Part 31: That Night I Met A Stranger

3 0 0
                                    

-

                  -Lyra Magdangal P.O.V-

"Manang, tulungan ko na po kayo diyan sa pagluto." ani ko at akmang tutulungan siya pero nagsalita ito.

"Huwag na, iha. Gisingin mo nalang si Sir. A-Ace at si Drew, mag-aalmusal na tayo." Ani nito kaya tumango ako.

Agad akong pumunta sa kwarto ni Drew at binuksan ang pinto.
Naabutan ko naman itong mahimbing na natutulog.

"D-drew, gising na. Mag-aalmusal na tayo." ani ko at sinundot-sundot pa ang pisnge nito.

"5 more minutes, Lyra. Inaantok pa ako." ani nito at nagkulob sa kumot niya.

"Haha okay, babalikan kita rito. Dapat nakaayos kana kasi mag-aalmusal na tayo." ani ko.

"Okay." Sagot nito kaya namn lumabas na ako at naglakad-lakad papunta sa kwarto ni Ace.

Bata palang kami noon at kada nakikitulog ako rito noon, ako lagi ang gumigising sa kaniya.

At ngayon ko nalang ulit gagawin iyon.

"Magandang umaga, Ace." sigaw ko sa loob ng kwarto niya at naabutan ko rin itong mahimbing pa ang tulog.

"Uy! Ace, gising na. Mag-aalmusal na raw sabi ni Manang Lucy." ani ko at sinundot-sundot ko rin ang pisnge nito.

"hmm." Bahagyang tinalikuran lang ako nito at bumalik sa pagtulog.

Sumampa naman ako sa kama niya at pinagluluksuhan ito.

"HOY! ACE, GISING NA! MAG-AALMUSAL NA!" sambit ko habang lumulukso sa kama niya.

Gumalaw naman ito dahilan para maapakan ko ang unan niya at matumba ako.

Hala? Tangina!

"Fuck! Lyra, kung gusto mo kong halikan? Sabihin mo nalang. Hindi yung grabe ka makadiin niyang labi mo. Pasalamat ka, malambot iyang labi mo." Ani nito pero hindi ako makasalita.

Nang matumba kasi ako, tumama ang labi ko sa labi niya. Tangina!

"Oh! Ba't parang naiiyak ka?" tanong nito habang kinukusot ang kaliwang mata niya.

"Y-yung ano ko."

"Alin?" Alalang tanong nito.

"Y-yung first kiss ko, wala na. Tangina mo kasi." sambit ko at tuluyan nang nagsikawala ang mga luha ko.

"Fuck! Don't cry, Lyra. O-okay! Ibabalik ko na yung first kiss mo, just don't cry." ani nito at parang kinakabahan.

"P-paano?" tanong ko.

"Here." Ani nito at hinalikan ako sa labi.

Ibinalik ba niya o kinuha niya lang first and second kiss ko?

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon