Part 29: That Night I Met A Stranger

3 0 0
                                    

             - Lyra Magdangal P.O.V -

"Ace, sasama ba kayo sa akin bukas kina Tiya (tita)? tanong ko kay Ace habang naghuhugas ito ng mga pinagkainan namin.

Pahuli-huli kumain eh! Naunahan ko pa tuloy.

"Oo, ako oo, ewan ko lang dun kay Drew mo." ani nito.

"Luh? Anong akin si Drew? Nanliligaw palang ulit sa akin iyon." natatawang sambit ko dahilan para matigilan iyon.

"What? Nililigawan ka ulit ni Drew?" tanong niya.

"Ahm. O-oo, simula nung sinugod ako sa boutique nung tatlo sa mga fans m-mo." ani ko dahilan para magulat ito.

"W-what? Sinugod ka? Fuck!" nagmamadali naman itong tinapos ang hinuhugasan niya at sinundan ko lang itong maglakad. Galit amp.

Nakarating naman kami sa kwarto niya at parang may hinahanap ito sa kama niya.

Nakuha naman nito ang cellphone niya.
"Tangina! Walang signal!" Singhal nito para matawa ako.

"Oh! Ba't tumatawa ka?" Tanong nito.

"W-wala." Pigil tawa kong sambit. "Hindi mo ba naaalalang walang signal dito sa probinsya?" Dagdag ko pa.

"N-nakalimutan ko." nauutal nitong sabi kaya naman napa-isip ako.

Mukhang nagiging makakalimutin na itong si Ace.

"Ace, mukhang nakakalimot kana." ani ko rito at naupo sa may tapat ng computer set niya.

"A-ano kasi... Matagal rin akong hindi nakapunta rito kaya nakakalimot narin ako." Ani nito.

"ah ganun ba? Ace, anong oras na?" tanong ko.

"9:37pm." tipid na sambit nito.

"Matulog kana, maaga pa tayo bukas." sambit ko.

"Tatabihan mo ba ako?" tanong nito.

Ano daw?

"Luh? Hindi." ani ko.

"Eh! Bakit andito ka sa kwarto ko?" Tanong nito.

"W-wala. Sige, labas na ako." ani ko.

Akmang lalabas na ako ng pinto nang marinig kong tawagin nito ang pangalan ko.

"Lyra"

"Oh?"

"I'll make sure na ipagtatanggol na kita sa susunod, I'm sorry sa ginawa ng ibang fans ko sa'yo. I'm really sorry." ani nito at tumungo pa.

Nilapitan ko naman ito at agad na pinitik ang ulo nito.

"Sus! Okay lang sa akin iyon. Dumating naman si Drew eh, naawat niya kami." Ani ko.

"Tss! I'll make sure na hindi kana mapapahamak pa dahil sa mga fans ko. I'm really sorry, Lyra." ani nito na ikinatawa ko.

"Okay nga lang." Natatawang ani ko. "Sige, labas na ako. Inaantok narin ako eh." Dagdag ko pa at akmang hahakbang na nang hawakan nito ang kamay ko.

Tumayo ito at mabilis na niyakap ako. Dahilan para magulat ako.

"Good night, Lyra." ani nito at hinalikan ako sa noo.

"Go-good night."

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon