Chapter 21

2.8K 102 5
                                    

"Where are you taking me?" ang interisadong tanong ni Raven habang nakaupo siya sa passenger side ng sasakyan ni Drake. She never felt excited like this before, ngayon niya lang ito naramdaman. Para siyang bata na hindi mapakali sa upuan at panay ang silip niya sa labas ng bintana.

Nagulat siya kahapon ng puntahan siya nito sa shop at bigla siya nitong alukin na sumama sa isang out of town trip. Kahit pa hindi siya ready na umalis kinaumagahan ay wala na siyang nagawa at bumigay din siya sa walang tigil na pangungulit sa kanya ni Drake.

Pangungulit with matching kisses sa kanyang lips at neck, at walang pakialam ito kahit pa nasa loob sila ng kanyang boutique at may mga nakakakita sa kanila.

Pero mas nagulat siya nang malaman niya kanina bago sila umalis ng Manila, kung sino ang kasama nila. Si Paolo. Hindi nabanggit ni Drake sa kanya na kasama nila ito. But she thought hindi naman na kailangan na ipaalam pa ni Drake kung sino ang kasama. Nakasunod ito sa kanila gamit ang sasakyan na pinahiram ni Drake.

Gustuhin man ni Raven na umiwas na rito, ay wala naman siyang nagawa, dahil, talaga daw na kasama si Paolo sa lakad nilang iyun.

"It's a secret actually, pero, isa ito sa mga importanteng project ko sa buhay" ang sagot ni Drake sa kanya. Kinuha nito ang kanyang kamay at hinalikan iyun. "And I wanted you to be part of it" ang nakangiting sabi sa kanya ni Drake.

Raven's heart started to beat fast, ganito rin ang naramdaman niya noon kay Reuben. Sana, si Drake na lang si Reuben, para kahit papaano ay maitutuloy nila ang naudlot na pagmamahalan, ang malungkot na sabi ni Raven sa sarili.

Pero mukhang malabo na silang magkatuluyan ni Reuben, ang sabi niya sa sarili at naalala na naman niya ang ginawa sa kanya ni Paolo, kung paano siya ipinagtabuyan nito.
She tried to shake off the hurt that she felt at muling itinuon ang kanyang pansin kay Drake.

"Was it another resort?" ang interisadong tanong niya, nanatiling hawak ni Drake ang isa niyang kamay, habang nagdidrive ito.

"Hmm, no" ang sagot nito while he shook his head, "but, we'll go straight to my resort first, para makapagpahinga muna tayo bago natin pupuntahan ang project ko" ang sagot ni Drake.

"So it's not a resort" ang nakangiting sagot ni Raven at naningkit pa ang mga mata niya kay Drake.
Drake chuckled, natutuwa siya sa enthusiasm ni Raven, he's really excited to show her, one of his greatest achievements. Mas importante pa ito sa isang hotel.

"Sorry Raven kung hindi ko agad nasabi sa iyo na kasama natin si Paolo" ang paghingi ni Drake sa kanya ng paumanhin.

Raven looked at him, then she shook her head, "you don't have to apologise Drake, balewala sa akin kung kasama natin si Paolo. "

Drake looked at her, "are you sure? Alam ko naman ang nararamdaman mo para sa kanya" ang malungkot na sabi ni Drake.

Nararamdaman kay Paolo? She thought, ano nga ba nararamdaman niya para kay Paolo? Hindi na niya alam. Para bang hinipan na ng hangin ang nadarama niya noon para kay Paolo. At dahil iyun kay Drake.
Yes, it was Drake, for some reason her heart swelled for him. Pero ayaw niya munang aminin ang umuusbong na pagtingin niya kay Drake. Kailangan niya muna na makasigurado. Ayaw niyang maramdaman na naman ang sakit.

Paolo was not feeling well that moment, habang nagmamaneho at nakasunod sa sasakyan ni Drake kung saan lulan din si Raven.
Hindi, wala siyang sakit, he's body was perfectly healthy, pero ang kalooban niya ang hindi stable ng mga sandaling iyun.
Because the moment na nakita niya si Raven na kasama nilang papunta sa site ay muling nanumbalik ang kakatwang nadarama niya. Selos.

Ganuon din ang nadama niya nang maabutan niya si Raven sa kwarto ni ni Drake a few days ago. Pinuntahan niya si Drake dahil may lakad sila, at nagulat siya nang ang magbukas ng pinto ay si Raven.
She didn't even look at him, but she greeted her with a curt nod, at iyun lang. Naglakad na ito paalis. Hindi katulad ng dati na ang buo nitong atensyon ay ibinibigay nito sa kanya. Ang ngiti nito na mapang akit na laging ibinabati nito sa kanya. Lahat iyun ay wala na.

Mas lalo pang bumigat ang pakiramdam niya nang tanungin niya si Drake ng tungkol sa kanila ni Raven.

"Did she spent the night here?" ang agad na tanong niya noon kay Drake.

"What does it looked like?" ang balik tanong ni Drake sa kanya. Paolo watched his temper, na mabilis na umaangat sa boiling point nito. He was engulfed with jealousy, kahit pa alam niyang mali ang nadarama.

Sa Birmingham hotel and resort muna sila dumiretso, sabay-sabay silang sumakay sa elevator. And that moment it felt awkward for Paolo.
Panay ang sulyap sa dalawa, nakaakbay si Drake kay Raven, habang ang kamay nito ay hinihimas ang bare na braso ni Raven dahil sa suot nitong sleeveless shirt.

Hindi niya mapigilan ang hindi mapatingin sa dalawa and his heart felt heavy. Ano bang nangyayari na sa kanya? Ang tanong ni Paolo sa sarili. Then biglang tumunog ang kanyang phone, he fished it out from his front jean pocket at sinagot ang tawag.

"Rhina" ang bati ni Paolo, "oo nandito na kami, we're in the elevator, I'm with them"

"Hi Rhina! Hi ate!" ang sabay na bati nina Raven at Drake.

"I'll call you later okey? Magpapahinga lang muna ako sandali" ang sabi niya bago nito pinatay ang phone.

"Magpahinga muna tayo for an hour or two then punta na tayo sa site" ang sabi ni Drake kay Paolo, paglabas nila ng elevator at habang naglalakad na sila sa hallway patungo sa kanilang mga kwarto.

"OK" ang matipid na sagot ni Paolo, habang nakatayo siya sa harap ng pintuan ng kanyang hotel room.
Sinundan na lang niya ng tingin sina Raven at Drake na nagtungo sa pinakadulong bahagi ng hallway kung saan naroon ang kwarto nila Drake at Raven.

Hindi muna siya pumasok sa loob ng kanyang kwarto, hinintay niya muna na makapasok ang dalawa sa iisang kwarto. At nang isara ni Drake ang pinto, parang nabasag din ang kanyang puso.



Till Another Dawn [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon