6- That Night I Met A Stranger

3 3 0
                                    


*Fast forward*

"Lyra, ba't hindi kapa nag-aayos?" takang tanong ni Lei sa akin, yung pinsan ko.

"Ilang oras pa naman magsisimula 'yon eh!" sambit ko at nahiga ulit.

Tinutukoy namin ang concert ni Ace, ngayon na kasi iyon.

"Gaga, ikaw bahala. Saka yung panyo ihanda mo na para maibalik mo sa kaniya." pagpapaalala nito.

"Opo" sambit ko.

Kinakabahan ako, baka kasi hindi ko maibalik kay Ace, yung panyo niya mamaya.

Dalawang oras pa naman kasi bago magsimula ang concert at isa pa, malapit-lapit lang naman ang venue rito sa amin. Dalawang sakayan lang.

"LEI!" pagtawag ko sa pinsan ko.

"Oh! Bakit?" tanong nito.

"Anong magandang suotin para mamaya?" tanong ko dahilan para ngumisi ito.

"Bra at panty" natatawang sambit nito.

"Gago ka! Ikaw nalang." Natatawang sambit ko.

"Oh! Sige, pabor naman yun sa akin eh. Akin na yung ticket." sambit niya at inilahad pa ang kamay niya.

"Ulol! Alis kana nga rito. Labas!" sambit ko  at akmang babatuhin siya ng unan.

Hindi makausap nang maayos amputa!

Tumayo naman ako mula sa pagkakahiga at saka pumunta sa aparador ko, upang maghanap nang maisusuot.

"Takte! Ano bang isusuot ko?" Irita kong sambit sa sarili ko.

"Bahala na nga!" sambit ko ulit sa sarili ko at saka kinuha ang jeans ko pati na ang kulay maroon na t-shirt ko.

"Mas okay na yung simple lang, kesa sa nagmamaganda hindi naman gumaganda." sambit ko ulit sa sarili ko at saka natawa bigla.

Inihanda ko naman ang panyo na binabad ko pa sa downy at inilagay ito sa bag ko.

Napagpasyahan ko rin na maligo na para magbibihis nalang maya-maya.

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon