24- That Night I Met A Stranger

4 1 0
                                    


*alarm rings.*

Narinig ko naman ang alarm ng phone ko kaya agad ko itong pinatay at akmang babangon na nang mapansin kong nakayakap sa akin ang dalawa.

Takte!

"Uy, gising na!"
"Woy! Gising na kayo."
"Gising na sabi eh"
ani ko at inalog-alog ang dalawa.

Nagising naman na ang dalawa at grabi ang ngisi sa akin.

"Good morning, Lyra." Bati nitong dalawa.

"Good morning." ani ko.

"Hala? Mag-aalas syete na. Hindi ba dapat alas singko ang byahe natin?" Tanong ni Drew, na ikinatawa ko.

"Sinadya kong huwag na kayong gisingin dalawa kaninang alas kwatro dahil kulang kayo sa tulog kaya naman nag-alarm ako para alas syete eh makaalis na tayo." sambit ko at pumasok sa banyo.

Naghilamos naman ako at inayos na ang sarili ko.

Nakita ko naman ang dalawang naghihintay sa labas at mukhang nagtatalo pa.

"Lyra, kaninong kotse ba ang gagamitin natin?" tanong ni Drew, na nakangisi.

"Sa'yo. Yung mga gamit mo, Ace. Ilipat mo na sa kotse ni Drew. Yung kotse kasi ni Drew yung gagamitin natin saka dadaan pa tayo sa Mall para mamili ng mga pasalubong para sa mga kamag-anak ko doon." sambit ko.

Nagsimula naman nang ilipat ni Ace ang mga dala niyang gamit sa kotse ni Drew at saka ko naman ipinasok sa loob ang mga dala kong gamit.

Pumasok naman ako saglit sa bahay para magpaalam na kay Lei at sinabi naman nitong mag-iingat daw kami.

Papasok na sana ako sa kotse nang biglang magsalita si Drew.

"Lyra, sa tabi kana ng driver's seat umupo. " ani ni Drew.

"No, Lyra dito kana sa likod para tabi tayo." ani naman ni Ace.

"Hindi pwede, ano magmumukha niyo lang akong driver?" Ani ni Drew, na ikinatawa naming dalawa ni Ace pareho.

"Para kayong tanga. Sa likod ako, diyan kayo pareho sa harap." ani ko at dali-daling sumakay sa may likod na part.

Naupo naman si Ace sa shot gun seat habang si Drew naman ang magdadrive.

"Ace, paano pala ang career mo? Saka baka may mga nakaschedule ka para sa recording o comcerts?" tanong ko.

Nag-aalala kasi ako para sa career ni Ace.

"Nah, si Mommy na ang bahala sa mga iyon. Pinakacancel narin ni Mommy yung concert ko sa Japan at Taiwan." Sambit nito.

"Ay! Hala?" Tanging nasambit ko nalang.

"Don't worry, irere-schedule nalang namin ulit iyon." ani ni Ace.

Napa-'ahh' nalang naman ako.

"Ikaw, Drew, wala ka bang importanteng meetings para sa business niyo?" Tanong ko kay Drew.

"Meron, marami pero mas gusto kong kasama ka kaya naman pinacancel ko rin ang mga iyon." ani nito.

Tangina! Baka dahil sa akin bumagsak ang kompanya nito at masira ang career ni Ace? Hayop! Kinakabahan ako sa dalawang ito.

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon