“Ano ba talaga ang gusto mong ipakita sa akin?” ang excited na tanong ni Raven kay Drake, nasa biyahe na silang muli, pagkatapos nilang magpahinga, well, pagkatapos muna ng isang wild sex at saka sila nagpahinga.
Then, muli silang bumiyahe papunta sa isang remote na location. Kasunod nilang muli si Paolo, na hindi maipinta ang mukha. They thought that maybe, he missed Rhina, kaya ganun na lang ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Drake.
Drake laughed out loud, sa ipinapakitang excitement ni Raven, kahit siya ay nakaramdam ng sobrang excitement. He was so excited and proud na ipakita kay Raven ang isang pinakamahlagang proyekto niya.
“Hindi ka na ba makapaghintay?” ang natatawang tanong ni Drake.
“Hindi ba halata?” ang natatawang sagot rin ni Raven.
“Well you don’t have to wait long enough, we’re already here” ang sabi ni Drake, nang magawi na sila sa isang komunidad. Ibinaba ni Drake ang salamin ng bintana, para makita niya ang mga tao nagsimula ng sumilip sa kanilang ng pintuan at bintana, para makita ang paparating na sasakyan.
Napansin ni Raven na nang makita ng mga tao ang kanyang sasakyan ay naglabasan ang mga tao sa kani-kanilang mga bahay. Ang mga batang maliliit ay nagtakbuhan at humabol sa kanyang sasakyan.
“You’re famous here, yun ba ang gusto mong ipakita sa akin na isa kang artista?” ang natatawang sabi ni Raven sa biro niya kay Drake, na umiling lang sa kanya at nginitian siya sa malapad.
Inihinto ni Drake ang kanyang sasakyan sa isang bakanteng lote, lumabas na sila ng kotse at dinumog na sila ng mga batang maliliit.
“Whow!” ang gulat na sabi ni Raven nang may batang babae na yumakap sa kanya. At napatingin siya kay Drake, na pinalilibutan na ng mga bata, habang ang mga matatandang miyembro ng komunidad ay naglalakad na papalapit sa kanila.
“Hey there buddies” ang natatawang bati ni Drake sa mga bata.
“Sir Drake, asawa nyo po siya?” ang interisadong tanong ng nga bata. Nagkatinginan sina Drake at Raven, at tila ba huminto ang paghinga ni Raven habang hinihintay ang sagot ni Drake.
“Well sana nga, depende iyan sa kanya” ang sagot ni Drake, at nag tama ang kanilang mga mata. At sa mga pagkakataon na tanging si Drake lang ang nakagagawa sa kanya, namula na naman ang kanyang mga pisngi.
Hindi nila napansin na nagpark na rin pala ng sasakyan si Paolo, malapit sa kanila at nakikinig rin ito sa mga usapan nila.
“Malayo pa yun mga bata” ang nahihiyang sagot ni Raven. At napasulyap siya kay Paolo na pinagmamasdan siya.
“Kamusta po Sir Drake” ang hati ng isang matandang lalaki sa kanila. Nakipagkamay si Drake sa matanda.
“Mabuti po, kayo naman po rito?” ang tanong ni Drake.
“Ay, maalwan na po ang buhay namin ang laki po ng naitulong ninyo” ang sagot ng matanda.
“Mabuti naman po kung ganun, ahm, dadalawin lang po namin ang eskwelahan” ang pamamaalam ni Drake bago sila naglakad muli patungo sa sinasabing eskwelahan ni Drake.
Inakbayan ni Drake si Raven habang naglalakad sila at si Paolo ay tahimik lang na nakasunod sa kanilang dalawa. Walang pinagbago ang ugali nito, simula kahapon, mukha itong matamlay.
“Hindi mo sinabing sikat ka pala rito” ang biro ni Raven.
“Sikat ako dito, dahil diyan” ang sabi ni Drake, at tumambad sa kanila ang isang malapit nang matapos na paaralan. Pinipinturahan na lang ito ng mga kalalakihan, habang ang nga babae naman ay nagwawalis at nagtatanim sa paligid.
“What do you mean?” ang tanong ni Raven at tiningnan niya ng may paghanga si Drake. She knew it was a stupid question dahil sa alam na niya ang ibig sabihin nito, pero gusto niyang sa bibig mismo ni Drake ito manggaling.
Drake smiled sheepishly, “ahm, project ko ito para sa mga taga rito sa lugar, I asked Paolo here, to design a school for me, una pa lang ito sa mga ipinapagawa ko at marami pa ang susunod. I also asked Paolo to design a rain harvester para may pagkukunan ng tubig ang school. At ang mga magiging guro ng school na ito ay ako na rin ang magpapasahod, the teachers were some of my scholars, na gusto rin na makatulong sa komunidad na ito. I guess I owe it to these people na naging maganda rin ang pag-aalaga sa lugar na ito kaya naging isang hot spot na tourists destination ang lugar” ang paliwanag ni Drake.
“Naglagay din kami ng mga solar panels enough to supply electricity para sa maliit na komunidad at sa school” ang dugtong pa ni Drake.
Raven's heart swelled with so much emotion for him, she was so proud of him. Hindi mo aakalain na sa likod ng tila istrikto at playboy na image nito ay isang lalaki na may ginintuang puso.
“You’re a philanthropist” ang nakangiting sabi ni Raven kay Drake, she wrapped her arms around his neck, and she kissed him on his lips. Wala siyang pakialam kung may mga nakatingin sa kanila. She wanted to show him what she felt that moment.
At nang mga sandaling iyun, ay umuusbong na ang pagmamahal niya sa lalaking umangkin ng kanyang katawan at mukhang pati na rin ang kanyang puso.
Pinagmasdan lang ni Paolo sina Raven at Drake, ni hindi niya iniiwas ang kanyang mga mata sa dalawa. Kailangan niyang pigilan ang sarili na makaramdam ng maling emosyon. Hindi niya dapat ito maramdaman, at ikakasal na siya sa babaeng pinakamamahal niya.
Tumulong silang tatlo sa pag aayos ng school. Sina Drake at Paolo ay nag hakot ng mga upuan na bagong deliver, habang si Raven naman ang nag aayos ng mga learning materials at reference books sa bookshelves.
Maya-maya ay nilapitan siya ni Drake, he kissed her on her cheek at inabutan siya nito ng bottled water.
Sandaling huminto sa kanyang ginagawa si Raven, kinuha niya ang bote ng tubig na binuksan na ni Drake para sa kanya.
“Thanks” ang sabi niya sabay lagok ng tubig mula sa bote.
“Pagod ka na ba?” ang alalang tanong sa kanya ni Drake.
She shook her head, “hindi, iba pala ang pakiramdam kapag tumutulong ka” ang sagot niya.
“I know, iba sa pakiramdam kapag kapakanan ng ibang tao ang iniisip mo” ang sagot ni Drake.
Raven smiled at him, she was going to tell something nang magring ang phone nito.
“Yes?” ang sagot ni Drake at matagal itong nakinig sa kausap sa kabilang linya, napansin ni Raven na kumunot ang noo nito at biglang napabuntong hininga.
“Alright I’ll be there” ang sabi nito bago muling ibinalik ang phone sa bulsa ng pantalon nito.
“I’m sorry pero kailangan ko munang bumalik sa resort” napabuntong-hininga si Drake, “kung kailan pa naman kailangan kong matapos ito ngayon” ang dugtong pa niya.
“Maiwan muna ako rito” ang sabi ni Raven, “balikan mo na lang ako kapag natapos na yung dapat mong gawin sa resort”.
“Are you sure?” ang paninigurado nito sa kanya.
“Yeah” ang sagot niya.
Tinawag ni Drake si Paolo na mabilis naman na lumapit sa kanila.
“Kailangan ko munang bumalik sa resort, sandali lang ako, then babalik ako ulit para tumulong, okey lang ba na maiwan ko kayo rito?” ang tanong ni Drake kay Paolo.
Paolo looked at Raven, “yeah sure, ako na ang bahala rito at kay Raven” ang sagot ni Paolo.
“Thanks pre” ang sabi nito sa kaibigan, at tinapik niya ang balikat nito, isang halik naman sa bibig ang ibinagay niya kay Raven bago ito nagpaalam at naglakad patungo sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
Till Another Dawn [Completed]
RomantizmSTRICTLY for mature readers only! 18+ SPG NAUGHTY If love can surpass time, will you fight for your love? Or will you give it up for his happiness. Raven was once the evil sorcerer queen Meryn, but when she met Reuben, her fiery heart was tamed by...