“Rhina,” ang gulat na sambit ni Raven nang biglang bumukas ang pinto at nakita sila ng kapatid sa ganuong ayos na nakayakap sa kanya si Paolo.
Agad na kumawala si Raven sa mga braso ni Paolo, na kagaya niya ay nagulat din ng makita si Rhina.
“Ikaw pala ang dahilan?” ang galit pero naluluhang patanong na sumbat ni Rhina sa kanya.
"All this time? I confided on you? Pinagmukha mo akong tanga?" ang galit na sumbat ni Rhina sa kanya.
Akmang lalabas ito ng pinto pero hinarangan niya ang kapatid para hindi makalabas at itunulak niya ito papasok ng bahay, ka sunod nila si Paolo, na pumasok rin sa loob.
“Rhina, magpapaliwanag ako” ang pagmamakaawa ni Raven.
“Na ano? Anong idadahilan mo? Na sinusubukan mo lang si Paolo kung totoo ba ang pagmamahal niya sa akin? O yan! Nakuha ko na ang gusto mong kasagutan, apparently hindi niya ako mahal, at nakuha mo na siya, pinutol na niya ang kasal, masaya ka na ba? Did it boost your ego na lahat ng lalaki kayang mong makuha?” ang galit na tanong ni Rhina.
Umiling – iling si Raven habang umaagos na ang luha sa kanyang mga mata.
“Hindi ka na bata Raven, para gawin yan, what are you? Are you an ego maniac?” ang insultong tanong ni Rhina sa kanya.
“Please Rhina, hayaan mo akong magpaliwanag, please, magpapaliwanag ako, hear me out please” ang lumuluhang paki usap ni Raven sa kapatid.
“You just saw me cry, you just witnessed how my heart break into pieces, you even comforted me, na wala akong kaalam – alam na ikaw pala ang dahilan ng pagdurusa ko, IKAW na KAPATID ko.”
“Sinabi ko pa sa sarili ko na, napakaswerte ko dahil may kapatid akong kagaya mo, na malakas at matatag na pwede kong sandalan kahit anong oras, kapag nangangailangan ako” sandaling huminto si Rhina at tiningnan siya mula ulo hanggang paa, saka ito nagsingasing, “yun pala isa kang AHAS, isang babaeng akala mo mauubusan ng lalaki na kailangan lahat ay matikman niya,” tiningnan naman ni Rhina si Paolo. "Insulto para sa demonyo kung ikukumpara ito sa iyo, dahil tila anghel pa ang demonyo kung ikukumpara sa kasamaan mo."
“Magsama kayong dalawang traidor,” ang galit na sabi ni Rhina.
“Rhina,” ang sambit ni Paolo sa unang pagkakataon, “walang kasalanan si Raven,” ang sabi nito.
“What are you going to say? Na desisyon mo ang pakikipagkalas, na ikaw ang mahina? Wala na akong pakialam pa sa mga dahilan ninyo, I've heard enough, magsama kayong dalawa, kung pwede nga lang sa IMPYERNO pero baka wala kayong lugar doon at agawan nyo pa ng trono si SATANAS!” ang galit na sabi ni Rhina bago ito mabilis na dinampot ang kanyang handbag at mabilis na lumabas ng bahay.
Hinabol pa siya ni Raven, pero itinulak siya ng kapatid, kaya napaatras siya. “Don’t ever come near me again” ang galit na sabi sa kanya ni Rhina bago pa ito lumabas ng bahay.
“Rhina!” ang sigaw ni Paolo at sumunod ito palabas ng bahay. Naiwan si Raven na humahagulgol, napaupo siya sa sahig.
Niyakap niya ang sarili, sobrang sakit ng kanyang nadarama, pero hindi siguro maikukumpara ang sakit na nadarama ng kanyang kapatid, ang sabi ni Raven sa sarili.
Hindi niya lubos maisip ang sakit na dinaranas ngayon ng kapatid, na walang ibang nag dulot niyon kundi siya.
Oo totoo nga siguro ang sinabi nito, na dinaig pa niya ang demonyo sa kasamaan.
Pero bakit siya masasaktan? Hindi ba at ito ang ginusto niya? Hindi ba’t umpisa pa lang ay napaka determinado niyang makuha si Paolo sa kapatid? Hindi ba dapat nagbubunyi siya sa tagumpay niya? Na sa wakas ay matutuloy na ang naudlot na pagmamahalan nila ni Reuben? ang lumuluhang tanong ni Raven sa sarili.
Oo gusto niyang makuha si Paolo, pero hindi sa ganitong kalagayan, na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maalala at ni hindi pa rin nakadarama ng pagmamahal sa kanya. Batid niyang naguguluhan lang ang isipan nito.
Kaya niya bang tanggapin ngayon si Paolo, sa kalagayan nito ngayon? Na kahit na may nangyari na sa kanila ay di pa rin siya maalala ng puso at isipan nito? Handa ba siyang magtiyaga na pakisamahan ito, hanggang sa bumalik ang memorya nito?
At higit sa lahat, kaya ba niyang tanggapin ang relasyon nila ni Paolo kung may mga nasaktan sila? Kaya ba niyang tanggapin ang inaalok nitong relasyon, kung ang mismong mga puso nila ay iba ang itinitibok?
Naalala niya si Drake, ang mga halakhak nito, ang mga pilyong ngiti nito sa kanya, ang matiyaga nitong pagkukwento sa kanya ng mga pangarap nito, kung paano ito taimtim na nakikinig sa kanya sa tuwing may mga opinyon siya, at naalala niya ang mga halik at haplos nito sa kanyang katawan, na hindi lang katawan niya ang pinag-aalab kundi pati puso at kaluluwa niya.
That moment she felt lost, she wanted to be wrapped into Drake’s arms, she wanted to feel his breath in her neck, and to hear his comforting words in her ears.
She was lost, hindi na niya alam kung anong direksyon ang pupuntahan niya. Wala si Reuben na guide niya from her past, at wala na rin si Drake, sa kasalukuyang panahon. She was lost and scared, gusto na niyang bumalik sa dating panahon, may diyos pa bang makikinig pa sa kanya? Sinong diyos ba ang dapat niyang tawagin? Ang naguguluhan niyang tanong sa sarili.
Gusto na niyang mamatay, kung kitilin na lang kaya niyang muli ang kanyang buhay, para maitama ang lahat? Sigurado na kapag nawala siya sa eksena, maaayos ang lahat.
Hindi ba at ganuon ang takbo ng mga kwento sa libro at pelikula? Kailangan na munang mawala ang kontrabida?
At sa mga kwento ang kontrabida ay walang happily ever after. Laging talunan sa ending, isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.
“Alam mo na Queen Meryn ang dapat mong gawin, hindi ba?” ang malakas na tanong niya sa sarili.
Nanlalambot man ay tumayo si Raven, pinahid niya ang luha sa mga mata, taas noo siyang tumayo and regally she walked upstairs, at pumasok siya sa loob ng kanyang kwarto.
Kailangan niyang gumawa ng hakbang para maitama ang lahat, kahit pa masaktan siya, ang sabi ni Raven sa sarili.
BINABASA MO ANG
Till Another Dawn [Completed]
RomanceSTRICTLY for mature readers only! 18+ SPG NAUGHTY If love can surpass time, will you fight for your love? Or will you give it up for his happiness. Raven was once the evil sorcerer queen Meryn, but when she met Reuben, her fiery heart was tamed by...