Chapter 24

2.6K 88 5
                                    

Raven was so excited to get back, pagbalik nila ng hotel after nang isang awkward car ride with Paolo pabalik. Once in her hotel room agad niyang iniligpit ang kanyang mga gamit.
    
Yes, Drake said for them to stay at hintayin nila ang pagbabalik nito. But, she couldn’t wait anymore. She wanted to tell him that she was ready to accept her offer. To give whatever it is that’s blossoming between them a chance. She’s ready to take the risk of falling in love. Of falling in love other than Reuben. Maybe, Reuben and her wasn't really meant for each other kaya noon pa man ay kinuha na ito sa kanya ng mga Diyos.

She quickly packed her things sa kanyang bag pack at pagbukas niya ng pinto ng kwarto ay naghihintay sa kanya si Paolo sa labas nito.
    
“Paolo?” ang takang tanong niya ng makita niyang dala rin ang sariling bag nito.
    
“I’ll drive you back” ang sagot ni Paolo.
    
“That won’t be necessary” ang sagot niya, pero umiling-iling na si Paolo sa kanya.
    
“Please, kailangan ko na ring bumalik kay Rhina” ang sagot ni Paolo.
    
She nodded at bumalik na silang dalawa sa Maynila, late na ng makabalik sila.
    
Sa penthouse ni Drake balak niyang dumitretso, she didn’t call nor text him, gusto niyang surpresahin si Drake.

It was a long and awkward ride back to Manila but, Raven endured it, ang gusto lang niya ay makabalik na ng Manila at ang makita at makausap si Drake.
    
Pagdating nila sa hotel, ay mabilis na nagpasalamat si Raven kay Paolo, para sa paghatid nito sa kanya. Agad niya itong tinalikuran kahit pa halata sa mukha nito na tila may gusto pa ito na sabihin sa kanya. Pero hindi na niya ito binigyan pa ng pagkakataon, she wanted to move on with her life and that is with Drake.

Mabilis siyang sumakay ng elevator patungo sa penthouse ni Drake. Habang nakatanaw lang si Paolo sa kanya, at sa halip na dumiretso ito sa sariling silid, sa bar ito nagpunta para uminom sandali.

Mabilis ang bawat hakbang ni Raven paglabas niya ng elevator, patungo sa kwarto ni Drake. Ano kayang magiging reaksyon nito kapag sinabi na niyang she’s ready to take a chance? She was so excited too, at di na siya makapaghintay na makita ang reaksyon sa mukha nito.
    
She buzzed the doorbell, ilang segundo pa ang lumipas at nanatili siyang nakatayo sa labas. Hindi kaya nasa labas si Drake? She thought. She buzzed again, and this time, the door opened, at bumungad sa kanya ang gulat na mukha ni Drake.
    
“Raven, akala ko magstay ka pa sa resort?” ang takang tanong nito sa kanya.
    
Hindi na naghintay pa na imbitahan siya ni Drake na pumasok, agad siyang humakbang papasok sa loob ng kwarto nito.
    
“Uhm Raven”- ang sabi ni Drake, pero di na nito naituloy ang sasabihin.
    
“Drake, tungkol sa sinabi mo about us? I am” – pero natigilan si Raven sa pagsasalita ng may tumakbong maliit na bata papalapit kay Drake.
    
“Daddy!” ang sigaw nito, sabay kapit sa mga hita ni Drake ng batang nakasuot ng robe at mukhang bagong paligo ito.
    
Tila ba natulala si Raven at nakatingin lang sa batang maliit, then nagregister sa utak niya ang sinabi ng bata. Daddy? Ang tanong ni Raven sa sarili.
    
“Raven” ang sabi ni Drake, pero isang boses pa ang narinig ni Raven.
    
“Drake, who was it?” ang tanong ng isang boses ng babae na mula sa kwarto.
    
Oh my god! The realisation hit her, she looked at Drake’s eyes. Akmang lalapit ito sa kanya, pero umatras si Raven habang umiiling ang kanyang ulo. She turned at halos patakbo siyang lumabas ng pinto, dinig pa niya ang sigaw ni Drake nang tawagin nito ang kanyang pangalan, hindi ito nakahabol sa kanya dahil sa nakakapit ang batang maliit sa mga hita nito.
    
Halos tumakbo na si Raven patungo sa elevator, at nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang hindi nakasunod sa kanya si Drake.
    
Si Drake? May asawa at anak na ito? Niloko siya nito? And he asked her to give their relationship a chance? Ang manloloko na iyun! Ang galit na sabi ni Raven sa sarili at nagbadya na ang luha sa kanyang mga mata hanggang sa hindi na niya napigilan ang mga luha na umagos sa kanyang pisngi.
    
