4- That Night I Met A Stranger

9 2 0
                                    


"Hala? Ang swerte mo naman may ticket na ibinigay sa'yo si Madam Verlin." Parang naiinggit na saad ni Lian, matapos makaalis yung babaeng nagbigay sa akin ng ticket.

"Ha? Sino yun?" Gulat na tanong ko.

"Si Madam Verlin, nanay siya ni Ace Verlin, yung sikat na singer." nakangiting sambit ni Lian.

Nagulat naman ako sa nalaman ko, kalaunan ay napangiti rin.

Magkakaroon ako ng tyansang maibalik ang panyo ni Ace.

"Dati na siyang costumer natin, pero matagal rin sila sa America kaya hindi mo siya naabutang namimili dati rito. Minsan nga kasama niya si Ace rito, kaya madalas na marami tayong costumer noon." Dagdag pa ni Lian.

-

Makalipas ang ilang oras at out na namin sa trabaho. Dali-dali akong umuwi at ibinalita sa pinsan ko ang pagbigay ng ticket ni Mrs. Verlin.

"Hala? Sana all binigyan." sambit nitong pinsan ko, kaya natawa naman ako.

"Gaga HAHAHAHAHA matulog na nga lang tayo." sambit ko at saka pumasok sa kwarto ko.

Nagdasal naman muna ako bago matulog.

"Sabi mo dito ka lang sa tabi ko? Ba't aalis kayo?" rinig kong sabi ng batang babae pero hindi ko makita ang mukha nito.

"Sorry na. Babalik naman kami ni Mommy eh" rinig ko sambit ng isang batang lalaki. Nakikita ko ang mukha nito ngunit yung batang babae ang hindi.

"Huwag na kayong umalis." sambit ng batang babae at halata sa boses nito na umiiyak.

Agad na niyakap nung batang lalaki ang batang babae.

That Night I Met A Stranger (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon