisihan sa huli” ang sabi ni Drake sa text nito sa kanya.
Ilang linggo na siyang matamlay, at dahil sa kailangan niyang asikasuhin ang kanyang negosyo lalo na at nadagdagan pa ang kanyang obligasyon dahil sa commitment niya sa hotel ni Drake na kailangan niyang isupply ang toiletries ng hotels. At dahil nga sa wala si Drake ang operation managers ang nakakusap niya.
She was thankful at naging abala siya sa trabaho, at sandali niyang nakalimutan ang kanyang isipin at sakit na nadarama. Hanggat maaari gusto niyang maging abala, hinabaan na rin niya ang operating hours ng Naughty boutique sa hotel, pinapauwi na lang niya ng maaga ang assistant niya at siya na ang nagbabantay sa store. Hindi niya alam kung gusto niya ba talagang maging abala? O nagbabakasali siya na makita si Drake.
She doesn’t looked forward on going home, dahil pagdating sa bahay, parang binabagsakan na naman siya ng langit at lumuluha na naman siya. Hindi niya inakala na ang kanyang recklessness ay mauuwi sa ganito. Na aabot siya na may masasaktan siyang tao, at mga malapit pa sa kanya.
It’s a good thing, at mukhang hindi naapaektuhan ang relasyon ng kapatid at Paolo, dahil sa nangyari. Wala pa naman siyang nababalitaan sa kapatid na nagkaproblema sila ni Paolo.
Iniwasan na rin niya si Paolo, kahit pa panay ang text at tawag nito sa kanya. He always asked for them to meet para makapag usap sila. Pero, she declines, ayaw na muna niyang gawin pang komplikado ang buhay niya.
Kasalanan niya ang lahat kung bakit nangyari ito sa kanya. Kung sa dating panahon, kapag may ginusto siya ay nakukuha niya agad, kahit pa makasasama ito sa iba. Nasanay siya sa ganun, kaya ng gustuhin niyang makuha si Reuben sa kapatid, hindi na niya inisip pa ang mga taong pwedeng masaktan.
At ngayon, pinagdudusahan niya ito. Tama lang sa kanya ito, tama lang na masaktan siya dahil wala siyang kwentang tao. Ang sabi niya sa sarili habang nakahiga sa kanyang kama at lumuluha.
Maya-maya ay narinig niya ang ring ng kanyang phone, pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata, at tiningnan kung sino ang tumatawag, agad niyang sinagot ang tawag.
“Hello Rhina” ang bati niya sa kanyang ate. Hindi agad sumagot si Rhina sa kabilang linya, pero narinig niya ang pagsinghot nito. Naupo siya sa gilid ng kama.
“Rhina? Ate what’s wrong?” ang alalang tanong niya sa kapatid.
“Can I come over, can I spend the night with you?” ang sagot nito sa kanya.
“Of course, kumain ka na ba? Para magpapadeliver ako ng pagkain” ang sagot niya.
“Yes, I would love that” ang sagot nito sa kanya, at halata na pinasasaya nito ang boses.
“Alright pizza and wings?” ang tanong niya pilit din niyang pinasigla ang boses para sa kapatid.
“Yes, you know my favourite, you’re the best sister” ang sabi nito, at parang sinuntok siya sa sikmura ng marinig ang sinabi ng kapatid.
Nasa loob sila ng kwarto, binuksan nila ang malalaking bintana at naupo sila sa sahig, habang nakasandal ang mga likod nila sa kama. Ang pizza at wings na pinadeliver nila ay nakalatag sa sahig kasama ng dalawang wine glasses at dalawang bote ng wine. Pinatugtog din nila ang paborito nilang music. Ganito ang ginagawa nila dati, bago pa pumunta si Rhina sa US, ganito sila noon magbonding ni Rhina. Patago nilang kinukuha ang wine ng daddy nila sa bar at iniinom nila sa kanilang kwarto. At syempre, ideya niya yun.
“Ha ha ha, naalala mo pa yun?” ang natatawang tanong ni Rhina sa kanya.
Raven groaned while she sipped her wine, and she frowned at Rhina, nang mabanggit nito ang isang pangyayari sa kanila noong kabataan pa nila.
“Oh please, I want to forget that” ang sagot niya sa kapatid. Pinagmasdan niya si Rhina, alam niya na may dinaramdam ito. Kilala na niya ang kapatid, tumatawa ito kahit pa sa nga walang kwentang bagay.
Well, she knew na sweet si Rhina at madaling patawanin, but something was off with her. At nang pagbuksan niya ito kanina ng pinto, agad siyang niyakap nito ng mahigpit.
At natatakot siya na malaman ang dahilan ng ikinikilos ng kapatid. Kahit pa may kutob na siya sa pwedeng maging dahilan niyun. Kaya nakaramdam na naman siya ng kirot sa kanyang puso.
“Isa iyun sa mga magaganda at masasaya na ala-ala sa atin Raven” ang sabi ni Rhina habang nakatanaw ito sa bintana, biglang nawala ang ngiti nito sa mga labi.
“Bakit ba ang buhay natin noon ay hindi komplikado? Kahit pa pinipeste mo ako ng kapilyahan mo ay masaya tayo, walang sakit, walang problema” ang sambit ni Rhina.
“Mas masaya pa ang buhay natin noon” ang bulong ni Raven, at siya rin ay nakatanaw sa labas. Kung saan maliwanag ang buwan at ang kalangitan dahil walang makakapal na ulap ang langit, kaya kitang kita ang mga bituin sa langit.
“Bakit mo naman nasabi iyan? Mukhang maganda nga ang love life mo ngayon. I knew na gusto ka ni Drake, sa mga tingin pa lang nito sa iyo, na para bang, matagal ka na niyang hinahanap at nagkita kayong muli? Ganun ang pananabik na makikita mo sa mga mata ni Drake, sa tuwing tiningnan ka niya Raven” ang sabi sa kanya ni Rhina at tiningnan siya nito sa mga mata.
Raven tried to control her tears, hindi niya nakita sa mga mata iyun ni Drake, maybe because, he thought na lust lang ang meron sa kanilang dalawa. Now, it was too late. Pero hindi na niya sinabi pa sa kapatid ang problema sa love life niya. Mas gusto niyang malaman ang dinadalang problema ng kapatid.
“Huwag mo nga problemahin ang akin, dahil masaya ako sa love life ko no” ang sagot niya, na may konti pang pagtataray sa kapatid.
“Pasensiya ka na kung hindi kita natutulungan sa paghahanda mo para sa kasal, sa katapusan na pala ng buwan iyun, nga pala ano bang gusto mong gown ang isuot ko bilang maid of honour mo, backless o topless?” ang biro niya sa kapatid.
Biglang humagulgol si Rhina, muntik nang matapon ang laman ng basong hawak nito. Napahawak ang isang kamay nito sa bibig habang patuloy ng umaagos ang maraming luha sa mga mata nito.
Inilapag ni Raven ang hawak na baso, at niyakap niya ang kapatid. Inihilig nito ang ulo sa kanyang dibdib, habang hinihimas niya ang buhok ng kapatid. Dama niya ang sakit na nadarama ng kapatid, parang pinupunit ang puso niya habang nakikita ang kapatid niya sa ganun na sitwasyon. Ang kapatid niyang kahit kailan ay hindi nagalit sa kanya sa kabila ng mga ginawa niyang kalokohan dito. Pero ngayon? Pakiramdam niya ay siya ang diyos ng kasamaan.
“Shh, anong problema Rhina?”
Matagal bago nakasagot si Rhina, at hinayaan muna siya ni Raven na lumuha.
Umiling-iling ito, “Hindi na, hindi na matutuloy ang kasal” ang umiiyak na sagot ni Rhina.
At tuluyan ng nabasag ang puso ni Raven.
BINABASA MO ANG
Till Another Dawn [Completed]
Roman d'amourSTRICTLY for mature readers only! 18+ SPG NAUGHTY If love can surpass time, will you fight for your love? Or will you give it up for his happiness. Raven was once the evil sorcerer queen Meryn, but when she met Reuben, her fiery heart was tamed by...