Kung kailan ready na siya na magmahal ng iba, ngayon pa siya nasaktan? Ang masakit na sabi ni Raven sa sarili.
    
First Paolo, ngayon naman si Drake ang nakasakit sa kanya, nakakarma na ba siya sa mga ginawa niya noon? Ang tanong niya sa sarili.
   
Kumikirot ang puso niya, parang hindi siya makahinga, hindi niya matanggap na niloko siya ni Drake. At lalo pang umagos ang luha sa kanyang mga mata.
   

    
Lumabas ang isang babae sa kwarto ni Drake, “Drake sino yun?” ang takang tanong nito nang may mamataan itong babae na tumakbo palabas.
    
“She’s someone SPECIAL to me Demi, I have to follow her” ang sabi ni Drake sa kapatid.
    
“Oh god, did she think that I’m your?” ang nag-aalang tanong nito sa kanya.
   
“Yes, and maybe she also thought that Darian was my son, ” ang sagot niya sa kapatid.
    
Kinuha ng kapatid ni Drake ang anak nito mula sa pagkakakapit nito sa kanya. Mabilis siyang tumakbo palabas ng kanyang kwarto para habulin si Raven.
    
    
Pagbukas ng elevator sa lower ground ay mabilis na lumabas si Raven, at dahil sa nakayuko siya hindi niya napansin ang nakasalubong niya at nabangga niya ito. And it was Paolo.
    
“Whoa” ang sambit nito ng mabangga ni Raven, hinawakan nito ang magkabilang balikat ni Raven nang mapansin na umiiyak siya.
    
“Raven? What’s wrong?” ang alalang tanong ni Paolo sa kanya.
    
She shook her head, “no wala ito” ang pagsisinungaling niya.
    
“Anong wala, come hindi kita pwedeng pauwiin ng ganyan ang kalagayan mo,” ang sabi ni Paolo. Inakbayan siya nito at sumakay sila sa kabilang elevator na paakyat. Pagkasara ng elevator kung saan lulan sila ay siya namang bukas ng kabilang elevator kung saan iniluwa palabas ang nagmamadaling si Drake.
    
Tumakbo ito palabas ng hotel habang hawak ang phone na nakadikit sa tenga nito. He was calling Raven’s phone at hindi nito sinasagot ang tawag niya.
    
“Raven” ang sambit ni Drake, habang mabilis na lumabas ng hotel para puntahan si Raven sa bahay nito.

    

“What happened Raven?” ang tanong ni Paolo sa kanya, nang makapasok na sila sa hotel room nito.
    
Nakaupo si Raven sa kama, sapu-sapo ng dalawa niyang kamay ang kanyang mukha na basang – basa na dahil sa luhang umaagos mula sa kanyang mga mata.
    
Kumuha si Paolo ng towel sa banyo, nauopo siya sa tabi ni Raven at iniabot niya ang towel dito, para mapunasan ang luha sa mukha.
     
“You can confide on me Raven, sinaktan ka ba ni Drake?” ang galit na tanong ni Paolo sa kanya.
    
She shook her head but she kept on crying, niyakap siya ng mahigpit ni Paolo.
    
“Shhh tahan na” ang pag-alu ni Paolo sa kanya, he rubbed her arms with his big hands to console her.
    
She tried hard to envision herself back at her garden, she was under the tree. Noong gabi na una silang nagtagpo ni Reuben, she prayed hard na ibalik na siya ng mga diyos sa kanyang panahon. Mas gugustuhin pa niyang mamatay na lang na kasama si Reuben, kaysa sa ngayon na nakadarama siya ng matinding sakit.
    
Then she opened her eyes, and saw Reuben’s face, “Reuben” ang sambit niya. Then he pushed her gently to look down on her face, their eyes met at locked gazes, then he dipped his head to seal her mouth with a kiss, and Raven closed her eyes the moment his lips touched hers.
    
It was gentle, para bang nanghihingi pa ng permiso ang mga labi ni Paolo. Raven, held the back of his neck, out of despair she pulled him closer to her, to deepen the kiss. She wanted to forget, she wanted someone to love, she thought. Nang mga sandaling iyun, gusto na niyang bumalik sa nakaraan.
    
At dahan-dahan siyang inihiga ni Paolo sa  kama, habang isa-isang inaalis nito ang damit ni Raven. While her mind went back to the time when Reuben was still alive.

Till Another Dawn [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon