9- That Night I Met A Stranger

3 2 0
                                    


"Kumusta ang concert?" pamalditang tanong nitong pinsan ko.

"OMG! LEI, SI ACE AT MRS. VERLI-- I MEAN SI TITA MARTHA, SILA NGA YUNG NAKILALA KO SA PROBINSYA NAMIN NOON!" masaya at dali-daling sambit ko.

Parang nagulat naman ito sa sinabi ko.

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"OO! Saka ipinatawag pa ako ni Tita Martha, sa backstage para sabihin 'yon. Saka naibalik ko narin yung panyo." masayang pagkwento ko.

"La? Sana all! Sa susunod bigyan mo 'ko ng concert ticket." sambit nito kaya natawa ako.

"Oo kapag may pera. Pahinga lang muna ako, saka magpahinga kana rin." Sambit ko at tuloy-tuloy na pumasok sa kwarto ko at pasalampak na humiga.

"Hays! Napakasayang gabi para sa akin 'to." sambit ko at inalala ang mga nangyare kanina sa venue.

Gusto pa sana akong imbitahan ni Tita Martha sa bahay nila pero tumanggi ako dahil sa hiya. Bwisit na hiya 'to.

Saka hindi parin ako makapaniwala na si Ace, yung kababata ko.

"Hala?!" Nasambit ko nalang nang maalala ko yung dalawang batang napanaginipan ko noon.

Kamukha ni Ace yung batang lalaki, siguro nga kami 'yon noong kami'y bata pa?

Bahagyang natawa naman ako dahil sa sinabi niya kanina na iyakin ako.

Pota! Totoo naman eh! Paniguradong umiyak ako noon nung umalis sila noong bata pa kami, tapos nung nakita niya akong lasing at sumisigaw sa beach tapos nung kaninang nalaman ko, na siya yung kababata ko. Edi ako na yung iyakin. Duh!

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon