26- That Night I Met A Stranger

3 1 0
                                    


"Sir. Jace, buti napabisita kayo." Ani ni Manang Lucy, na siyang namamahala rito sa bahay kapag wala sina Ace. "Iha, ikaw ba si Lyra? Yung kababata ni Ace?" Dagdag pa nito.

Agad naman akong napatango at medyo nagulat dahil sa naaalala pa pala ako nito.

"Ay! Opo. Saka bakit po pala Jace ang tawag niyo kay Ace?" Takang tanong ko.

"Ah kasi si--" hindi na pinatapos pa ni Ace ang sasabihin ni Manang Lucy, dahil agad itong nagsalita.

"A-ah kasi Jace talaga ang totoong pangalan ko. Ace lang yung nickname ko kaya hindi mo alam na Jace ang totoong pangalan ko." ani nito. "Ihahatid ko na kayo sa kwarto niyo. Manang, samahan mo ho kami papunta sa guest room at nang makapagpahinga na itong dalawa." dagdag pa nito.

Agad namang binuhat ng ibang maids ang mga gamit namin at nagsimula nang maglakad si Manang Lucy sa itaas kaya sinundan namin ito.

"Sir, ito na po yung dalawang guest rooms." ani ni Manang at itinuro kay Ace.

"Oh! Pumili nalang kayong dalawa kung saan kayo magpapahinga." ani ni Ace.

"Dito ako." Turo ko sa kaliwang parte ng dalawang guest rooms.

Actually marami ang guestrooms dito. Dahil palagi silang may bisita dati rito.

"Doon naman ako sa kabila." Ani ni Drew at sinimulan nang ipasok ang mga gamit niya. Ganoon din naman ang ginawa ko.

"Ipapatawag ko nalang kayo kapag kakain na." ani ni Ace at naglakad na pabalik.

             -     Ace Verlin P.O.V    -

"Manang Lucy, maaari bang Ace ang itawag niyo sa akin kapag andyan ang mga kasama ko?" Sambit ko.

"P-pero, sir--" mag-aapila pa sana ito nang magsalita ako ulit.

"Tss! Hindi nila maaaring malaman na may kakambal si Ace at ako si Jace, Manang. Paki-sabihan rin ang ibang Maids at Guards, at pakitago na muna ang mga pictures na kasama kaming dalawa ni Ace. Dahil kapag may nakita ako, lahat kayo matatanggal sa trabaho." utos ko.

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon