Queen Meryn looked upon the devastation that she had caused. Burning houses, fields, and forests were evident of her power and fury. Weeping woman and children, were scattered everywhere, dead bodies, some were bloodied, some were mutilated, and some were scorched to death.
Queen Meryn was the evil queen of the middle kingdom, of the past. But now, in the present future time, Raven felt she was the evil queen again. At ang biktima ng kanyang kasamaan ay ang kanyang kapatid.
“Hindi na tuloy ang kasal” ang muling sabi ni Rhina, naupo na ito ng maayos at pinunasan niya ang mga luha sa pisngi gamit ang mga kamay.
Kumuha si Raven ng tissue at iniabot sa kapatid, she felt so bad for her. Kung pwede nga lang na lamunin na siya ng lupa ng mga oras na iyun, kaysa sa masaksihan ang pagdurusa ng kapatid.
“B-bakit?” ang tanging naitanong niya.
Suminghot muna si Rhina bago nagsalita, “ang-ang sabi niya, naguguluhan daw siya, may dapat daw muna siyang pag-isipan”.
“Gumugulo? A-Anong gumugulo?” ang muli niyang tanong at nakaramdam na siya ng kaba sa kanyang dibdib.
“Tinanong ko siya kung hindi na ba niya ako mahal, ang sabi niya mahal na mahal niya ako, pero, naguguluhan daw ang isip niya ngayon, kailangan daw niya muna ng panahon na makapag isip”
“I asked him na diretsahin na niya ako, sabihin na niya na may ibang babae, ang tagal na naming nagsama, kung kailan malapit na kaming ikasal saka pa siya naguluhan?” ang lumuluhang sabi ni Rhina.
“A-anong sagot niya?” ang kinakabahang tanong ni Raven.
Rhina shook her head, “he didn’t answer, ang sabi niya lang na hindi ko maintindihan ay mayron siyang nakaraan na kailangan na alamin”
Hindi nakapagsalita si Raven, hindi niya alam kung ano ba ang mararamdaman niya. Hindi ba dapat ay masaya na siya at matutuloy na ang happy ever after nila ni Reuben, dahil wala ng balakid sa kanilang dalawa?
Pero hindi, dahil kay Reuben ay natuto siyang magmahal, dahil kay Reuben ay nagkaroon siya ng puso, pero dahil kay Reuben ay nasaktan niya ang mga taong mahal niya.
Sa palagay ba niya ay matutuwa si Reuben sa kanyang ginawa? Palagay niya ay hindi. If Paolo can remember himself as Reuben would they be proud of what they had done, dahil sinaktan nilang pareho ang taong pinakamamahal nila.
“Shh Rhina, maaayos din ang lahat, hindi ko sasabihin na huwag kang umiyak, dahil nasa sa iyo ang lahat ng dahilan, sige, ilabas mo ang lahat ng luha at hinanakit mo, nandito lang ako, para sa iyo, I love you sis” ang sabi niya sa kapatid, pinigilan niya ang luha na nagbabadya tumulo sa kanyang mga mata.
“I love you Raven, I’m so glad to have you, thank you for being my strength” ang sagot ni Rhina.
Pinagmasdan ni Rhina ang kanyang kapatid na natutulog sa kanyang tabi. Nakatagilid ito at nakaharap sa kanya. Awang-awa siya sa kapatid, Rhina doesn’t deserved this. Napakabait ni Rhina sa kanya, at lagi siya nitong inuunawa.
She needed to talk to Paolo, they have to make things right. Handa na siyang magpaubaya sa kapatid. Kailangan na lang niyang kumbinsihin si Paolo na ituloy ang kasal nila ni Rhina.
Hindi na baleng hindi na matuloy ang pagmamahalan nila ni Reuben, kailangan niyang gawin ang tama. Naupo siya, tiningnan niya ang oras, it was eleven in the evening, bukas na lang niya tatawagan si Paolo. Mahihiga na sana siyang muli ng marinig niya ang tunog ng doorbell.
Sino naman kaya ang dadalaw sa kanya ng ganitong oras? Ang tanong ni Raven sa sarili. Hindi na muna niya sinagot ang taong nagdo doorbell. Kung hindi iyun importante, aalis din ito, ang sabi niya sa sarili.
Pero hindi tumigil ang pagtunog ng kanyang doorbell, Raven sighed, naupo siya sa gilid ng kama at napabuntong-hininga, tatayo na siya ng gumalaw si Rhina.
“Hmm, Raven?” ang sabi nito.
“Matulog ka pa, bababa lang ako sandali” ang sabi niya sa kapatid, na tumangu-tango lang sa kanya bilang sagot. Muli itong pumikit para matulog at saka siya lumabas ng kwarto.
Raven gritted her teeth, dahil sa patuloy na pagtunog ng doorbell sa labas.
“Sino yan?” ang tanong ni Raven mula sa loob.
“Ako” ang tanging sagot nito.
Napapikit si Raven, at napabuntong-hininga siya, “anong kailangan mo?”
“I wanted to talk to you, I’ve been trying to contact you pero hindi mo ako sinasagot” ang sagot ni Paolo mula sa labas ng pinto.
“Pagod na ako Paolo, please umalis ka na” ang sagot ni Raven.
“Hindi ako aalis dito Raven, mageeskandalo ako rito sa labas, kung iyun lang ang paraan para kausapin mo ako” ang sagot ni Paolo.
Raven gritted her teeth, hindi niya alam kung totoong gagawin nga ni Paolo ang banta nito, but she’s not going to take any chances. Binuksan niya ang pinto, pero sa halip na papasukin niya ito ay siya ang lumabas ng bahay.
“Ano bang kailangan mo?” ang mahinang tanong ni Raven.
“Mag-usap tayo” ang sagot ni Paolo.
“Wala na tayong dapat pag-usapan Paolo”
“Ang nangyari sa atin? Balewala ba sa iyo ang lahat?” ang tanong ni Paolo sa kanya.
Nangyari, ni wala siyang matandaan sa gabing pinagsaluhan nila, dahil siguro sa mali ang nangyari sa kanila.
“Kalimutan na natin ang nangyari sa atin Paolo, alam nating dalawa na mali ang nangyari” ang giit ni Raven.
Paolo shook his head, “hindi ko na makalimutan Raven, naguguluhan na ako”ang sagot ni Paolo.
“At hindi ko na makalimutan ang gabing pinagsaluhan natin Raven, kung ikaw kaya mo, ako hindi” ang giit ni Paolo, “let’s give this a chance, ang tungkol sa atin, ang sinasabi mong naudlot nating pagmamahalan”
Do you love me?” ang tanong niya kay Paolo na tila ba nagulat sa tanong niya. Hindi ito nakasagot.
“Do you love Rhina?” ang muling tanong niya.
“I love Rhina alam mo yan, pero simula ng ikwento mo sakin ang sinasabi mong past life ko, hindi na nawala sa isip ko ang posibilidad ng mga sinabi mo na past lovers tayo at kailangan nating magkatuluyan” ang sagot ni Paolo, "it kept ringing inside my head!"
Raven shook her head, kasalanan niya ang lahat, ginulo niya ang ulo ni Paolo, tuloy pati relasyon nila ng kapatid ay nagulo rin.
“We can’t, kasalanan ko at ginulo ko ang isipan mo, at si Rhina ang nagdusa sa ginawa ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Please, umalis ka na. ” Ang giit ni Raven bago siya tumalikod para pumasok sa loob. Pero mabilis siyang niyakap ni Paolo mula sa likuran, ang mga braso nito ay nagkrus sa kanyang dibdib.
Nang biglang bumukas ang pinto, at bumungad sa kanila ang gulat at galit na mukha ni Rhina.
BINABASA MO ANG
Till Another Dawn [Completed]
RomanceSTRICTLY for mature readers only! 18+ SPG NAUGHTY If love can surpass time, will you fight for your love? Or will you give it up for his happiness. Raven was once the evil sorcerer queen Meryn, but when she met Reuben, her fiery heart was tamed by...