Kung ang lahat ng nasa lamesa at nagulat, walang mas nagulat pa kundi si Raven. Ano bang proposal ang sinasabi nito? Ang kinakabahan niyang tanong sa sarili.
“Wh-what are you going to propose?” ang tanong ni Raven.
“I’m sorry kung binigla kita Raven, what I’m going to ask is, a business proposal” ang nakangiting tugon ni Drake sa kanya.
“Well that’s good to hear” ang sabi ng kanyang daddy, “akala ko naman, wedding proposal, tinakot mo naman ako Drake”.
“Bakit naman po, ayaw nyo po ba na mag-asawa na si Raven?” ang interisadong tanong ni Drake sa daddy niya. Ipinatong pa nito ang braso sa ibabaw ng backrest ng kanyang upuan, kaya parang nakaakbay ito sa kanya, at paminsan minsang dumadampi ang mga daliri nito sa kanyang balikat.
And his slightest touch, brought electric sensation all over her body. Ramdam niya hanggang sa pinakadulo ng daliri niya sa paa.
“Hindi naman, kaso, mag-aasawa na kasi si Rhina, ayaw ko naman na magkasunod na sila na mawawala na sa akin” ang sagot ng daddy niya.
“Hmm, sabihin mo, paborito mo kasi si Raven, at hanggang ngayon ay baby ang tingin mo diyan sa pilyang anak mo na iyan” ang sabi naman ng kanyang mommy.
Nagkatawanan silang lahat, at muling nabaling ang tingin at atensyon ni Drake kay Raven.
“So Raven? About my business proposal, why don’t we talk about it, more privately, maybe sa hotel room ko” ang sabi ni Drake, “don’t worry po, Mr. And Mrs. Montecillo, wala po akong balak na masama sa anak ninyo, malinis po ang intensiyon ko sa anak ninyo, purely business”.
“We trust you Drake, believe me”, ang sagot ng daddy ni Raven.
“Pwera na lang po kung si Raven ang may balak po na masama sa akin, siguro po, sisigaw na lang ako ng tulong” ang biro ni Drake, na nagpatawa ng mga kasama nila sa lamesa. Pwera kay Paolo.
Kanina pa niya pinagmamasdan sina Raven at Drake simula pa lang ng lumabas ang mga ito ng hotel ay panay na ang sulyap niya sa mga ito.
Lalo na ng maupo na ito sa harapan ng lamesa, at nagsimula na silang kumain, Drake has been very attentive to Raven, ipinaglagay pa niya ito ng pagkain sa plato nito, ipinagbalat pa niya ito ng alimango at sinubuan pa ito. So anong problema? Wala di ba? Bakit parang iba ang pakiramdam niya habang pinapanuod ang dalawa? Ang tanong ni Paolo sa sarili.
Mas lalo pang nadagdagan ang kakaibang pakiramdam niya, ng biglang banggitin ni Drake ang proposal, bakit ba kinabahan siya nang sumagi sa isipan niya na wedding proposal ang ibabalita ng kaibigan.
Pero kahit pa isang business proposal ang gusto ng kaibigan, iyun lang ba talaga ang dahilan nito, kung bakit gusto nitong mapalapit kay Raven? Isang pagiging business partner lang ba talaga ang pakay ni Drake kay Raven? Ang umaangil sa kalooban ni Paolo. At bakit sa kwarto nito sila kailangan na mag-usap? Kilala niya si Drake, playboy ito, hindi nagseseryoso sa babae, hindi kaya ang bagong biktima naman ng kaibigan ay si Raven?
Nakatuon na ngayon ang kanyang mga mata sa kamay ni Drake, na nakadikit sa balikat ni Raven, paminsan – minsang dumadampi ang mga daliri nito sa balat ni Raven. Kailangan niyang kausapin si Drake, kung ano ba talaga ang pakay niya kay Raven, bilang kapatid ng fiancee niya, kailangan, concern lang siya kay Raven. Iyun nga ba?
Hindi ba dahil sa may binuhay na damdamin sa kanya si Raven? No hindi, ang giit ni Paolo, hindi siya pwedeng magkagusto kay Raven.
Pagkatapos makaubos ng dalawang bote ng wine, ay nagpasiya nang bumalik sa kani-kaniyang kwarto ang pamilya ni Raven. Si Raven naman ay sumabay kay Drake, para magpunta sa hotel room nito.
Sabay-sabay silang sumakay sa elevator, at dahil nasa top most floor ang kwarto ni Drake, naunang bumaba ng elevator sina Paolo, Rhina at nga magulang nito.
Pero bago magsara ang pinto ng elevator, hinawakan iyun ni Paolo, “Drake, I want to talk to you”
“Alright see me tomorrow morning” ang sagot ni Drake.
Paolo shook his head, “tonight”
“Pumunta ka sa room ko after one hour, tapos na kami mag-usap ni Raven nun, sige na, samahan mo na ang FIANCEE mo” ang sagot ni Drake na may diin sa salitang fiancée.
Hindi na nakasagot pa si Paolo dahil tuluyan ng nagsara ang pinto ng elevator.
“Please have a seat” ang sabi ni Drake kay Raven, sabay turo sa mga rattan couches na nasa labas ng veranda. Tanaw mula roon ang magandang view ng beach sa ibaba. Habang humahampas naman sa kanila ang malamig na hangin na galing sa dagat.
“Can I offer you something? A drink?” ang tanong ni Drake kay Raven na hindi muna umupo at nanatiling nakatayo at nakakapit sa glass panels na nagsisilbing railings ng veranda.
Tumawa ng marahan si Raven, “nilalasing mo ba ako?” ang tanong ni Raven habang nakasandal ang kanyang likod sa veranda.
“Magagalit ka ba kung oo?” ang biro ni Drake.
Raven laughed and shook her head incredulously, “I have to decline, I’ve reached my alcohol limit already, so ano ba ang business proposal na gusto mong pag-usapan natin?” ang tanong ni Raven.
“I want you to supply the soaps and shampoos of the hotel Birmingham” ang sagot ni Drake.
Hindi makapaniwala si Raven sa narinig, SIYA, ang magiging supplier ng toiletries ng hotel Birmingham? Ang isa sa mga sumisikat na hotel and resort sa Pilipinas? At may tig-isang branch sa New York at Paris? Totoo ba ito? Ang di makapaniwala niyang tanong sa sarili.
Drake chuckled nang makita ang reaksyon ng mukha ni Raven, bahagyang bumuka kasi ang bibig nito at nanlaki ang mga mata.
“Are you tripping on me?” ang mapang hinalang tanong ni Raven kay Drake.
“Of course not, bakit naman? When it comes to my business, I’m always serious” ang sagot ni Drake.
“Wait, does it mean na iibahin ko ang packaging ng products ko from Naughty to Birmingham?” she asked worriedly, ayaw niya a matakpan ang pangalan ng kanyang products.
Drake shook his head vigorously, “no, of course not, Hotel Birmingham will only carry your brand, AND the good part pa is, in every branch ng hotel ay bibigyan kita ng slot para sa boutique mo”
Oh my God! This is too good to be true, isn’t it? Kailangan na ba niyang umasa? Pero kakayanin ba niyang magsupply ng maramihan, baka hindi niya mameet ang expectations ni Drake at mapahiya siya rito.
Nabasa ni Drake ang pag-aalangan sa mukha nito, “may problema ba?” ang tanong ni Drake at lumapit siya rito, tumayo siya sa tabi nito, habang pareho silang nakatanaw sa beach.
“Ahm, baka kasi hindi ko kayanin ang mag supply ng maramihan, I can’t commit right now, kailangan ko pa munang alamin sa supplier ko, kung kakayanin ko imeet ang demand ng hotels mo, ayokong mapahiya sa iyo Drake” ang sagot niya rito.
Drake held her hand na nakahawak sa railings, and Raven, looked at their hands.
“You don’t have to worry Raven, pagbalik natin sa Manila, I’ll give you some copies kung gaano karami ang magagamit ng hotels ko, then, tingnan mo kung kaya mong magsupply, but I have high hopes on you” ang sagot ni Drake.
Raven didn’t flinch nor pulled back her hand, nang hawakan ni Drake ang kanyang kamay.
“That’s what I’m afraid of, I don’t want to disappoint you” ang sagot niya.
“I’ll give you enough time to sort things out and think things through” ang assurance ni Drake.
Raven sighed and smiled weakly, “alright, thank you Drake” ang sabi ni Raven.
Matagal sila sa ganuong sitwasyon, tahimik lang silang nakatanaw sa dalampasigan at sa malawak na dagat. Naputol ang katahimikan nang magsalita si Drake.
“Raven can I ask you something? Please huwag ka sanang ma offend, please that was beyond my intention, pero, I just wanted to enlighten my mind kung bakit mo iyun ginagawa?” ang tanong ni Drake.
Raven turned to para magkaharap sila ni Drake, “alin?” ang balik tanong niya kay Drake.
“Ang akitin si Paolo?”
BINABASA MO ANG
Till Another Dawn [Completed]
RomanceSTRICTLY for mature readers only! 18+ SPG NAUGHTY If love can surpass time, will you fight for your love? Or will you give it up for his happiness. Raven was once the evil sorcerer queen Meryn, but when she met Reuben, her fiery heart was tamed by...