1- That Night I Met A Stranger

16 2 0
                                    


"ANG MALAS KO SA PAG-IBIG!" sigaw ko sa kawalan hanggang sa mapagod ako.

"PUTANGINA! BAKIT BA ANG MALAS-MALAS KO SA PAG-IBIG? HA? TANGINA NAMAN, TADHANA EH!" sigaw ko ulit.

Bakit kasi everytime na magmamahal ako, e lagi akong iniiwan? Lagi nalang akong nasasaktan

"Tss. Can you please shut up or low down your voice? Nakakaabala ka, sa natutulog." iritadong sambit ng isang lalaki sa likod ko.

Tiningnan ko lang naman ito at saka patuloy lang sa pag-iyak.

"Edi wow! Kayong mga lalaki, mapanakit."   sambit ko at parang batang sumisinghot ng sipon.

"Tss!" Ani nito at saka naglakad paalis.

Hindi ko naman na ulit ito pinansin at saka sumigaw ulit.

"TANGINA MO, DREW! ISA KANG WALANG KWENTANG LALAKI! MAPANAKIT KA!" sigaw ko ulit.

Si Drew, na paasa, na pinaghintay ako sa wala. Putangina niya!

Nang mahimasmasan naman ako, saka naman ako naglakad-lakad.

"Hayop ka, Drew. Maghihiwalay rin kayo ng magiging syota mo." Bulong ko sa sarili ko.

"You done?"

Napataas naman ang tingin ko sa lalaking nagsalita at ito yung lalaking pinapatigil ako sa pagsisigaw kanina.

"Yes, why? Ikaw na ba susunod na maglalabas nang sama ng loob?" masungit na sambit ko.

"No, hindi naman ako marupok katulad niyong mga babae. And finally, you're done. Makakatulog na ako." sambit nito at saka tumayo.

Edi wow.

"Here" sambit nito at inabot ang panyo.

Tiningnan ko lang naman ito. Gagawin ko diyan?

"Aanhin ko naman iyan?" Tanong ko.

"Ipunas mo sa basa mong mukha at lumuluhang mong mata." sambit nito at saka iniabot ulit sa akin ang panyo.

"Sa-salamat."

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon