22- That Night I Met A Stranger

4 2 0
                                    

"Mas mabuti siguro kung lalayuan mo nalang si Ace, Lyra. Napapahamak ka lang dahil sa kaniya." ani ni Drew.

Andito kami ngayon sa apartment at kaming dalawa lang rito dahil nasa trabaho ang pinsan ko.

Hinatid agad ako ni Drew rito matapos ang nangyari sa loob ng boutique kanina.

"Hindi pwede, isa pa kababata ko rin si Ace." Ani ko.

Bigla naman pumasok sa isip ko ang sinabi ni Drew kanina sa loob ng boutique.

'Kayong tatlo, kapag nakita ko kayong gumagala-gala rito sa loob ng Mall na pagma-may ari ko, agad ko kayong ipapadampot sa pulis. Huwag na huwag niyo balakin pang saktan si Lyra dahil ako ang makakalaban niyo.'

"Ahm. Drew?" pagtawag ko rito na kumakain ng niluto kong pancit canton.

"Oh?"

"Nagtataka lang kasi ako." paninimula ko.

"Bakit naman?"

"Bakit sinabi mo doon sa tatlong babae kanina na ikaw yung may ari ng mall? Siraulo ka ba? Pati iyon ginagamit mo sa kalokohan mo?" natatawang sambit ko at sumubo ng pancit canton.

Napahalakhak naman ito sa tanong ko.

"You really don't know na ako talaga ang may ari nung mall at inutusan yung pinsan ko na siyang amo mo, na may ari nung boutique na tanggapin ka." Ani nito na ikinagulat ko.

"Pinsan mo si Sir. Lance Remio?" takang tanong ko.

Si Sir. Lance Remio kasi ang boss namin na nagmamay-ari ng boutique na pinapasukan ko.

"Yes. Father side ko at mother side naman niya. Ang papa ko at mama niya ay magkapatid." ani nito na ikinagulat ko lalo.

Kung titingnan kasi mukhang pa silang bata para maghandle o magmay-ari ng ganun. Isa pa, pareho rin silang binata pa.

Akala ko pa naman crush ako ni Sir. Lance kaya niya ako tinanggap sa trabaho?

"Maiba ako, Lyra. Nabanggit sa akin kanina ni Lance, na magbe-vacation leave ka for a month dahil raw pupunta ka sa probinsya niyo?" tanong nito at seryosong tumingin sa akin.

"A-ah! O-oo eh!" ani ko at napakamot pa sa ulo.

"Sasama ako." ani nito na ikinagulat ko.

Tiningnan ko naman ito simula ulo hanggang paa.

"May problema ba?" tanong nito.

"Hindi pwede." Ani ko.  Masyado kasi siyang mayaman tingnan at hindi siya nababagay sa lugar namin dahil wala roong kuryente.

Baka hanapan pa ako nito ng electric fan kapag naiinitan ito.

"Ba-bakit?" Tanong nito.

"Walang kuryente sa lugar namin." sambit ko.

"Okay lang!" Ani nito na ikinagulat ko.

"We?"

"Oo nga, saka bata pa kami sinasanay na kami ni daddy sa ganiyang bagay. "Kaya ko ring matulog na pamaypay lang ang gamit at hindi electric fan." Dagdag pa nito.

"Edi wow!" Ani ko.

"Edi pwede na akong sumama?" masayang tanong nito.

"Bahala ka. Basta maaga tayong babyahe bukas mga alas singko ng umaga para alas singko ng hapon tayo makarating doon." ani ko.

"Babyahe? Sasakay ng bus?" tanong nito kaya tumango ako.

"Oo. Bakit?" Sambit ko.

"Kotse ko nalang gamitin natin para makatipid kana rin sa pamasahe at saka para narin may pambili kang pasalubong bukas." ani nito.

Nagpag-isip-isip naman ako at agad ring sinang-ayunan ang sinabi niya.

"Sige."

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon